Pinapatay ni John Calvin ang mga Kalabang Teologo: Pinangatuwiranan ng Masamang Interpretasyon ng Bibliya
Paano ito? Hindi naniwala si Calvin na ang lahat ng kautusan ng Lumang Tipan ay ibinukod ng Bagong Tipan na itinalaga sa tungkulin ni Hesus. Hindi niya tinanggap ang malinaw na diwa ng Hebreo: “Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una.” (Hebreo 8:13). Nagmaniobra siya sa konklusyon ni Pablo: “Kaya’t ang Kautusan ay naging tagapagturo natin hanggang dumating si Kristo, upang tayo'y ituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Subalit ngayong dumating na ang panahon ng pananampalataya kay Kristo ay wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan.” (Galacia 3:24-25; kumpara sa Roma 10:4). Tinanggal ni Calvin ang datos na ito mula sa Bagong Tipan at nagpasya na ang mga kautusang moral sa mga kautusan ng Lumang Tipan ng Torah ay umiiral pa rin. At ang pagpatay sa mga tao na nagbaluktot ng kanyang dalisay na doktrina ay isang moral na pangangailangan.
Tiniyak na pinangatuwiranan ni Calvin ang pangunahing kaparusahan ng mga erehe sa Levitico 24:16. “At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon.”
Ang pagtuturo ni Hesus na “ibigin mo ang iyong mga kaaway” ay hindi humadlang kay Calvin mula sa pagsang-ayon at pagtataguyod ng kamatayan ng kanyang mga teolohiyang kaaway. At ang pagtuturo ni Pablo para sa pakikitungo sa mga tao na hindi sang-ayon sa mga teolohikal na bagay ay nakaligtaan rin: “Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip, dapat siyang mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. Mahinahon niyang pinapangaralan ang mga sumasalungat sa kanya, sa pag-asang pagkakalooban sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan.” (2 Timoteo 2:24-25). Hindi matiyagang tinalakay ni Calvin ang kanyang mga pagkakaiba sa mga tao na nagtaguyod ng mga nakikipaglabang ideya. Hiniling ni Calvin ang mga pagpugot ng ulo, gumawa ng mga pagbabanta sa buhay, at purihin ang Diyos para sa pagsasagawa ng mga pagpapahirap sa mga erehe.
Binaybay ni Calvin ang kanyang paghihiganti na teolohikal na pinagtibay sa isang personal na liham:
“Ako’y hinikayat na hindi ito kung wala ang espesyal na kaloob ng Diyos na, bukod sa anumang hatol ng mga hukom, ang mga kriminal ay dapat pagtiisan ang pinahabang pagdurusa sa kamay ng mga berdugo.” – Sulat ni Calvin kay Farel noong Hulyo 24 (para sa mas maraming salita na direkta mula sa pluma ni Calvin, basahin ang Selected Works of John Calvin)
Naniwala si Calvin na ginawang tiyak ng Diyos ang mga kriminal na hindi agad mamamatay kapag pinahirapan. Ang mapaghiganting saloobing ito at ang kanyang pagtataguyod sa lipas na mga kautusan ng Lumang Tipan na nagbatas ng mga pangunahing kaparusahan para sa lumalabang teologo na humahamon sa kanyang mga piniling doktrina ay tila katulad sa mga ISIS sa halip na si Hesus.
Ang Laban ni John Calvin sa mga Erehe
Ang personal na lihaman at mga talaan ng konseho ng siyudad ay ipinagkanulo ang ekstraordinaryong impluwensya ni Calvin sa Geneva. Bagama’t siya ay hiniling na umalis noong 1538 noong siya ay nagpatupad ng kanyang mga istriktong moral na pamantayan at nagtulak para sa malayang kapangyarihan ng simbahan sa mga taong itiniwalag, ang mga opisyal sa Geneva ay pinagtibay ang kanyang mga ordinansang eklesiastiko kabilang ang pagtatatag ng Konsistori. Ang Konsistori, isang hukuman ng simbahan na nangangasiwa ng disiplina ng mga mamamayan ng Geneva, tuwing Huwebes ay may pagpupulong upang suriin ang mga kaso (Ang aklat na ito ay isang salaysay ng mga talaan ng Konsistori mula 1542-1544.) Si John Calvin ang namuno sa hukuman. Bagama’t ang Konsistori ay walang kapangyarihan na magpakulong, magpatapon, o pumatay ng mga nagkasala, maaari pa ring kumbinsihin ni Calvin ang mga mahistrado ng siyudad na magdala ng kapangyarihang iyon kapag ang mga teolohiyang kalaban ay sumalungat sa kanya.
Noong si Jacques Gruet, isang teologo na may mga naiibang pananaw, ay naglagay ng sulat sa pulpito ni Calvin na tumatawag sa kanya na mapagkunwari, siya ay dinakip, pinahirapan sa loob ng isang buwan at pinugutan noong Hulyo 26, 1547. Ang teolohikal na aklat ni Gruet ay nahanap at sinunog kasama ang kanyang tahanan habang ang kanyang asawa ay itinapon sa kalsada para panoorin.
Si Michael Servetus, isang Espanyol, doktor, dalub-agham at iskolar ng Bibliya, ay nagdusa ng isang mas malalang kapalaran. Siya ay matagal nang kakilala ni Calvin na lumaban sa awtoridad ng Simbahang Katoliko. Gayunman, nagalit siya kay Calvin sa pagbabalik ng isang kopya ng mga Institusyon ni Calvin na may mga mapamintas na komento sa mga gilid nito. Kaya anong ginawa ni Calvin? Maaari mong mabasa ang kanyang resolusyon mula sa isang personal na liham na isinulat niya sa isang kaibigan:
“Si Servetus ay inaalok na dumating rito, kung ito ay nakalulugod sa akin. Ngunit ako ay walang nais na mangako para sa kanyang kaligtasan, sapagkat kung dumating siya, hindi ko siya bibigyan ng pahintulot na umalis nang buhay, ibinigay ng aking kapangyarihan ng anumang pakinabang.” – Sulat kay Farel, Pebrero 13, 1546
Ang sumunod na sandali na dumalo si Servetus sa pagtuturo at paglilingkod ni Calvin sa araw ng Linggo, dinakip siya at inakusahan ng erehya. Ang 38 opisyal na pananagutan ay kabilang ang pagtanggi sa Trinidad at bautismo sa sanggol. Ang mga mahistrado ng siyudad ay hinatulan siya ng kamatayan. Nakiusap si Calvin kay Servetus na pugutan sa halip na mas brutal na pamamaraan ng pagsusunog sa istaka, ngunit walang nangyari. Ilan sa mga tao ay nakikita ang pakikiramay ni Calvin sa pagpapatuloy ng isang mas makataong pamamaraan ng kamatayan, subalit sa huli ay itinaguyod niya ang pagpatay kay Servetus at sa lahat ng mga erehe.
Noong Oktubre 27, 1553, berdeng panggatong ang ginamit para sunugin kaya si Servetus ay dahan-dahang ihuhurno nang buhay mula sa mga paa hanggang sa ulo. Sa loob ng 30 minuto, siya ay sumigaw para sa awa at nanalangin kay Hesus habang ang apoy ay gumagapang sa kanyang katawan para sunugin ang teolohikal na aklat na nakasabit sa kanyang dibdib bilang simbulo ng kanyang erehya. Ibinuod ni Calvin ang pagbitay sa paraang ito:
Ang hindi pagsang-ayon sa pananaw ni Calvin ukol sa Diyos ay isang paglabag na nagtitiyak ng parusang kamatayan ayon sa paraang ipinaliwanag ni John Calvin sa Levitico 24:16.
|
“Si Servetus . . . ay nagdusa sa kaparusahan dahil sa kanyang mga erehya, ngunit ito ba ay aking kalooban? Tiyak, ang kanyang pagmamataas ay higit na sumira sa kanya sa halip na ang kanyang kawalan ng kabanalan. At anong krimen ito sa akin kung ang ating Konseho, sa aking pangaral, mismo, subalit sa pagkakatugma sa opinyon ng mga simbahan, ang kumuha ng paghihiganti sa kanyang kapoot-poot na mga kalapastanganan.”
Paano ang ganoong pagpapahirap ay pinahintulutan? Noong Nobyembre 1552 ang Konseho ng Geneva ay ipinahayag ang Institusyon ng Kristyanong Relihiyon ni Calvin na isang “banal na doktrina na walang sinuman ang maaaring magsalita laban rito.” Ang hindi pagsang-ayon sa pananaw ni Calvin ukol sa Diyos ay isang paglabag na nagtitiyak ng parusang kamatayan ayon sa paraang ipinaliwanag ni John Calvin sa Levitico 24:16. Naitala ng konseho ng siyudad ng Geneva ang paglalarawan ng isang hatol kung saan ang isang tao na hayagang nagprotesta laban sa doktrina ng katalagahan ni John Calvin ay pinaghahampas sa lahat ng mga sangandaan at pagkatapos ay itiniwalag (“The Minutes Book of the Geneva City Council, 1541-59,” isinalin ni Stefan Zweig, Erasmus: The Right to Heresy). Kailangan ay sasang-ayon ka lang kay Calvin sa bayan na ito.
Ang Masamang Interpretasyon ng Bibliya ay Maaaring Pumatay ng mga Tao
Tinaltal ni John Calvin: “Sinumang lumaban ngayon na hindi makatarungan na ilagay ang mga erehe at mga lapastangan sa kamatayan, nalalaman at kusang angkinin ang kanilang pagkakasala. Hindi kapangyarihan ng tao ang nagsasalita, Diyos ang nagsasalita at nag-uutos ng isang patuloy na pamumuno para sa Kanyang Simbahan.”
Karamihan sa masamang interpretasyon ng Bibliya ay nagdudulot ng pagkabigo sa isang hindi biblikal na diyos, pagkabalisa tungkol sa mga kinakailangan niya, o isang maling diwa ng seguridad na nagmula sa mga may kinikilingang paniniwala. Ngunit ito ay maaaring makapatay. Pinangatuwiranan ni John Calvin ang pagpatay sa kanyang masamang interpretasyon ng Bibliya. Hindi ito kumakatawan sa kanyang buhay o sa kanyang ambag sa simbahang Protestante, ngunit tayo ay may kaalaman na mula sa isang pagkakamali na ginawa niya.
Sinundan ni John Calvin ang biblikal na pangangatuwiran ni Augustine para sa pagsusunog nang buhay sa mga erehe. Dinispensa ni Augustine ang mga sukdulang hakbang sa pamamagitan ng kanyang interpretasyon ng Talinghaga ng Dakilang Hapunan ni Hesus sa Lucas 14:16-24. Noong ang panginoon ay hindi mapuno ang kanyang piging sa talinghaga, inutos niya sa kanyang mga alagad sa Lucas 14:23 na “Lumabas ka sa mga daan at bakuran. Pilitin mong pumarito ang mga tao upang mapuno ang aking bahay.” Sila Augustine at Calvin ay naniwala na ang pagsusunog sa mga erehe nang buhay ay “magpipilit” sa maraming tao na pumasok sa tahanan ng Diyos. Ang pagpapaliwanag ng “pamimilit” bilang isang lisensya para pumatay nang walang konsiderasyon sa ibang pagtuturo ni Hesus na “ibigin mo ang iyong mga kaaway” ay isang dakilang hermenutikong kamalian. Anumang bahagi ng pagtuturo ni Hesus ay dapat na ipaliwanag sa liwanag ng kabuuan.
(Pinagkunan: http://www.reenactingtheway.com/blog/john-calvin-had-people-killed-and-bad-bible-interpretation-justified-it)
Paalala ng WLC: Tayo ay binigyan ng babala sa Aklat ng Pahayag na, bago ang pagbabalik ni Yahushua sa lupa upang mamuno sa buong daigdig, bilang hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon, magkakaroon ng pandaigdigang pangrelihiyong pag-uusig sa mga hindi sasapi sa tanyag na pagsamba. Iyong mga pinili na sundin ang dinidikta ng kanilang mga budhi na may pagkakasalungat sa mga mandatong sibil at pangrelihiyon ay tatanggalan ng karapatang bumili at magbenta. Marami ang babayaran ang sukdulang danyos para sa pagpili na sundin ang kanilang mga sariling hatol sa halip na kumapit sa mga pangkalahatang batas pangrelihiyon. Sa kaisipan na ito, nais naming ibahagi ang artikulong ito bilang isang paalala at babala laban sa mga nagpapatupad ng mga pangrelihiyong pananaw at doktrina sa ibang tao.
|