Ang Misteryo ay Ipinaliwanag
Ang kalendaryo ng Manlilikha ay mayroong dalawang kategorya ng mga araw na hindi umiiral sa modernong kapapahan/paganong kalendaryo: ang mga Bagong Buwan at mga araw ng pagsasalin. Kapag ang mga ito ay naunawaan, madali nang makuha kung paano ang oras ay orihinal na kinalkula. |
Sa loob ng halos 2,000 taon, ang mga bahagi ng kanlurang mundo ay pinangasiwa ang oras ng kaparehong pitong araw na sanlingguhang ikot. Ito ay lumikha ng ilusyon sa mga Kristyano na ang modernong sanlinggo ng Linggo hanggang Sabado ay umiikot nang tuluy-tuloy at walang pagkaantala mula noong Paglikha. Ito ay simple lang na hindi totoo. Ang huling bansa na opisyal na nag-ampon ng modernong kalendaryong Gregorian ay ang Gresya noong 1923,
“Ang oras ay isang abstraksyon kung saan tayo’y dumarating sa mga paraan ng mga pagbabago [paggalaw] ng mga bagay.” Austrian Physicist, Ernst Mach (1838-1916) |
bagama’t ito ay hindi hanggang noong 1949 na ang buong mundo ay nagkaisa sa paggamit nito. Ang kaalaman ng oras, at kung paano ito kalkulahin, ay nagpapahintulot sa sinuman na maunawaan ang mga Bagong Buwan at mga araw ng pagsasalin na lumitaw sa Biblikal na paraan ng pagpapanatili ng oras.
Ang oras ay maaari lamang masukat sa paggalaw.
Ang mga tao ay iniuugnay at sinusukat ang oras sa sanggunian sa paggalaw. Ang mga kamay ng isang orasan na umiikot sa harapan nito ay naglalarawan ng mga oras, minuto at segundo. Ang taon ay inilarawan sa pag-ikot ng daigdig sa paligid ng araw. Ang buwan ay inilarawan sa pag-ikot ng buwan sa paligid ng daigdig. Ang araw ay inilarawan sa mismong pag-ikot ng daigdig.1 [Tandaan: Ang WLC ay hindi itinataguyod ang mapanlinlang na helyosentrikong modelo ng maling pahiwatig na ang daigdig ay isang globo.]
Mga Pagkakaiba sa Kalkulasyon ng Oras: Ang Pagkalito sa mga Sanlinggo
Kung walang paggalaw, ang oras ay hindi maaaring masukat. Ang modernong kalendaryo ay isang kalendaryong solar, na ibinatay ang mga araw at mga taon nito sa araw. Sa modernong kalendaryo, ang mga sanlinggo at mga buwan ay hindi batay sa anumang bagay sa kalikasan. Ang mga ito’y ganap na hindi makatuwiran. Ito ay naiiba mula sa kalendaryong luni-solar na itinatag ni Yahuwah sa paglikha ng mundo.
Ang kalendaryo ng paglikha ay ganap na batay sa kalikasan. Mula sa mga taon nito, hanggang sa mga buwan, mula sa mga sanlinggo, hanggang sa mga araw, lahat ay batay sa paggalaw. Ang salitang “buwan (month)” ay orihinal na “buwanan (moonth)” at nagmula sa salitang buwan (moon). Sa sinaunang panahon, ang mga buwan ng taon ay palaging batay sa paggalaw ng buwan. Ang mga sanlinggo, dahil dito, ay mga sangay ng buwan, o lunasyon. “Ang Hebreong Sabbathon ... ay ipinagdiriwang sa mga agwat ng pitong araw, kaayon sa mga pagbabago ng mga anyo ng buwan...”2 Ang katunayan na ang mga buwan at mga sanlinggo ng kalendaryong Biblikal ay batay rin sa paggalaw sa kalikasan ay lumilikha ng pagkakaiba sa pagitan ng kalendaryong luni-solar ni Yahuwah at ng kapapahan/paganong kalendaryong solar na ginagamit ngayon. Ito’y lumilikha rin ng pinakamaraming pagkalito.
Ang parehong kalendaryo ay pinanatili kung gaano karaming oras ang kailangan para sa daigdig na makumpleto ang isang rebolusyon sa araw (isang taon). Parehong hinati ang taon sa maliit, mas kontroladong mga bahagi. Subalit dito na natatapos ang pagkakapareho. Ang modernong kalendaryo ay may mga buwan na mayroong 28 hanggang 31 araw ang haba. Ang mga buwan ay hindi nakadugtong sa anumang bagay sa kalikasan. Dahil dito, ang mga sanlinggo ay tuluy-tuloy na umiikot at walang pagkaantala mula sa isang buwan, hanggang sa susunod; mula sa isang taon, hanggang sa susunod.
“Ang Sabbath, sa nomadikong panahon ng Israel, ay batay sa pagsiyasat sa mga anyo ng buwan, ...hindi maaari, ayon sa pananaw na ito, na isang nakapirming araw.” jewishencyclopedia.com |
Ang kalendaryo ng Manlilikha, sa kabilang dako, ay ibinabatay ang bawat buwan sa paggalaw ng buwan. Ang bawat buwan ay nagsisimula sa bagong buwan. Ang sanlinggo, na isang sangay ng buwan, ay muling nagsisimula ang ikot nito tuwing Bagong Buwan.“ Ang buwang Hebreo ay isang buwang lunar at ang sangkapat ng panahong ito—isang anyo ng buwan—lumilitaw na pantukoy sa sanlinggo na may pitong araw.”3 Ito ang pinakamahirap maunawaan na punto kapag unang sinimulang pag-aralan ang kalendaryo ng Manlilikha: ang moderno, kalendaryong solar ay mayroong patuloy na sanlingguhang pag-ikot. Ang kalendaryo ng Paglikha ay wala nito.
Ang mga Bagong Buwan ay mga mahahalagang bahagi ng Biblikal na paraan ng pagpapanatili ng oras sapagkat ang mga ito ay ang punto ng panahon kung kailan ang sanlingguhang pag-ikot ay muling nagsisimula para sa buwang iyon. Ang pariralang “Bagong Buwan” sa Kasulatan ay nagmula sa salitang Hebreo, Chodesh. Ang The New Strong’s Exhaustive Concordance of the Bible ay binigyang-kahulugan ang chodesh bilang “bagong buwan; sa pahiwatig ay isang buwan.” Ang New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words ay nagpaliwanag ukol rito: “Ang Chodesh ay maaaring tukuyin na isang ‘buwan,’ o ang panahon mula sa isang bagong buwan patungong isa pa. . . . Sa isang naugnay na pananarinari ang salita ay tumutukoy nang hindi lubos sa isang pagsukat ng panahon gaya sa isang bahagi ng panahon, o isang kalendaryong buwan.”4
Kaya, sa Kasulatan, ang “Bagong Buwan” ay maaaring tumukoy sa:
- Ang unang araw ng bagong buwan.
- Ang panahon sa pagitan ng isang bagong buwan at ang susunod.
- Isang kalendaryong buwan.
Ang Kasulatan ay naglalaman ng maraming sanggunian5 sa mga bagong buwan bilang araw kung kailan ang bagong buwan ay nagsimula. Ang sukdulang malapit na ugnayan ng buwan bilang isang bahagi ng panahon na nakadugtong sa isang lunasyon ng buwan ay maaaring makita sa katunayan na mayroong mas maraming maka-Kasulatang sanggunian6 na ginamit ang salitang chodesh na pantukoy sa isang kalendaryong buwan kaysa sa paggamit nito bilang unang araw ng buwan. Ang Chodesh ay ginamit nang 20 beses sa Bibliya bilang pantukoy sa unang araw ng isang bagong lunasyon. Ito’y ginamit nang 251 beses na pantukoy sa isang kalendaryong buwan, o lunasyon.
“Habang ang bagong buwan at ang Sabbath ay mga kapistahang lunar, ang Paskua (kasama ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa), Pentecostes, at mga Tolda ay mga kapistahang solar, iyon ay mga pagdiriwang na sinundan ang mga kapanahunan ng taon.” A Dictionary of the Bible: Dealing With Its Language, Literature, and Contents Including Biblical Theology, 1898, Vol.1, p.860. |
Isa pang salitang Hebreo na nagdudugtong ng isang kalendaryong buwan sa buwan ay yerach, (#3391). Ang salitang ito para sa “buwan” ay hindi tumutukoy sa isang bagong buwan, ngunit nagdudugtong ng isang kalendaryong buwan sa isang lunasyon: “isang lunasyon, iyon ay buwan: -- buwan (month), buwan (moon).”7 Ang parehong salita ay nagdugtong ng isang buwan sa kalendaryo tungo sa isang lunasyon ng buwan.
Chodesh: bagong buwan; buwan (month); lunasyon.
Yerach: buwan (month); lunasyon, buwan (moon)
Ang mga Bagong Buwan ay walang katumbas na araw sa kalendaryong Gregorian sapagkat ang mga buwan nito ay hiwalay sa anumang bagay sa kalikasan. Kaya, maraming tao ang nalito sa kung ano ang gagawin sa Bagong Buwan o paano tatalima sa araw na ito. Ang Kasulatan ay ipinapakita ang ilang bagay tungkol sa pagtalima sa Bagong Buwan:
- Ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng walang komersyo o pangangalakal.
- Ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng pasasalamat.
- Ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng pagsamba.
Ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng walang komersyo o pangangalakal
Ang mga Hudyo ay palaging mayroong reputasyon ng pagiging “napakamahusay” sa salapi: iyon ay pagsasamantala ng bawat pagkakataon na magkapera at kumuha ng mataas na interes mula sa mga Hentil. Ang mga Hudyo ng panahon ng Bibliya ay hindi naiiba. Noong nasa dakilang pagtalikod, ang mga Hudyo ay nagdamdam sa pagsasara ng kanilang mga tindahan para sa mga Sabbath at mga Bagong Buwan. Ang Bibliya ay naitala ang panaghoy ng mga sakim na mangangalakal na ito:
“Kailan daraan ang bagong buwan, upang tayo'y makapagbili ng gugulayin at ang Sabbath, upang ating mailabas ang trigo? na gawing munti ang efa, at malaki ang siklo, at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan;
“Upang ating mabili ng pilak ang dukha, at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan, at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo.
Si Yahuwah ay sumumpa alangalang sa karilagan ng Jacob, “Tunay na hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa.” (Amos 8:5-7, ADB)
Ang gawa para sa tolda, gayunman, ay pinapayagan.
At sinalita ni Yahuwah kay Moises na sinasabi,
Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng kapisanan.
Gayon ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ni Yahuwah sa kaniya, ay gayong ginawa niya.
At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan, na ang tabernakulo’y itinayo. (Exodo 40:1-2, 16-17, ADB)
Posible, ngunit hindi nalalaman, na ang ibang anyo ng “paggawa” ay katanggap-tanggap na isagawa sa Bagong Buwan. Gayunman, walang gawa na lumilikha ng sahod, walang komersyo, ang isasagawa sa Bagong Buwan at walang anumang ibang kalakaran ng paggawa ang maaaring isagawa sa ibang mga araw.
“Sa panahon ng mga sinaunang propeta, ang Bagong Buwan ay nanatili sa kaparehong linya sa isa pang pagtalimang lunar, ang Sabbath.” Scribner's Dictionary of the Bible, 1898 ed., p. 521. |
Ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng Pasasalamat
Ang mga Bagong Buwan ay isang panahon para sa mga pamilya na magkakasama, magbahagi ng hapag-kainan at magsaya sa mga pagpapala ng nakalipas na buwan, muling pangako kay Yahuwah para sa bago. Ang Bibliya at ang mga ekstra-Biblikal na pinagkukunan ay ipinakita ang Bagong Buwan bilang isang araw ng paglalaan kasama ang pamilya at mga kaibigan sa kainan. Ang ilang pinagkunan ay nagpahiwatig na ito ay isang araw kung kailan ang mga kababaihan sa partikular ay malaya mula sa maraming pasanin ng gawaing-bahay. Ang ibang sipi ng Kasulatan ay ipinapakita ang Bagong Buwan, gaya ng mga Sabbath, ay isang panahon kung kailan ang bayan ay tutungo para gumawa ng espesyal na mga katanungan ng mga propeta.
Ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng pagsamba
Kung saan ang Kasulatan ay tahimik, ang kasaysayan ay maaaring magbigay ng karagdagang liwanag. Ang isang maagang edisyon ng Universal Jewish Encyclopedia ay nagpahayag na ang mga Bagong Buwan ay orihinal na mga araw para sa pagsamba:
Ang Sabbath at Bagong Buwan (Rosh Hodesh), ay parehong umuulit sa takdang panahon sa kurso ng taon. Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot. Ang parehong petsa ay bumalik sa nomadikong panahon ng Israel. Magmula pa noon, ang Bagong Buwan ay ipinagdiriwang sa kaparehong paraan sa Sabbath; unti-unti itong naging hindi lubhang mahalaga habang ang Sabbath ay naging mas mahalagang araw ng relihiyon at sangkatauhan, ng pagmuni-muni at pagtuturong pangrelihiyon, ng kapayapaan at galak ng kaluluwa.8
Ang mga Araw ng Pagsasalin
Ang mga araw ng pagsasalin, gaya ng mga Bagong Buwan, ay walang direktang ugnayan sa modernong kalendaryong solar. Gayunman, kinakailangan na maunawaan kung ano ang mga ito upang magkaroon ng isang malinaw na komprehensyon ng kalendaryo ni Yahuwah.
Ang “araw ng pagsasalin” ay isang astronomikong termino na hindi makikita sa Kasulatan. Gayunman, ang katunayan na ang mga Biblikal na buwan ay batay sa mga pag-ikot ng buwan ay mahalagang patunay na ang mga ito’y umiiral sa kalendaryong Biblikal. Ayon sa United States Naval Observatory, ang isang lunasyon ay may haba na 29.5 araw. Sinasabi nang pangkalahatan, ito’y katumbas sa bawat ibang buwan na may 29 na araw, at iba pa na mayroong 30 araw. Ang isang lunasyon ay hindi bababa ng 29 na araw o hihigit ng 30 araw. Ito ay isang makatuwirang patotoo.
Ang mga astronomo ay ginagamit ang terminong “araw ng pagsasalin” upang italaga ang ika-30 araw ng isang lunasyon. Ito’y tatapat sa katapusan ng isang lunar na pag-ikot sa “itim na buwan” kung kailan ang buwan ay hindi nakikita.
Sapagkat ang oras mismo ay patuloy, marami ang naniwala na ang sistema kung saan ang oras ay kinalkula ay dapat rin, sa kawalan, na tuluy-tuloy. Ito ang kamalian ng pagpapalagay. Noong una, lahat ng mga sinaunang kalendaryo ay luni-solar na may sanlingguhang pag-ikot (ng iba’t ibang haba) na muling nagsisimula sa bawat bagong buwan. Ang mga kronologo ay nakuha ang petsa ng unang kalendaryo na may patuloy na sanlingguhang pag-ikot sa Babilonya noong 600 BC. Bago pa ang panahong iyon, walang kalendaryong ginamit na ang sanlingguhang pag-ikot ay walang pagkaantala. Ang sanlingguhang pag-ikot ay muling nagsisimula sa pagsisimula ng buwan o lunasyon man o sa pagsisimula ng taon kasunod ng limang idinagdag na araw na nagsara ng nakalipas na taon ngunit hindi bahagi ng anumang sanlingguhang pag-ikot.9
Lahat ng panahon ay dapat kasama sa bilang. Kaya ang mga araw ng pagsasalin ay hindi mga “blangkong araw” gaya ng ipinahiwatig ng iba. Ang mga ito’y may petsa, may bilang: ang ika-30 ng bawat buwan na may 30 araw. Ang ika-30 ng buwan, gaya ng unang araw ng buwan, ay hindi bahagi ng sanlingguhang pag-ikot. Gayunman, ito’y kasama sa bilang at mayroong petsa.
Ang pagkalito sa mga araw ng pagsasalin ay humantong sa ilang tao na itapon ang Biblikal na kalendaryong luni-solar. Ang ikaapat na utos ay malinaw na ipinahayag: “Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni’t ang ikapitong araw ay Sabbath kay Yahuwah mong Eloah.” (Exodo 20:9-10, ADB) Ang maling pagkakaunawa sa mga araw ng pagsasalin ay humantong sa maling pagpapalagay na sa isang 30 araw na buwan, mayroong 9 na araw sa pagitan ng ikapitong araw ng Sabbath sa ika-29 ng isang buwan at ang susunod na ikapitong araw ng Sabbath sa ikawalo ng bagong buwan. Ito’y lumilitaw na lumilikha ng isang problema dahil ang panahong nakapaloob ay mas malaki kaysa sa anim na araw na agwat sa pagitan ng mga Sabbath na ipinayo sa ikaapat na utos. Gayunman, sapagkat ang mga Bagong Buwan ay isang uri ng banal na araw ng pagsamba, walang hihigit sa anim na araw ng paggawa sa pagitan ng mga araw ng pagsamba. (Ang isang buwang lunar ay hindi lalagpas ng 30 araw at hindi magkukulang ng 29 na araw. Kaya ang araw na susundan ng ika-30, ang Bagong Buwan, ay palaging simula ng bagong buwan. Mayroong paminsan-minsan na magkakasunod na mga buwan na mayroong 29 na araw o 30 araw gayong pinamamahalaan ng buwan.)
Ang pagpapalagay na magkakaroon ng napakaraming araw ng paggawa sa pagitan ng mga Sabbath ay nagmula sa maling pagkakaunawa na ang Bagong Buwan mismo ay isang araw ng pagsamba na nagpapasimula ng isang bagong ikot ng apat na sanlinggo: may anim na araw ng paggawa, susundan ng ikapitong araw ng Sabbath. Habang ang Bagong Buwan ay nagpapasimula ng bagong sanlingguhang pag-ikot para sa bagong buwan, ang mga araw ng pagsasalin ay hindi bahagi ng sanlingguhang pag-ikot, bagama’t mga araw na may petsa. Ang mga araw ng pagsasalin, na palaging ika-30 sa isang buwang lunar, ay hindi maaaring ilipat sa susunod na buwan o bilangin bilang isang petsa sa bagong buwan dahil ang susunod na buwan ay palaging nagsisimula sa araw ng Bagong Buwan, na ang araw kasunod ng araw ng pagsasalin. Sa Bagong Buwan, isang bagong ikot ng apat na sanlinggo ang magsisimula. Sapat nang kawili-wili, ang pagkalitong ito ay palaging lumilitaw sa mga taga-kanluran na may nalalaman lamang na kalendaryo na may patuloy na sanlingguhang pag-ikot. Sa mga bansa na gumagamit ng lunar na kalendasyon para sa kanilang mga kalendaryong pangrelihiyon, ito ay isang mas madaling konsepto na makuha.
Si Yahuwah ay palaging may malinaw at tiniyak sa pangalan o petsa kung kailan ang mga araw ay papanatilihing banal. Kaya ang lahat ng mga araw na hindi tiyak na itinalaga bilang mga banal na araw ay mga araw ng paggawa. Walang sanlinggong lumalagpas sa anim na araw ng paggawa sa pagitan ng mga araw ng pamamahinga, sapagkat ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng pamamahinga rin.
Mga Kategorya ng mga Araw
Ang kalendaryong solar na Gregorian ay mayroong naiibang mga kategorya ng mga araw: mga araw sa paaralan/trabaho/gawa, katapusan ng sanlinggo (kung kailan ang karamihan sa mga tao ay pahinga sa trabaho), at mga pambansang pagdiriwang. Ang kalendaryong Biblikal ay may tatlong kategorya ng mga araw ng pagsamba:
- Sanlingguhan (mga ikapitong araw ng Sabbath)
- Buwanan (mga Bagong Buwan)
- Taunan (mga Taunang Kapistahan)
Ang kahalagahan ng Bagong Buwan ay maaaring makita sa katunayan na ang mga alay na ipinayo para sa mga Bagong Buwan ay mas marami kaysa sa mga ipinayo para sa sanlingguhang ikapitong araw ng Sabbath! |
Maraming tao na nakatuon na sumamba sa kalendaryong Biblikal ay tumalima sa sanlingguhan at mga taunang pagdiriwang, ngunit ang mga buwanang pagdiriwang ng Bagong Buwan ay madalas nakakaligtaan. Ito ay bahagya sa kamangmangan ng kung paano tumalima sa Bagong Buwan. Gayunman, ang kahalagahan ng Bagong Buwan ay maaaring makita sa katunayan na ang mga alay na ipinayo para sa Bagong Buwan ay mas marami kaysa sa ipinayo para sa sanlingguhang ikapitong araw ng Sabbath! Ang mga alay na kinailangan para sa ikapitong araw ng Sabbath ay dalawang kordero na inalay araw-araw at dalawa pang kordero at isang munting pagkain at alay na inumin. Ang mga alay para sa Bagong Buwan, gayunman, ay kabilang ang dalawang batang baka, isang tupa at pitong kordero, dinagdagan ng isang malaking pagkain at alay na inumin – pandagdag sa dalawang kordero na palaging inaalay.
Sa ilalim ng sistema ng lumang tipan sa pag-aalay, ang kaparian ay magsusunog ng isang alay sa umaga at isang alay sa gabi bawat araw. Tiniyak ni Yahuwah kung alin sa mga alay ang ihahandog sa mga araw. Ang karaniwang pang-araw-araw na alay ay isang kordero. Mas malaki, mas magastos na mga alay ang ihahandog sa mga taunang kapistahan. Kung ang mga araw ay iraranggo batay sa uri ng alay na tiniyak sa araw na iyon, ito’y mga sumusunod, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamahalaga:
4. Lahat ng araw ng paggawa
3. Sanlingguhang ikapitong araw ng Sabbath
2. Mga Bagong Buwan
1. Mga Taunang Kapistahan
Ang Kalendaryo: Tagapagpagunita ng Paglikha
Lahat ng Paglikha ay nilikha upang ipakita ang mga patotoo tungkol sa Manlilikha at para ilapit ang mga puso at mga isipan ng tao patungo sa kanyang Manlilikha sa mapagpasalamat na pagkilala. Ang kalendaryong isinaayos ni Yahuwah ay kabanalang nilikha para sa bagay na iyon. Ang ikapitong araw ng sanlingguhang Sabbath ay inihiwalay, inihiwalay para sa pagsamba sa Manlilikha. Ang salitang “Sabbath” ay nagmula sa shabath (#7673) at nangangahulugang “para mamahinga, iyon ay huminto mula sa pagpupunyagi.”10 Ngunit hindi lamang ang mga sanlingguhang Sabbath ang dapat na ihiwalay. Orihinal, ang mga buwanang Bagong Buwan at, syempre, ang mga taunang kapistahan ay mga panahon upang alalahanin ang mga kabutihan ng Manlilikha.
Ang apat na anyo ng buwan ay nagbibigay ng halatang paghahati ng buwan...ito ay pinakamahalaga na sa mga dating bahagi ng mga kasulatang Hebreo ang bagong buwan at ang Sabbath ay halos walang paltos na magkasamang binanggit. Ang buwan [lunar] ay lagpas sa katanungan ang isang lumang sagradong paghahati ng panahon na karaniwan sa lahat ng mga semita; maging sa mga Arabo, na nakatanggap ng sanlinggo sa huling panahon mula sa mga Siryans, binati ang bagong Buwan nang may pangrelihiyong pagbubunyi. ... Hindi namin masabi [nang tiyakan] kung kailan ang Sabbath ay naging hiwalay mula sa buwan.11
Ang mga banal na pagtitipon ni Yahuwah, kabilang ang mga Bagong Buwan, ay mga panahon para sa muling pangako sa Manlilikha; panahon para magdahan-dahan, kilalanin ang mga kaloob ng Ama na pamilya, mga kaibigan at iba pang pagpapala. Ang mga Bagong Buwan ay nagdadala ng isang pagpapala sa lahat na ilalaan ang panahong ito na kilalanin ang mga pagpapala ni Yahuwah. Iingatan nila ang mga ito sa lahat ng walang hanggan sapagkat ang mga naligtas ay nagsasaya sa walang hanggang pagpapala ng mapagmahal na Manlilikha.
“At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ni Yahuwah.” (Isaias 66:23, ADB)
1 http://www.articlesnatch.com/Article/What-Is-Time--/137691#.VONrLDoTvjA
2 Encyclopedia Biblica, 1899 ed., p. 4180.
3 Ibid., p. 4780.
4 #2320, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, p. 453.
5 1 Paralipomeno 23:31; 2 Paralipomeno 2:4; 2 Paralipomeno 8:13; 2 Paralipomeno 31:3; Ezra 3:5; Nehemias 10:33; Isaias 1:13-14; Hosea 2:11; Awit 81:3
6 Genesis 38:24; Exodus 12:2; Numbers 10:10; Judges 11:37-38; 1 Samuel 27:7; 2 Samuel 24:13; 2 Kings 23:31; Esther 2:12; Ezekiel 39:12-14; Amos 4:7, atbp.
7 New Strong’s Exhaustive Concordance of the Bible.
8 Universal Jewish Encyclopedia, p. 410.
9 Eviatar Zerubavel, The Seven Day Circle, pp. 7-8.
10 The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, p. 833.
11 Encyclopedia Biblica, op cit., pp. 4178-4179.