Ang pagsimba sa tahanan ay maaaring nakaaabala kung ikaw ay nasanay sa pagpunta sa simbahan tuwing katapusan ng sanlinggo. Gayunman, kung ikaw ay sumasamba kasama ang isang munting pangkat, gaya ng iyong pamilya, o kahit sa sarili mo lang, posible na makamit ang pagpapala ng isang saganang araw ng Sabbath habang sumasamba sa tahanan.
|
Ang Pahayag 18 ay naglalaman ng isang malinaw na kautusan na iwanan ang Babilonya: “Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko, upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan, at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay.” (Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version) Walang denominasyon ang hindi kasali. Lahat ng mga relihiyon at denominasyon ay kontaminado ng kamalian.
Ngunit iyon ay nagpapakita ng isang problema. Ang pagdalo sa simbahan ay nagiging kasingkahulugan ng pagsamba. Kaya, saan (at paano!) sumasamba ang mga mananampalataya?
Ang pagsamba ay isang pandiwa ng pagkilos. Binigyang-kahulugan ito bilang: “Para sumamba; para magbigay ng banal na karangalan; para gumalang nang may kataas-taasang respeto at benerasyon.”1 Ito’y nagmula sa salitang Hebreo na, shâchâh na ibig sabihin ay yumuko sa pagsamba. “Ito ay ang karaniwang termino sa pagdating sa harap [ni Yahuwah] sa pagsamba.”2 Ito ay isang bagay na maaaring gawin ng sinuman sa tahanan kasama ang kanilang pamilya, o maging sa sarili lamang nila. Sa katunayan, mayroong Biblikal na pangunguna para sa pananatili sa tahanan sa Sabbath!
Sa Exodo 16, bago ang pagbibigay ng kautusan sa Sinai, sinabi ni Yahuwah kay Moises: “Tingnan ninyo, na sapagka't ibinigay ni Yahuwah sa inyo ang Sabbath, kung kaya't Kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw; matira ang bawa't tao sa kaniyang kinaroroonan, huwag umalis ang sinoman sa kaniyang kinaroroonan, sa ikapitong araw. Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw.” (Tingnan ang Exodo 16:29-30.) Ang mga anak ni Israel ay hindi tumayo sa paligid ng tolda, o sa maagang tolda ng pagtitipon tuwing Sabbath upang makinig sa isang sermon ni Moises. Sa halip, ang bawat pamilya ay nanatili sa kanilang mga tahanan at sumamba kay Yahuwah sa mga tahanang ito.
Maaari mo rin na magawa ito.
Pagsamba sa Tahanan
Ang kaligtasan ay palaging isang indibidwal na bagay, hindi aktibidad ng isang pangkat. Ang pagsamba sa tahanan ay sukdulang katanggap-tanggap kay Yahuwah at sa katunayan ay higit sa pagpapanatili sa espiritu ng tunay na pagsamba.
Sumasamba mag-isa
Maraming mananampalataya na lumabas ng Babilonya ay napilitang gawin ito nang mag-isa. Ang pagsunod sa kordero saanman siya magtungo ay maaaring lubos na mapanglaw na paglalakad. Ngunit sigurado na kapag nahanap mo ang iyong sarili sa kategoryang ito, ang iyong papuri at pagsamba na itinatangi ni Yahuwah na parang walang ibang tao sa mundo para ipagkaloob ang Kanyang anak. Para sa isang makahulugang paglalaan ng oras kasama ang iyong Manlilikha, isaalang-alang ang mga sumusunod:
- Magsimula ng isang aklat ng panalangin. Gumawa ng isang listahan ng mga tao o mga kalagayan na paglalaanan mo ng panalangin. Maging lubos na tiyakan sa iyong mga pakiusap at manalangin sa iyong listahan ng panalangin sa loob ng sanlinggo. Sa araw ng Sabbath, magbalik-tanaw sa iyong listahan at isulat ang mga kasagutan sa panalangin na natanggap mo. Ito’y magpapataas ng iyong pananampalataya para makita ang iyong mga sinagot na panalangin.
- Ang mag-isang pagsamba ay nangangahulugan na ikaw ay hindi nakagapos sa mga limitasyon o mga interes ng iba. Maaari kang maghukay nang mas malalim tungo sa salita ni Yah. Pag-aralan ang isang bahagi ng Kasulatan. Itanong sa iyong sarili: 1) Ano ang ipinapakita nito ukol kay Yahuwah? 2) Ano ang ipinapakita nito ukol sa aking sarili? 3) Ano ang ipinapakita nito ukol sa kalooban ni Yahuwah para sa aking buhay? Ang Sabbath ay isang panahon para sa malapit na komunyon sa ating Manlilikha. Ang paglalaan ng oras sa Kanyang Salita sa pamamagitan ng pagbibigkas, pagbabasa, pagpapahayag, pagsasaulo, at pagsasanay ng Salita ni Yah ay ilalapit ang mga puso sa Kanya sapagkat walang sinuman ang nakagagawa. Ang ganitong ganap na paglulubog sa Kasulatan ay mas posible pa sa pagsamba sa tahanan, kaysa sa mga masisikip na paligid ng tradisyonal na paglilingkod at pagsamba ng simbahan.
- Ang paglalaan ng oras sa kalikasan ay isang makapangyarihang paraan upang maramdaman ang kalapitan at kapangyarihan ng Manlilikha. Maging ito lamang ay sa isang tahimik na sulok ng parke, ang kalikasan ang inilalapit ang puso sa ating Manlilikha.
Sumasamba kasama ang pamilya
Kung kasama mo ang iyong pamilya sa paglisan sa Babilonya, ikaw ay tunay nga na mapalad. Huwag magapi sa kaisipan ng pagbibigay ng isang makahulugan na karanasan para sa iyong pamilya. Ang pagsamba sa tahanan ay maaaring simple o kumplikado sapagkat nais mo na gawin ito, ngunit isang mayamang pagpapala ang naghihintay sa lahat ng maglalaan ng panahon kasama si Yahuwah.
- Hindi mo kailangan ng isang pipa na aawit ng papuri kay Yah. Ang paglalaan ng oras sa aktibong papuri sa Ama ay inilalapit ang lahat ng mga puso nang pataas. Maaari mong makamit ang iyong sariling mga aklat ng awitin, o kumuha ng naitalang awit para awitin, gayunman na ginagawa mo, ang pag-awit ay dakila ang salpok sa kaluluwa bilang panalangin.
- Ipakita ang mga kagandahan ng kaligtasan sa isang paraan na simple at mauunawaan maging ng pinakabatang kapatid. Ikaw ay naglalatag ng isang pundasyon na magtatagal sa kanilang mga buhay. Basahin ang isang Biblikal na kwento at ilagay ang mga ito sa iyong salita kung ano ang ipinapakita nito ukol sa kalinga at pag-ibig ni Yahuwah.
- Ang mga pagsusulit ng Bibliya ay isang napakasayang paraan upang ituro ang Kasulatan sa mga bata. Maaaring matagpuan ang mga ito sa mga aklat o online.
- Isaalang-alang ang pagtatanong sa bawat kasapi ng pamilya, kung saan posible, upang mag-ambag sa karanasan sa pagsamba. Isang mas dakilang pagpapala ay makakamit ng lahat.
Sumasamba kasama ang mga kaibigan
Mayroong isang bagay na lubos na espesyal tungkol sa pagsamba ng isang pangkat ng mga mananampalataya na pare-pareho ang kaisipan. Dapat kunin ang pangangalaga, gayunman, na ang karanasan sa pagsamba ay hindi bumabagsak sa isang nakaistilong anyo ng pagsamba na tularan lamang na iniwan sa Babilonya.
- “Ang pananalangin sa isang pagkakaisa” ay maaaring isang makapangyarihang paraan para lumapit kay Yah at sa mga kapwa mananampalataya sa isang pangkat na tagpuan. Sa halip na isang tao lamang ang nananalangin, o panalangin na iikot, ang isang tao na magsisimula sa pagsabi kung ano ang nasa kanyang puso, at ang isa pa ay nananalangin rin habang kumikilos ang espiritu ni Yah. Wala nang maaabala sa isang “Amen” sapagkat ito ay isa sa lahat na panalangin. Ang mga panalangin na binibigkas “sa pagkakaisa,” kung saan ang sinuman ay malaya na sabihin at magdagdag ng mga kaisipan habang kumikilos sa diwa ay nagiging isang pag-uusap sa pagitan ni Yahuwah at mga mananamba ng lahat ng panahon. Ang ganitong malapit, masiglang panahon ng panalangin ay maaaring maging diin ng anumang paglilingkod sa pagsamba. Apat na pu’t limang minuto hanggang isang oras ay maaaring dumaan nang mabilis kapag ang mga mananampalataya ay nanalangin sa isang pagkakaisa, kaya mas komportable na umupo.
- Ang oras para ibahagi ang mga personal na patotoo ng mga pagpapala ni Yahuwah ay isang kahanga-hangang paraan upang parangalan si Yah at pumukaw ng pananampalataya sa lahat ng dumalo. Sa katunayan, sinabi ng Malakias 3:
Nang magkagayo'y silang nangatatakot kay Yahuwah ay nagsangusapan:
At pinakinggan ni Yahuwah, at dininig,
At isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap Niya,
Para sa kanila na nangatakot kay Yahuwah,
At gumunita ng kaniyang pangalan.
“At sila'y magiging akin,” sabi ni Yahuwah ng mga hukbo,
Sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan;
At akin silang kaaawaan,
Na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya. (Tingnan ang Malakias 3:16-17.)
Maging ang pinakabata ay maaaring sumama sa pagbabahagi ng mga paraan na nakaranas ng mga pagpapala ni Yahuwah sa sa loob ng sanlinggo.
- Huwag matakot na maging malikhain pagdating sa pagsamba sa tahanan. Hindi kailangan na isang tao lamang ang maghahanda ng sermon upang ituro sa lahat. Ang pangkatang pag-aaral ng Bibliya, nakapupukaw na mga videos, maging ang mga programang pang radyo ng WLC ay maaaring mga paraan upang sambahin si Yahuwah kasama ang mga kaibigan ng iba’t ibang edad.
Ang tunay na pagsamba (o dapat na ganito) ay higit pa sa pag-upo lamang sa mga linya, nakikinig sa isang tao na nagtuturo. Ang pangkalahatang aktibidad sa panalangin, awitin, at patotoo ay nagbibigay ng parangal kay Yahuwah at inilalapit ang mga puso sa Kanya.
Mga masaganang pagpapala ang naghihintay sa lahat ng susunod sa utos na iwanan ang Babilonya, kahit na lalabas nang mag-isa.
“At papatnubayan ka ni Yahuwah na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat. “Kung iyong iurong ang iyong paa sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang Sabbath na kaluguran, at ang banal ni Yahuwah na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: “Kung magkagayo'y malulugod ka nga kay Yahuwah; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ni Yahuwah.” (Tingnan ang Isaias 58:11, 13-14.)
|
1 Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828.
2 #7812, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, 2001 ed.