Ipinahayag Ba Ni Kristo Na Ang Lahat Ng Pagkain Ay Malinis? Mga Salungatan Tungkol Sa Marcos 7:19
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Namumuhay sa isang bansang isla, ako’y pinalaki, gaya ng sinumang bata sa kanilang bansa, na ibigin ang aming pagkaing-dagat. Hipon, alimango, at pugita ay karaniwan sa aming dyeta. Ang isang hapagkainan na walang pagkaing-dagat nang kahit minsan sa isang linggo ay hindi aakalain. Sa aming bansa na may mga impluwensya sa Ingles, Olandes, at Portuges, naibigan din namin ang karne ng baboy. Isa rin akong tagahanga ng tusino at mayroong karaniwang hipon at pugita. Hindi ko maisip ang isang buhay nang walang pagkaing-dagat sa aking dyeta. Habang lumalaki, kami’y tinuruan na si Yahuwah ay kasalukuyang mas maibigin kaysa sa Lumang Tipan. Siya’y inilarawan bilang “Diyos ng Pag-Ibig at Kagandahang-Loob” sa halip na bersyon ng Lumang Tipan, ang “Diyos na Isang Apoy na Lumalamon.”
Ito’y mabuting gumagawa sa aming mga buhay, kalipunan, at dyeta dahil karamihan sa aming kinakain ay anong sinabi ni Yahuwah sa Kanyang bayan na hindi kakainin sa Lumang Tipan (iyon ay karne at isda na walang kaliskis at palikpik, na kabilang ang hipon, alimango, pugita, tahong, ulang, atbp.).
Isang bagay ang bumukang-liwayway sa akin noong una kong sinimulan ang Kasulatan sa kabuuan, kung saan walang berso ang maaaring sumalungat o magpawalang-bisa sa isa pa. Ibig sabihin ba nito na patuloy tayong may kakainin at hindi kakainin ayon sa anong sinabi ni Yahuwah sa Levitico 11? Ngunit ano naman ang tungkol sa mga isinulat ni Pablo? Tila sinasabi niya na maaari nating kainin ang anuman, subalit hindi ba ang mga Ebanghelyo ay nagpapakita ng pagpapahayag ni Mesias Yahushua na lahat ng pagkain ay malinis?
Bago ako magpahayag ng tungkol kay Pablo, kailangan kong makita kung ang ating Tagapagligtas (na sinusundan natin bilang Kristyano) ay binago ang mga Kautusan tungkol sa pagkain na ibinigay ni Yahuwah. Ang tanging lugar na maaari kong makita na sinasabi niya ang isang bagay na malapit sa “Maaari nating kainin ang anumang nais natin” ay nasa Marcos 7.
Ang Marcos 7:19 ay kawili-wili sa partikular, kaya binasa ko ang ilang Tagalog na pagsasalin ng Bibliya. Karamihan sa mga bersyon ay sinabi na “Ipinahayag ni Yahushua na ang lahat ng pagkain ay malinis.” Kawili-wili, ang ADB1905 ay hindi naglalaman ng bahaging ito, habang ang lahat ng ibang bersyon ay mayroon nito sa mga panaklong.
- Magandang Balita Biblia “Sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” (Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni Yahushua na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.)
- Filipino Standard Version “Sapagkat hindi ito pumapasok sa kanyang puso kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi!” (Sa sinabing ito ay ipinahayag niya na malinis ang lahat ng pagkain.)
- Ang Salita ng Diyos Contemporary Bible “Sapagkat anuman ang kainin niya ay hindi naman sa puso pumupunta kundi sa kanyang tiyan, at idudumi rin niya iyon.” (Sa sinabing ito ni Yahushua, ipinahayag niya na lahat ng pagkain ay maaaring kainin.)
- Ang Dating Biblia 1905 “Sapagkat hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain.”
Bakit hindi ang ADB, isa sa mga pinakaunang pagsasalin na ginawa sa Tagalog noong 1905 (Ingles, KJV, 1611), ay hindi naglalaman ng bahaging ito? At bakit ang nalalabi ng mga bersyon ay dinadala ito sa loob ng panaklong? Natagpuan ko ang isang kawili-wiling bahagi ng impormasyon gayong naghuhukay ako sa isyu.
Ang Orihinal na Griyegong Manuskrito ay hindi nagdadala ng “Sa pagsasabi nito, ipinahayag ni Yahushua” sa Marcos 19.
|
Ang Orihinal na Griyegong Manuskrito ay hindi nagdadala ng “Sa pagsasabi nito, ipinahayag ni Yahushua” sa Marcos 19.
Ilan sa mga tagapagsalin ay huling nagdagdag nito upang magbigay sa bersong ito ng higit na kalinawan. Ito ang dahilan kung bakit ang ADB ay hindi isinama ang bahaging ito. Buhat nang ito’y binura, ngayon ako’y nagtitiyak kung ang pasya ng mga tagapagsalin ng pagdagdag “(Sa pagsasabi nito, ipinahayag ni Yahushua na ang lahat ng pagkain ay malinis)” ay wasto. Kung si Yahushua ay malinaw na ipinapahayag na ang mga Kautusan sa Pagkain ay wala nang bisa. Ang pagtingin sa konteksto ng ikapitong kabanata ng Marcos na humahantong hanggang berso 19 ay mahalaga sa paggawa ng pasyang ito. Ating pag-aralan ang Marcos 7, mula sa berso 1, at gawin ang ating landas sa mga sumusunod na berso sa katanungan.
Marcos 7:1-21 – Ito ba ay tungkol sa pagkain ng anumang pagkain o pagkain nang walang tradisyon ng paghuhugas ng mga kamay?
Sa pagbabasa ng Marcos 7:1-4, nakilala ko na ang kwento ay nagsimula sa mga Pariseo na nag-aakusa ng ilan sa mga alagad ni Yahushua ng hindi paghuhugas ng kamay bago kumain ng tinapay. At si Marcos ay tumungo na itala kung paano ang mga Pariseo at mga Hudyo ay hindi kakain nang hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay ayon sa “Tradisyon ng mga Matatanda.” Sila’y hindi kumakain nang hindi naghuhugas matapos dumating mula sa barakahan at marami pang tradisyon gaya ng paghuhugas ng mga kopa, katingan, tansong sisidlan, at mesa.
Ang ilan ay iuugnay ang mga Pariseo sa Lumang Tipan at pagtitibayin na ang mga paghuhugas na ito ay mula sa Kautusan sa Lumang Tipan ni Yahuwah. Ngunit, purihin si Yahushua, ako’y nagka-pribilehiyo na matutunan ang tungkol sa mga Pariseo at paano sila nagkaroon ng sarili nilang Kautusan at pagtuturo na karagdagan sa Kautusan ni Yahuwah. Ito’y gumawa ng lahat ng pagkakaiba, sapagkat naunawaan ko kung anong ibig sabihin ni Marcos sa “Tradisyon ng mga Matatanda” sa berso 3.
Sa berso 5, ang mga Pariseo ay tinanong si Yahushua kung bakit ang kanyang mga alagad ay hindi tumalima sa “Tradisyon ng mga Matatanda,” kumakain nang hindi nahugasan ang mga kamay.
Ipinapahayag ni Yahushua ang mga ito sa mga sumusunod na berso: hindi kumakapit sa Tradisyon ng mga Matatanda at kumakain nang hindi nahugasan ang mga kamay.
Nagsisimula siya sa pagsipi ng Isaias 29:13, nagpapakita ng kanilang pagkukunwari, sinasabi na pinararangalan nila si Yahuwah gamit ang kanilang labi, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo mula sa Kanya at sa walang kabuluhan ay sinasamba Siya, itinuturo ang “Mga Utos ng Tao” na “Pinakaaral.”
|
Sa mga berso 6 at 7, nagsisimula siya sa pagsipi ng Isaias 29:13, nagpapakita ng kanilang pagkukunwari, sinasabi na pinararangalan nila si Yahuwah gamit ang kanilang labi, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo mula sa Kanya at sa walang kabuluhan ay sinasamba Siya, itinuturo ang “Mga Utos ng Tao” na “Pinakaaral.”
Sa mga berso 8-13, pinagtitibay at nililinaw pa niya ang kanilang pagkakamali, nagpapakita na sila’y isinasantabi ang mga Kautusan ni Yahuwah at kumakapit sa mga Tradisyon ng Tao, na isinasama ang paghuhugas ng mga kopa, katingan at iba pang bagay. Sinasabi niya na tinatanggihan nila ang mga Kautusan ni Yahuwah kaya maaari nilang panatilihin ang kanilang mga Tradisyon at iyon ay ginagawa nila ang Salita ni Yahuwah na walang bisa sa kanilang mga Tradisyon. Pansinin kung paano ipinupunto ni Yahushua ang pagkakaiba sa pagitan ng Kautusan ni Yahuwah at Tradisyon ng Tao.
Ano ang konteksto sa ngayon? Ito ba’y Pagkain? O ang kanilang mga tradisyon ng tao? Hindi ba ang buong pag-uusap ay umiikot sa pagkain nang hindi nahugasan ang mga kamay, na ang tampulang tradisyon? Magpatuloy tayo.
Sa mga berso 14 at 15, sinabi niya na walang bagay ang dumarating sa isang tao mula sa labas na maaaring magparumi sa kanya. Ito ay ang anong lumalabas sa isang tao na gumagawa sa kanya na marumi. Anong sinasabi ni Yahushua kung at kailan kukunin natin ito sa konteksto? Sinasabi niya ba na maaari nating kainin ngayon anumang ninanais natin?
Anong sinabi ni Yahushua ay hindi isang pahayag kundi isang Talinghaga. Sa berso 17, ang mga alagad ay tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa talinghaga.
Ngayon, dumarating tayo sa mga berso sa katanungan. Sinasagot ni Yahushua ang mga alagad sa mga berso 18-23, sinasabi na anumang pumapasok sa tao ay hindi maaaring magdulot sa kanya ng karumihan, ngunit tanging sa pamamagitan ng kasalanan na nagpapatuloy sa looban ng tao. Sinasabi niya na ang tao ay pinarumi ng kasalanan sa loob nito.
Ngunit siya ay nasa kaparehong pagsulong, sinasabi ba na ang Kautusan sa Pagkain ni Yahuwah ay walang paggamit dahil anumang kinakain natin ay inilalabas mula sa tiyan? Si Yahushua na tumawag sa pagkukunwari ng mga Pariseo na ginagawang walang bisa ang Kautusan ni Yahuwah, sinasabi ba na ang Kautusan sa Pagkain ni Yahuwah ay wala nang bisa ngayon? Bago tayo magpasya rito, nais kong ilaan ang iyong atensyon sa Mateo 15. Sa kabanatang ito, itinatala ni Mateo ang kaparehong kwento sa Marcos 7. (Hindi ako tutungo sa pagtalakay sa buong kabanata mula sa simula, bagama’t sa pagbabasa mo ay ipapakita na ito’y magkapareho).
Basahin natin mula sa Mateo 15:15. Gaya ni Marcos, ang isang alagad, si Pedro (itinatala ni Mateo), ay nakiusap kay Yahushua na ipaliwanag ang talinghaga sa kanila. Sinasabi ni Yahushua ang kaparehong bagay: “Walang bagay ang dumarating sa isang tao mula sa labas na maaaring magparumi sa kanya. Ito ay ang anong lumalabas sa isang tao na gumagawa sa kanya na marumi.”
Ang buong argumento ni Yahushua ay “ang isang tao ay hindi nagiging marumi sa pagkain nang hindi nahugasan ang mga kamay, kundi sa kasalanan na nagmumula sa iisang tao.”
|
Ang Mateo 15:20 ay ang Susi. Ipinaliwanag ni Yahushua kung ano ang sinasalita niya sa buong panahon. Sinasabi niya, “Ang mga ito ang sanhi ng pagiging marumi ng isang tao, subalit ang kumain nang hindi nahugasan ang mga kamay nang ayon sa minanang turo ay hindi nakapagpaparumi sa sinuman.” Hindi ba ang isang berso na ito ay ipinapaliwanag ang lahat? Sinumang gumagamit ng Marcos 7:18-19 upang sabihin na si Yahushua ay nagbigay sa atin ng kalayaan na kainin ang anumang ninanais natin ay mayroong mahirap na panahon sa pagpapaliwanag ng Mateo 15:20. Ang buong argumento ni Yahushua ay “ang isang tao ay hindi nagiging marumi sa pagkain nang hindi nahugasan ang mga kamay, kundi sa kasalanan na nagmumula sa iisang tao.”
Ang katunayan na ang buong pakikipag-usap na ito ay umikot sa “pagkain nang hindi nahugasan ang mga kamay.” Ang Marcos 7 at ang Mateo 15 ay nagsasalita ng parehong pagkakataon, at itinatala ni Mateo ang mga salita ni Yahushua tungkol sa isyu ng “pagkain nang hindi nahugasan ang mga kamay.” Walang banggit ng Kautusan sa Pagkain sa mga kabanatang ito, at walang tagapagsalin ang maaaring makapagdagdag ng mga parirala gaya ng “(Sa pagsasabi nito, ipinahayag ni Yahushua na ang lahat ng pagkain ay malinis)” mayroon man o walang tamang pagkakaunawa ng konteksto.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://biblethingsinbibleways.wordpress.com/2013/05/12/did-christ-declare-all-foods-clean-misunderstandings-regarding-mark-719/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC