Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Naniniwala ako sa pamamagitan ng pag-aaral at panalangin na ang mga nilalaman ng Aklat ng Pahayag sa simula ay ibinigay bilang isang pangitain ni Yahushua (1:1) para kay Apostol Juan (1:1) para sa agarang pakinabang (pagpapala, 1:3) ng pitong makasaysayang iglesya ng unang siglo (1:11) sa anong tinatawag na kanlurang Turkiye, na tinawag sa Imperyong Romano bilang “Asya.”
Sapagkat natanggap ni Juan ang pangitain, isinulat niya ito sa isang balumbon (1:9-11). Ang mga detalye ng pangitain ay nagsasalaysay ng mga tiyak na pagtuturo sa bawat isa sa pitong makasaysayang iglesya (kabanata 2-3), kasama ang maraming tagpuan ng ano ang darating tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem, ang paglipas ng mga “lumang tuntunin” ng mga bagay (iyon ay ang sakripisyong pagsamba sa Templo), ang pagtatatag ng “bagong tuntunin” ng mga bagay sa pamamagitan ng pagsamba na isinagawa sa espiritu at katotohanan (Kristyanong pagsamba na nakatuon sa buhay, kamatayan, muling pagkabuhay, pag-akyat at paghahari ni Kristo Yahushua) at ang matagumpay, walang hanggang paghahari ni Yahushua.
Ang Jerusalem ay isinangguni nang madalas sa buong aklat ng Pahayag at binigyan ng maraming apokaliptong palayaw.
|
Buhat nang marami sa Pahayag ay matungkol sa (nalalapit na) pagkawasak at paghuhukom ng “lumang tuntunin” (iyon ay ang sakripisyong pagsamba sa Templo), hindi na dapat dumating sa pagkagulantang na ang punong himpilan ng “lumang tuntunin” ay ang tampulan ng marami sa Pahayag. Ang Jerusalem ay isinangguni nang madalas sa buong aklat ng Pahayag at binigyan ng maraming apokaliptong palayaw.
Ang Jerusalem ay isinangguni sa pamamagitan ng kalapitan sa Pahayag 11:1-2:
1 Pagkatapos nito may nagbigay sa akin ng isang panukat na parang tungkod na nagsasabi, “Tumayo ka at sukatin mo ang templo ni Yahuwah, at ang dambana, pati ang mga sumasamba doon. 2 Ngunit huwag mong sukatin ang patyo sa labas ng templo; hayaan mo na iyon, sapagkat ipinaubaya iyon sa mga Hentil. Kanilang tatapak-tapakan ang mga banal na lungsod sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan.
Ang Templo ay nasa Jerusalem noong unang siglo (bago ang 70 AD). Upang isangguni ang templo sa pamamagitan ng isang simboliko o espiritwal na sanggunian o bilang isang pisikal na sanggunian ay patuloy na isang sanggunian na tumatawag na isipin ang pangunahing siyudad kung ang pisikal na templo ay nananahan. Ang berso 2 ay tumungo na sabihin na ang banal na siyudad ay tatapak-tapakan sa loob ng 42 buwan. Ito ay isang kaparehong takdang panahon sa kabuuang tagal ng Unang Digmaan Hudyo, na tumagal mula 66 AD hanggang 70 AD.
Ang Jerusalem ay muling isinangguni sa kabanata 11 sa berso 8:
8 Ang bangkay nila ay pababayaan sa lansangan ng tanyag na lungsod, ang lugar na pinagpakuan sa krus ng kanilang Panginoon. Ito rin ang lungsod na tinaguriang Sodoma at Egipto.
“pinagpakuan sa krus ng kanilang Panginoon” – Lahat ng apat na ebanghelyo at ang aklat ng Mga Gawa ay tinutukoy ang Jerusalem kung saan si Kristo ay ipinako sa krus.
|
Mayroong dalawang pahiwatig upang isaalang-alang tungkol sa “dakilang siyudad” na ito. Una, ang huling siyudad na tinukoy ay ang Jerusalem (sa 11:1-2). Dahil dito, ang pangungusap na ito ay tinukoy lamang ang siyudad. Gramatikal, magsasagawa tayo ng mga Griyegong lalang ng sirko upang baluktutin ang sangguniang ito sa isang lokasyon maliban sa Jerusalem. Ikalawa, ang teksto ay nagbibigay ng mga detalye na nagpapatibay ng lokasyong isinangguni sa pangitain. Ang lugar ay ang iisang lugar kung saan “pinagpakuan sa krus ng kanilang Panginoon” (ὅπου καὶ ὁ κύριος αὐτῶν ἐσταυρώθη). Lahat ng apat na ebanghelyo at ang aklat ng Mga Gawa ay tinutukoy ang Jerusalem kung saan si Kristo ay ipinako sa krus.
Ang Jerusalem ay muling tinukoy sa kabanata 11 sa berso 13:
13 Nang oras ding iyon, lumindol nang napakalakas. Nawasak ang ikasampung bahagi ng lungsod, at 7,000 ang namatay. Natakot ang natirang mga tao, kaya pinuri nila si Yahuwah sa langit.
Ang siyudad ay inilarawan na gitna ng isang napakalakas na lindol. Kapag ang mga paglindol ay nabanggit sa Lumang Tipan, sila’y madalas mga paglalarawan ng mga heopulitikal na mga paglilipat, sinasamahan ng paghuhukom ni Yahuwah. Tiyak na tinamo ng Jerusalem ang paghuhukom noong 70 AD at tumungo sa isang dakilang heopulitikal na paglilipat sa pagkatalo sa digmaan ng rebelyon ng mga Hudyo laban sa Roma.
Tila ang Jerusalem ay hindi isinangguni sa mga iilang tagpuan, at ang susunod ay dumating sa tampulan sa 14:8:
8 At ang pangalawang anghel ay sumunod na nagsasabi, “‘Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonya!’ Pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad.”
Maaari nating itanong, paano ang Jerusalem ay isinangguni buhat nang ang siyudad ay tinawag na “dakilang Babilonya”? Simple lang ang kasagutan rito. Dapat nating ipaliwanag ang sangguniang ito sa isang bagong lokasyon (unang hindi nabanggit) o sa isang naunang sanggunian na mas maaga sa teksto. Ang huling sanggunian sa isang siyudad ay nasa 11:13, na nalalaman natin ay iisang siyudad mula sa 11:8 – ang siyudad kung saan ang Panginoon ay ipinako sa krus: sa Jerusalem. Kung ito ay hindi isang sanggunian sa naunang siyudad (Jerusalem) at isang bagong siyudad, aasahan natin ito na magkaroon ng isang malinaw na sanggunian na huli sa teksto.
Ang siyudad ay muling nabatid sa 14:20:
20 At pinisa ang mga ubas sa pisaan na nasa labas ng lungsod, at mula sa pisaan ay bumaha ang dugong umabot ang taas hanggang sa renda ng mga kabayo, at ang lawak ay halos tatlong daang kilometro (1,600 estadia).
Wala nang ibang siyudad bilang isang kandidato para sa siyudad na ito sa pamamagitan ng sanggunian. Ang siyudad na ito ay kaparehong ng nabanggit sa 14:8. Ang distansya ay sinukat (1,600 estadia) ay mahalaga dahil ito’y kumakatawan sa isang sukat ng lupain na bahagyang mas malaki kaysa sa laki ng biblikal na Israel. Ang tagpuan na inilarawan rito ay kung saan ang pisaan ng ubas ay nasa labas ng siyudad (Jerusalem), at ang pagkawasak ay bumaha sa hangganan ng siyudad. Ito’y maaaring maunawaan bilang isang propetikong paglalarawan ng pagdanak ng dugo sa panahon ng pag-aalsa ng mga Hudyo noong 66-70 AD at gaano kalayo ang pagkawasak at kamatayan mula sa digmaang iyon.
Ang susunod na pagkakataon ang isang siyudad ay nabanggit ay sa Pahayag 17:5. Muli (gaya sa 14:8), ang sanggunian ay sa Babilonya, narito’y isang mas malinaw na pagpapaliwanag sa 17:18.
Sa kanyang noo ay nakasulat ang isang mahiwagang pangalan:
“TANYAG NA BABILONYA,
INA NG MAHAHALAY NA BABAE
AT NG MGA KALASWAAN NG DAIGDIG.” (Pahayag 17:5)
Sa kabanatang ito, isang relasyon ang inilarawan sa pagitan ng Halimaw at isang Babaeng Patutot (17:3). Ang Halimaw at ang Babaeng Patutot ay dalawang malayang entidad na pumasok sa isang relasyon. Sila’y parehong mayroong nagkasanib na mga adyenda (sa isang panahon), at parehong nakukuha ang mga resulta ng kanilang ibinahaging relasyon (sa isang panahon). Ang Babaeng Patutot, sa buong kabanata, ay isang siyudad, na matatagpuan natin sa 17:18:
18 Ang babaing nakita mo ay ang tanyag na lungsod na naghahari sa mga hari ng daigdig. (Pahayag 17:18)
Palaging maganda kapag ang Salita ni Yahuwah ay nagbibigay sa atin ng mga hayagang pagtuturo kung paano ang mga ito’y ipapaliwanag! Bumalik-tanaw tayo sa anong natutunan natin:
- Nalalaman natin na ang Jerusalem ay nasa kaisipan bilang “banal na siyudad” (11:1-2).
- Nalalaman natin na ang Jerusalem ay kinukuha ang mga palayaw na “Sodoma” at “Egipto” (11:8).
- Nalalaman natin na ang Jerusalem ay ang paksa ng dakilang kaguluhan (11:13).
- Hindi pa tayo nakatutuyak ngunit may posibilidad na ang Jerusalem ay binigyan din ng palayaw na “Babilonya” (14:8 at 17:5, 17:18).
Ang huling punto ng punlo ay gumagalaw mula sa isang posibilidad hanggang sa halos katiyakan sa pagtanaw sa paglalarawan ng siyudad sa teksto. Ang babae ay isang dakilang siyudad; anong siyudad, maaari nating itanong? Ang siyudad na naghahari sa mga hari ng daigdig (17:18). Anong siyudad kaya ito? Kaunti na lang ang nalalabi nating pagpipilian. Malamang ang teksto ay tinutukoy ang isang bagong lokasyon, na maaaring hindi isinangguni o nabanggit, o tayo’y naiwan sa Babaeng Patutot bilang Jerusalem.
Ano ang sinasabi ng teksto ng Pahayag sa atin tungkol sa Babaeng Patutot?
- Ang Babae ay nakaupo o itinataguyod ng isang Halimaw (17:3). Ito’y nagpapakita na ang siyudad sa pananaw ay hindi malaya sa kapangyarihan nito ngunit sa halip ay nakadepende sa isa pang pinagkukunan (ang Halimaw) para sa paghahari nito.
- Ang Babae ay isang larawan ng kayamanan at kasaganaan (17:4). Isinusulat ni Ken Gentry ang sumusunod, sinisipi ang mga maagang mananalaysay:
“Maging ang mga paganong manunulat ay nagsasalita nang lubusan sa Jerusalem bilang isang napakahalagang kapanahunang siyudad. Tinatawag ni Tacitus ito bilang “isang tanyag na siyudad.” Si Pliny ang Matanda ay nagkomento na ito’y “pinakatanyag na siyudad sa lahat ng sinaunang Silanganan.” Si Appian, isang Romanong abugado at manunulat (mga 160 AD), ay tinawag itong “ang dakilang siyudad ng Jerusalem” (Tacitus, Histories 5:2; Fragments of the Histories 1; Pliny, Natural History 5:14:70; Appian, The Syrian Wars 50). Ang mga orakulo ng Sibylline, si Josephus, at ang Talmud ay nagkaisa na tawagin ang Jerusalem na “isang dakilang siyudad” (Sibylline Oracles 5:150–154, 408–413; Josephus, J.W. 7:1:1; 7:8:7.”
Ang Jerusalem ay itinaguyod ng awtoridad ng Imperyo ng Roma (hanggang ang pag-aalsa ng mga Hudyo ay nagsimula noong 66 AD, at nagwakas sa pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD).
|
- Ang Babaeng Patutot ay inilarawan na “lasing sa dugo ng mga banal ni Yahuwah” (17:6). Pansinin sa balangkas ng mga panahon kung saan ang Jerusalem ay nakita bilang pangunahing pwersa na nag-uusig sa bayan ni Yahuwah sa Bagong Tipan: Mga Gawa 4:3; 5:18-33; 6:12; 7:54-60; 8:1; 9:1-4, 13, 23; 11:19; 12:1-3; 13:45-50; 14:2-5, 19; 16:23; 17:5-13; 18:12; 20:3, 19; 21:11, 27; 22:30; 23:12, 20, 27, 30; 24:5-9; 25:2-15; 25:24; 26:21. Tingnan rin: 2 Corinto 11:24; 2 Tesalonica 2:14-15; Hebreo 10:32-34.
- Ang Babaeng Patutot ay inilarawan na nakasakay sa Halimaw na may pitong ulo at sampung sungay (17:7). Ilang berso ang dumaan, ang Halimaw ay dagdag na inilarawan (17:9) at ipinaliwanag: “Ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan nakaupo ang babae.” Ang Roma ay pinakatanyag para sa pagiging siyudad ng pitong burol sa sinaunang mundo. Ang Jerusalem ay itinaguyod ng awtoridad ng Imperyo ng Roma (hanggang ang pag-aalsa ng mga Hudyo ay nagsimula noong 66 AD, at nagwakas sa pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD).
- Ang Babae at ang Halimaw sa huli ay lumaban sa isa’t isa (17:15-16). Hanggang sa pag-aalsa ng mga Hudyo, ang Jerusalem ay mayroong isang natatanging pulitikal na relasyon sa Roma. Ang mga Hudyo ay pinahintulutan na magpatuloy sa kanilang pangrelihiyong pagsamba sa Jerusalem, nakalaan na sila’y (gaya ng ibang sinakop na bayan) nagbabayad ng paggalang at mga buwis kay Caesar.
- Ang Babae ay tuluyang tinukoy sa kaparehong wika bilang Jerusalem mula sa 11:8, 14:8, at 17:5. Ang dakilang siyudad ay ang Jerusalem; ang Babaeng Patutot at ang Jerusalem ay iisa. Ang Babae ay, dahil dito, isang simboliko, propetikong palayaw na ibinigay sa anong naging ang Jerusalem. Sa halip na manatiling matapat sa kanilang Panginoong Yahuwah, ang Jerusalem ay tinanggihan ang Anak ni Yahuwah at sa halip ay pinalawak ang kasuklam-suklam na paghihimagsik nito.
Sa mga huling kabanata ng Pahayag, marami sa mga palayaw na ito ay inilarawan ang pagkatalo, pagbagsak, at pagkawasak ng Jerusalem. Maaari nating ipunto ang mga palayaw na ito bilang Jerusalem dahil sumanib sa parehong siyudad ng pinagmulan—kung saan ang Panginoon ay ipinako sa krus. Madalas, ang mga palayaw na ito ay ginamit sa buong aklat ay mga muling gamit hanggang sa huli.
- Ang Jerusalem ay tinawag na isang “dakilang siyudad” sa 18:10, 18:16, 18:19, at 18:21.
- Ang Jerusalem ay tinawag na Babilonya sa 18:2, 18:10, at 18:21.
Ang Jerusalem sa pangalan ay ilang beses lamang binanggit (3:12, 21:2, 21:10) sa aklat ng Pahayag. Mayroong isang kawili-wiling pagkakaiba na ginawa sa pagitan ng “luma” at makasaysayang Jerusalem (siyudad na hinatulan ni Yahuwah para sa krimen ng kawalan ng katapatan sa tipan sa pagpako sa krus ng Anak ni Yahuwah) at ang “bagong” Jerusalem.
Bakit mahalaga ang pagkakakilanlan ng Jerusalem? Sa tamang pagkakaunawa ng Pahayag (ito’y nilayon na binasa ni Yahushua sa pamamagitan ni Juan), makikita natin na ang aklat na ito ay maraming espiritwal na paggamit ngunit sa isang pangunahing makasaysayang kaganapan sa kaisipan. Ito’y hindi isang aklat na pangunahing tinatalakay ang ating hinaharap (bagama’t mayroong kabilang sa aklat). Sa halip, ang aklat ay pangunahin na ipinapakita sa pamamagitan ng mga propetikong simbulo ang isang kaganapan ng sakuna na mag-iiwan ng pangmatagalang tanda sa Kristyanismo, Hudaismo, at buong mundo para sa nalalabi ng kasaysayan ng sangkatauhan.
Bilang mga Kristyano, ang aklat na ito ay isa pang pinagkukunan ng pampatibay-loob na tatanawin natin sa hinaharap, at maging lagpas pa sa buhay na ito, nagmumula sa gawa ni Yahuwah sa panahon at kasaysayan. Ang ating relihiyon ay hindi batay sa mga pilosopikong kapurihan, mga mapamahiing talulikas, nakalilitong “paghahaka-haka.” Ang ating pananampalataya ay itinatag sa mga katunayan ng gawa ni Yahuwah sa sanlibutan, sapagkat ipinakita at isinangguni sa mga Kasulatan ng Luma at Bagong Tipan.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Jacob Toman.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC