Sa maingay na gulo ng maraming humahadlang na mga kuru-kuro, iba’t ibang salaysay laban sa Biblikal na Lunar Sabbath ang ginawa. Karamihan sa mga ito ay dahil lamang sa kawalan ng kaalaman at pagkakaunawa sa katotohanan.
Bawat isa ay may namanang mga pagkakamali at mga tradisyong mula sa paganong Kristyanismo. Gayunman, ipinapakita ng Kasulatan ang mga lihim nito sa bawat naghahanap ng patotoo nito. Wala nang kailangan pang manatili sa pagkalito at pagkakamali.
Ang mga sumusunod ay 7
karaniwang pagtutol na pinalaganap laban sa
Biblikal na Lunar Sabbath, at ang kani-kanilang mga Kasagutan.
PAGTUTOL #1: “Ang mga Lunar Sabbatarian ay hindi nagbibilang ng ilang araw sa
sanlinggo. Ang kanilang kalendaryo ay puno ng mga blangkong araw!”
SAGOT: Walang ganung bagay tulad ng “walang laman na araw” o “blangkong araw.” Lahat ng oras ay dapat kasama sa bilang at ang Biblikal na kalendaryong luni-solar ay hindi nag-iiwan ng anumang oras o panahon. Ang mga kalendaryong solar at luni-solar ay parehong gumagamit ng paggalaw ng araw upang ikalkula ang taon. Sapagkat ang taong solar ay may 365.25 na araw ang haba, ang labis na oras para sa kalendaryong Gregorian ay idinagdag para sa bisyestong (leap) araw. Ang “bisyestong” araw ay Pebrero 29 at nagaganap bawat apat na taon.
Sa mga kalendaryong solar, ang mga buwan ay pabago-bago ang tagal at hindi na nakaduong sa anumang bagay sa kalikasan. Ang Biblikal na kalendaryong luni-solar, sa kabilang dako, nakakabit ang mga buwan nito sa pag-ikot ng buwan. Ang lunasyon, gaya ng taong solar, ay hindi buong bilang at naglalaman ng 29.5 na araw. Dahil dito, ilang buwan ay may 29 na araw at ang iba naman ay may 30 araw.
Sa lunasyon ng 30 araw, ang ika-30 araw ay dumarating sa pagitan ng huling ikapitong araw ng Sabbath ng buwan at susundan ng araw ng Bagaong Buwan sa kasunod na buwan. Ito’y hindi parte ng pag-ikot ng sanlinggo subalit ito’y HINDI isang “blangkong” araw. Ito ay petsa sa loob ng buwanang pag-ikot.
PAGTUTOL #2: “Sa kalendaryong lunar, ang Sabbath ay lumulutang! Bawat sanlinggong Sabbath ng buwan ay nagaganap sa magkakaibang mga araw ng sanlinggo. Minsan
ito’y nasa araw ng Lunes, tapos sa susunod na buwan sa Miyerkules at matapos
iyon sa Huwebes naman. Ito’y hindi naaalinsunod.”
SAGOT: Ang pinakabantog na pagkakaiba ng kalendaryong Gregorian at kalendaryong Biblikal ay makikita sa pag-ikot ng sanlinggo. Ang kalendaryong Gregorian, gaya ng kalendaryong Julian bago nito, ay mayroong patuloy na pag-ikot ng sanlinggo. Ang kalendaryong Biblikal, tulad ng karamihan sa mga sinaunang kalendaryo, ay wala.
Ito ang tanging pagkakaiba sa sanlinggong pag-ikot na gumagawa na batay sa lunar na Sabbath na mangyaring lulutang mula sa buwan hanggang sa buwan sa kalendaryong Gregorian.
Ang kalendaryong Biblikal ay hindi nagbabago. Dahil ang sanlinggong pag-ikot ng kalendaryong Biblikal ay muling nagsisimula sa Bagong Buwan, ang mga petsa ng buwan ay laging tatapat sa kaparehong mga araw ng sanlinggo.
Ito’y hindi nangyayari sa solar na kalendaryong Gregorian. Ang ikapitong araw ng Sabbath ay lumulutang mula sa petsa, sa petsa, hanggang sa petsa bawat buwan tungo sa buong taon.
Malayo mula sa paglutang kung kailan, ang tunay na Biblikal na Sabbath ay lubos na naaalinsunod at laging tumatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 na mga araw ng buwang lunar.
PAGTUTOL #3: “Hindi maaaring maging mga Sabbath ang mga araw ng Bagong Buwan dahil
ang Bibliya ay nagbigay ng maraming halimbawa ng mga tao na naglalakbay o
nagtatrabaho sa mga araw ng Bagong Buwan!”
SAGOT: Totoo na ang Bibliya ay nagbigay ng mga halimbawa ng tao na naglalakbay o gumagawa ng tolda sa mga araw ng Bagong Buwan. Ito ay dahil ang araw ng Bagong Buwan ay hindi mga ikapitong araw ng Sabbath. Ang iba’t-ibang pagbabawal sa paglalakbay at pagluluto sa ikapitong araw ng Sabbath ay hindi aplikado sa mga araw ng Bagong Buwan.
Gayunman, ang Bagong Buwan ay mga araw ng pagsamba. Ang mga ito’y oras ng pagsasama ng buong pamilya. Ang oras ng kasiyahan at pasasalamat sa mga biyaya ng nakaraang buwan at muling pagpapabanal sa darating na bagong buwan. Ang mga Bagong Buwan ay klase ng araw ng pagsamba para sa kanilang lahat.
Ito ay pinakita sa talaan ng kailangang mga handog na nakalista sa Mga Bilang 28 at 29. Ang mga araw na may pinakakaunting dami ng kailangang handog ay mga karaniwang araw ng paggawa. Ang ikapitong araw ng Sabbath ay may mas maraming handog kaysa sa karaniwang araw ng paggawa. Ang mga araw ng Bagong Buwan ay mas maraming handog kaysa sa ikapitong araw ng Sabbath. Ang mga taunang kapistahan ay mas maraming kailangang handog kaysa sa mga Bagong Buwan.
Ipinakita ng Kasulatan na ang mga Bagong Buwan bilang oras ng pagsamba sa walang-hanggang hinaharap:
“Tuwing Araw ng Sabbath at Pista ng Bagong Buwan, lahat ng bansa ay sasamba sa akin,’ ang sabi ni Yahuwah.” (Tingnan ang Isaias 66:23.)
Lahat ng nagnanais na sambahin ang Manlilikha ay gagawin sa Kanyang itinakdang mga panahon: ang sanlingguhan, buwanan, at taunang oras na itinalaga para sa pagsamba.
PAGTUTOL #4: “Ang ideya ng lunar Sabbath na ito ay sumasalungat sa kanyang sarili!
Kung totoo ang teoryang ito, ibig sabihin ang araw ng Exodo ay nangyari sa araw
ng lunar Sabbath, dahil dyan, sinira ang Sabbath.”
SAGOT: Totoo na ang mga Israelita ay nilisan ang Ehipto sa ika-15 araw ng Unang buwan. Gayunman, hindi nila sinira ang Sabbath, dahil ang mga banal na oras ay nauna nang natapos sa oras ng kanilang paglisan.
Ang Kasulatan ay nagbigay ng tatlong mahalagang palatandaan sa tiyempo ng Exodo.
- Nangyari ito sa gabi;
- Naganap ito sa ika-15 ng buwan.
- Nagpapahiwatig na mayroong KABILUGAN NG BUWAN sa panahong iyon – ang KALAGITNAAN ng buwan.
Deuteronomiyo 16:1 - “Ipagdiwang ninyo ang [Paskua] sa buwan ng Abib bilang pagpaparangal [kay Yahuwah] na inyong [Elohim], dahil sa buwan na itoʼy inilabas Niya kayo nang gabi sa Egipto.”
Mga Bilang 33:3 - “Umalis ang mga Israelita sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan, kinabukasan ng Paskua. Taas-noo silang umalis ng Ehipto, kitang-kita ng mga taga-Ehipto.”
Bilang karagdagan sa petsa at oras, narito, espesyal na pansin ang ibinigay sa mga salita na “kitang-kita ng mga taga-Ehipto” sapagkat ito’y nagpapahiwatig na mayroong KABILUGAN NG BUWAN sa oras na iyon – ang KALAGITNAAN ng buwan.
Ang petsa ng Exodo ay ika-15 ng Abib, ang unang buwan, sa araw matapos ang Paskua. Sa buwang lunar, ang ika-15 araw ay laging ikapitong araw ng Sabbath. Gayunman, ang mga Israelita ay umalis nang gabi, matapos ang mga sagradong oras ng Sabbath ay lumipas.
Nararapat na tandaan na si Yahuwah ang Tagabigay ng Utos. Habang ang katotohanan na hindi sumasalungat sa kanyang sarili, si Yahuwah mismo na katotohanan, hindi Niya sisiraan ang sarili Niyang utos.
PAGTUTOL #5: “Ang
araw ng Sabado ay lagi ang ikapitong araw ng Sabbath. Sa katunayan, ang
salitang ‘Sabbath’ ay pinanatili sa maraming wika at lagi nitong tinatalaga ang
ikapitong araw ng Sabado.”
SAGOT: Ang katunayan na ang salitang “Sabbath” na lumitaw sa maraming wika ay hindi patunay na ang Sabado ay ang Biblikal na Sabbath. Lahat ng patunay ay ang malawakang pagsabog ng paganong Kristyanismo. “Sabado”, tulad ng patuloy na pag-ikot ng sanlinggo, ay sariwang katamtamang karagdagan sa kalendaryo.
Nung isinantabi ni Julius Caesar ang kalendaryong luni-solar ng Romanong Republika at nagpatibay ng tuwid na kalendaryong solar, ang kalendaryong Julian, ang sanlinggo ay may walong araw, itinalaga mula A hanggang H.
Muling pagtatayo ng Fasti Antiates, ang tanging kalendaryo ng Republikang Romano na nalalabi.
(Palazzo Massimo Alle Terme, ed. Adriano La Regina, 1998.)
Habang ang mahiwagang Persiyanong kulto ng Mithraismo ay nakakuha ng katanyagan sa Roma, ang paganong planetaryong sanlinggo ay pinagtibay. Ito ay pitong araw na sanlinggo na nagsisimula sa dies Saturni, o araw ni Saturn. Ang ikalawang araw ng sanlinggo ay dies Solis, o araw ng Araw. Ang ikatlong araw ng sanlinggo ay dies Lunæ, o araw ng Buwan. Ang sanlinggo ay nagtatapos sa dies Veneris, o araw ni Venus na makabagong Biyernes.
Ang Romanong pagpapatibay ng Mithraismo ay direktang responsable para sa pagpapabaya sa walong-araw na sanlinggong Julian, at ang pagpapatibay ng pitong araw na planetaryong sanlinggo:
“Hindi dapat pagdudahan na ang paglaganap ng mga misteryo o nakatagong kaalaman ng taga-Iran [taga-Persia] ay mayroong malaking bahagi sa pangkalahatang pagtanggap, ng mga pagano, sa buong sanlinggo na ang araw ng Linggo ay ang banal na araw. Ang mga pangalan na ating ginamit, na hindi namamalayan, para sa iba pang mga anim na araw, ay kasabay na ginamit sa panahon na dumami ang tagasunod sa Mithraismo sa mga lalawigan ng Kanluran, at ang isa ay hindi dapat maging madahas o pabigla-bigla sa pagtataguyod ng isang kaugnayang pagkakataon sa pagitan ng tagumpay at ng kaakibat na kababalaghan.” (Robert L. Odom, Sunday in Roman Pagansim, p. 157.)
Romanong Istatwa ni Mithra |
Ang Mithraismo ay isang kulto ng araw. Dahil dito, ang Araw ng Araw ay naging mahalaga at mas mahalaga.
“Ang kadakilaang itinalaga sa dies Solis [araw ng Araw] ay tiyak ding nag-ambag sa pangkalahatang pagkilala sa araw ng Linggo bilang banal na araw. Ito ay konektado sa mas mahalagang patunay, ang pag-ampon ng sanlinggo ng lahat ng Europeong bansa.” (Franz Cumont, Astrology and Religion Among the Greeks and Romans, p. 163.)
Ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay ipinangalan sa mga planetaryong diyos. Habang ang sanlinggong ito ay lumaganap sa Europa, ang mga pangalan ng mga araw ng sanlinggo ay kasamang lumaganap din.
Maraming wika ngayon ang nagpapakita ng impluwensya ng Romano Katoliko sa pagpapangalan sa unang araw ng sanlinggo, Linggo, ang “Araw ng Panginoon” at ang Sabado, ang ikapitong araw ng sanlinggo, “Sabbath”. Subalit, ang mga iyon ay HINDI mga orihinal na pangalan ng mga araw ng sanlinggo.
“Ang astrolohikong impluwensya ay walang alinlangan at mas maliwanag sa paligid ng Imperyong Romano, kung saan ang Kristyanismo ay dumating kinamamayaan. Ingles, Olandes, Breton, Welsh, at Cornish, ang mga Europeong wika lamang na nangalaga magpahanggang ngayon sa mga orihinal na planetaryong pangalan ng lahat ng pitong araw ng sanlinggo, ay lahat binibigkas sa mga lugar na malaya sa anumang impluwensya ng Kristyano noong mga unang siglo ng ating panahon, habang ang astrolohikong sanlinggo ay lumalaganap pa lang sa buong Imperyo.” (Eviatar Zerubavel, The Seven Day Circle: The History and Meaning of the Week, p. 24.)
Ang araw ng Sabado, gaya ng paganong kalendaryong Julian na nagpatibay nito sa mga unang siglo AD, ay hindi mapapalitan na pagano. Hindi ito ang tunay na Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath at walang bigat ng pagpapangalan rito bilang ‘Sabbath’ ang magbabagong-anyo rito sa pagiging tunay na Sabbath ng Bibliya.
“Ang mga paganong pangalan ng planetaryong sanlinggo ay pinagyaman sa ginagamit na kalendaryo ng mga tinatawag na bansang Kristyano. Bawat oras na tumitingin tayo sa kalendaryo mayroon tayong bago sa atin na patuloy na paalala ng pag-iisa ng paganismo at Kristyanismo na naganap at nagresulta sa dakilang pagtalikod – ang ‘huling paghihimagsik’ na hinulaan ng apostol na Pablo, na naganap sa mga unang siglo ng simbahang Kristyano at ginawa ang makabagong Babel ng hindi tugmang mga sekta at mga doktrina na ipinapahayag ang ngalan ni Kristo. (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p. 202.)
PAGTUTOL #6: “Ang lunar na
pag-ikot na ginagawa ng tao ay sisirain ang tunay na walang patid na ikapitong
araw ng Sabbath na nagmula pa sa sanlinggong paglikha.”
SAGOT: Ito ay isang pagpapalagay, batay sa matagal nang kasanayan, na ang sanlinggo ay patuloy na umiikot simula pa nung Paglikha. Gayunman, ang makabagong sanlinggo ay direktang nagmula sa paganismo. Mula sa mga pangalan ng mga araw ng sanlinggo, hanggang sa patuloy na pag-ikot ng sanlinggo, ang paganong pinagmulan ng makabagong sanlinggo ay maaaring sundan. (Ang kamalian ng patuloy na pag-ikot ng sanlinggo ay lalo pang pinatunayan ng gawa ng tao na International Date Line.)
Ang tangi lamang pagkakawangis sa Biblikal na sanlinggo ay makikita sa bilang ng araw sa sanlinggo. Ang makabagong sanlinggo at sanlinggo ng Paglikha ay parehong may pitong araw. Subalit, ang makabagong sanlinggo ay isang makademonyong panlilinlang, tiyak na isinaayos upang huwadin ang Biblikal na sanlinggo.
Ang planetaryong sanlinggo ay inilagay sa makabagong ayos, simula sa araw ng Linggo at magtatapos sa araw ng Sabado, sa Konseho ng Nicæa noong ikaapat na siglo A.D.:
“Noong 321 A.D., Constantine, emperador ng Roma . . . sa pamamagitan ng paggawa ng batas-sibil ginawa ‘ang kagalang-galang na araw ng Araw,’ ang araw na ‘naging tanyag sa kanyang benerasyon,’ ang sanlingguhang araw ng pamamahinga ng imperyo. . . .Ang pagpapatupad ng sanlingguhang pagtalima sa Linggo ay nagbigay ng opisyal na pagkilala sa sanlinggo ng pitong araw at nagresulta sa pambungad nito sa opisyal na kalendaryong sibil ng Roma. Ang mga Romano ay ipinamana ang kalendaryong ito sa atin, at dito’y nananatili ang sinaunang planetaryong ngalan ng mga araw ng sanlinggo.” (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, pp. 244.)
“Ang huwad na pagsamba ay nangangailangan ng huwad na kalendaryo at pinagkaloob ito ng Konseho ng Nicæa. Ang Biblikal na kalendasyon ay pinalitan ng paganong solar na kalendasyon, at ang Biblikal na sanlinggo batay sa buwan ay pinalitan ng planetaryong sanlinggo.” (eLaine Vornholt & L. L. Vornholt-Jones, Calendar Fraud, p. 53.)
“Ang planetaryong sanlinggo na ito ay imitasyon ng paganismo sa tunay at Biblikal na sanlinggo na itinatag ng Manlilikha noon pang simula ng kasaysayan ng daigdig. Sa huwad na sanlinggo na ginamit sa sinaunang paganismo ‘ang kagalang-galang na araw ng Araw’ ay inistimado ng mga pagano na mas mahalaga sa ibang anim na araw dahil ito ay ipinalagay na sagrado sa Araw, ang punong-diyos ng mga planetaryo. . . . Habang ang tunay na Sabbath ay laging kasama sa Biblikal na sanlinggo, gayon din ang pekeng Sabbath [araw ng Sabado] ng paganong pinagmulan ay nangangailangan ng sanlinggong pag-ikot. Dahil dyan, nahanap namin na ang planetaryong sanlinggo ng paganismo ay kakambal ng araw ng Linggo, at ang dalawang huwad na institusyong iyon ay laging magkasama....” (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, pp. 243-244.)
PAGTUTOL #7: “Ang
sagupaan sa pagitan ng nagdiriwang ng Linggo at nagdiriwang ng Sabbath ay
laging laban sa araw na karaniwang tinatawag na ‘Sabado.’ Walang talaan ng
sagupaan sa pagitan ng Linggo at lumulutang na Sabbath at walang ring anumang
talaan ng mga Kristyano ang gumamit ng ibang kalendaryo.”
SAGOT: Ito ay hindi totoo at pinatunayan ito ng talaan ng kasaysayan. Ang pagbabago mula sa pagsamba gamit ang kalendaryong Biblikal hanggang sa ganap na pagtanggap sa kalendaryong pagano ay hindi isang pangyayaring naganap nang magdamag o maging sa isang habang-buhay. Ito ay isang proseso ng unti-unting pagkasunduan sa loob ng maraming siglo. Habang ang ilan sa mga Kristyano ay nagsimula nang tumalikod, yumakap sa iba’t-ibang aspeto ng paganismo, ang ibang mga Kristyano ay matatag para sa katotohanan, hindi nababaluktot sa harap ng matinding oposisyon.
“Sa bawat hakbang sa landas ng dakilang pagtalikod, bawat hakbang sa pagpapatibay sa anyo ng pagsamba sa araw, at laban sa pagpapatibay at pagtalima sa araw ng Linggo mismo, mayroong patuloy na protesta sa lahat ng tunay na Kristyano. Iyong mga nananatiling matapat kay Kristo [ang Tagapagligtas] at sa katotohanan ng dalisay na salita ni Yahuwah na sumisiyasat sa Sabbath ng Panginoon batay sa utos, at ayon sa salita ng Elohim na nagtakda sa Sabbath bilang tanda kung saan ang Panginoon, ang Manlilikha ng langit at lupa, ay natatangi mula sa lahat ng ibang diyos. Ito’y tinutulan at labag sa bawat bahagi o anyo ng pagsamba sa araw. Ang iba’y napagkasunduan, lalo na sa Silangan, sa pagtalima sa Sabbath at Linggo. Ngunit sa kanluran naman, sa ilalim ng impluwensya ng Romano at sa pamumuno ng simbahan at ranggo ng obispo ng Roma, ang araw lang ng Linggo ang pinagtibay at siniyasat.” (A. T. Jones, The Two Republics, pp. 320-321.)
Ang unti-unting kasunduan ng mga Kristyano sa ilan sa mga sumasamba sa kaparehong lunar Sabbath at Linggo, ang iba’y sa Sabado at Linggo, at ang iba ay sa Linggo lamang, nagdulot ng malaking pagkalito sa mga paganong Mithraismo.
Si Tertullian, sinaunang Kristyanong manunulat, ay inamin ang katunayang ito. Malinaw niyang ipinahayag na ang mga Kristyanong sumasamba sa araw ni Saturn bilang ikapitong araw ng sanlinggo ay mismong mga lumihis mula sa kaugalian ng mga Israelita na kung saan sila’y mangmang.
“Kami’y dapat dalhin para sa mga Persyano [mga Mithraismo], marahil . . . ang dahilan para rito, sa tingin ko ay, batid na kami’y nananalangin tungo sa silangan . . . gayon din, kung ilaan namin ang araw ng Araw sa kapistahan (mula sa malayo at ibang dahilan mula sa pagsamba sa Araw), kami’y nasa ikalawang lugar mula sa sinumang nag-ukol sa araw ni Saturn, sila ay lumihis rin sa paraan at kaugalian ng mga Hudyo na kung saan sila’y mangmang.” (Tertullian, Apologia.)
Isang nakadikit na kalendaryo ang nakita sa Paliguan ni Titus na inilarawan ang araw ni Saturn (o dies Saturni) bilang unang araw ng paganong planetaryong sanlinggo (nilikha 79 – 81 A.D.) |
Ang kaugalian ng pagsamba sa araw ni Saturn, ang ikapitong araw ng sanlinggo na minsang galing mula sa una hanggang sa huling araw ng sanlinggo, ay batay mula sa kaugalian ng mga Israelita na pagsamba sa ikapitong araw ng Sabbath. Gayunman, ang araw ng Sabado mismo ay hindi ang Hebreong Sabbath sapagkat ang pag-ikot ng sanlinggo ay magkaiba.
Karagdagang ebidensya ng mga Kristyano na gumagamit ng parehong kalendaryong Biblikal at ang paganong kalendaryong Julian ay maaari lamang makita sa mga iba’t-ibang sinaunang inskripsyon sa mga libingan. Isa sa mga pinakamatandang inskripsyon sa libingan ay mula pa noong A.D. 269. Ipinahayag nito na:
“Sa konsulship nina Claudius at Paternus, sa mga Nones ng Nobyembre, sa araw ni Venus, at sa ika-24 araw ng buwang lunar, inilagay ni Leuces [ang monumentong ito] sa kanyang minamahal na anak na si Severa, at sa Espiritu Santo. Namatay siya [sa edad] na 55 taon, at 11 buwan [at] 10 araw.” (E. Diehl, Inscriptiones Latinæ Christianæ Verteres, p. 193.)
Ito ay isang kahanga-hangang pagpapatibay ng paggamit ng Kristyano ng mga buwang lunar. Ang mga “Nones” ng Nobyembre ay Nobyembre 5 kung saan, sa taong iyon, tatapat sa araw ni Venus, o Biyernes. Gayunman, ang ika-24 araw ng buwang lunar ay tatapat sa ikalawang araw ng sanlinggo!
Ang mga patunay ng kasaysayan ay nagpapakita na ang makabagong Sabado’y walang iba kundi ang araw sa paganong planetaryong sanlinggo, dumadakila sa uhaw-sa-dugong diyos, si Saturn.
Ang malawakang pagtanggap ng tradisyon ay nagtulak sa marami na magpalagay na ang kanilang mga paniniwala ay batay lamang sa Kasulatan, ngunit sa totoo lang, maraming paniniwala ay mga sinaunang kaugalian lamang galing sa mga pagano.
Lahat ay may taimtim na responsibilidad na pag-aralan ang bawat paniniwala para sa kanilang sarili. Huwag hayaan ang sinumang manatili laban sa patotoo ng kalendaryong Biblikal hanggang ang masusing pag-aaral ng paksa ay nagawa na. Nagbabala ang Kasulatan laban sa sinumang kukuha nang mabilis at dogmatikong tindig na nauuna pa sa mga nagsisikap sa mga patotoo:
“Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman.” (Mga Kawikaan 18:13, MBB)
Ang Sabbath, na tanda ng katapatan sa Manlilikha, ay ang pinakamahalaga sa bawat isang nabubuhay sa ibabaw ng lupa. Dahil dyan:
“Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Elohim, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.” (Tingnan ang 2 Timoteo 2:15.)
Tatanggapin mo ba ang hamon ng Langit na magsikap para sa iyong sarili?
Hahanapin mo ba at susundin ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath?