Daya ng Date Line: Ano ito at Bakit mahalaga! [DAPAT BASAHIN: SDAs]
Isang malapit na pagsusuri ng International Date Line ay hindi mapaniniwalaang pinatotoo na ang modernong sanlingguhang pag-ikot ay hindi patuloy na umiikot nang walang pagkaantala mula noong Paglikha. Upang ipahiwatig ang kabaligtaran ay para tumungo sa tradisyon at pagpapalagay – sa pagpapalayas ng ebidensya. |
Ano ang International Date Line?
Ang International Date Line ay isang kathang-isip na linya na tumatakbo sa kalagitnaan ng Karagatang Pasipiko. Ito’y opisyal1 na itinatag noong 1884 sa International Meridian Conference sa Washington, D.C. para sa iisang layunin ng pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga araw sa kalendaryong Gregorian.
Ang International Date Line ay umaandar bilang isang “linya ng demarkasyon” na naghihiwalay sa dalawang magkasunod na petsa ng kalendaryo. Kapag ikaw ay tumawid sa date line, ikaw ay magiging isang manlalakbay ng oras ng mga kaayusang ito! Ang pagtawid tungo sa kanluran at isang araw kinamamayaan; tumawid sa kabila at ikaw ay “bumalik sa panahon.”2
Para sa karamihan ng bahagi, ang Date Line ay sinusundan ang 180° meridian, na kabaligtaran ng Greenwich meridian (Prime Meridian) sa London, Inglatera.3 Ang linyang ito ay malayo mula sa pagiging matuwid, gayunman, sapagkat mayroong ilang gawang paglihis upang mapaunlakan ang mga pulitikal at pangkabuhayang pagkakaugnay sa mga malalapit na lugar. Ang lokasyong pinili para sa International Date Line ay arbitraryo; ang lokasyon nito ay isang kapakanan ng kaluwagan at walang gapos ano pa man sa anumang bagay sa kalikasan.
180 digri ang pinili [para sa International Date Line] dahil ito’y tumatakbo nang karamihan sa bukas na karagatan sa gitnang Pasipiko, pabagu-bago ang direksyon upang panatilihin ang mga malapit na bansa sa kanilang sariling araw at petsa. Kaya ang pasya ng 180 digri ay arbitraryo, ngunit itinatag nito ang IDL sa paggamit sa kasalukuyan.4
Ang International Date Line ay maaaring saanman . . . Ngunit pinakamadali sa 180° ang layo mula sa tinutukoy na meridian na dumaraan sa Greenwich, Inglatera. Ito’y mapalad na ang lugar na ito ay binalot, ng karamihan, ng isang walang lamang karagatan. Gayunman, palaging mayroong pagbabago ng direksyon ng linya rito na pahihintulutan para sa mga lokal na kalagayan.5
“Ang 180° meridian ay pinili bilang International Date Line dahil ito’y tumatakbo sa bihirang tinitirahang Gitnang Karagatang Pasipiko. Ito’y napagpasyahan sa International Meridian Conference noong 1884 sa Washington, D.C. kung saan dinaluhan ng 26 na mga bansa.” (https://www.timeanddate.com/time/dateline.html, nakuha noong Mayo 20, 2017.)
Buod ng International Date Line (IDL):
- Ang IDL ay kathang-isip.
- Ang IDL ay itinatag ng isang komite ng mga tao sa Washington, D.C. noong 1884.
- Ang lokasyon ng IDL ay arbitraryo at walang dugtong sa anumang bagay sa kalikasan.
- Sapagkat ang IDL ay arbitaryo, ito’y mababago. (Ito’y inilipat nang ilang beses para sa pulitikal o pangkabuhayang kaluwagan. Tutungo tayo rito mamaya.)
Ano ang Luni-Solar Date Line?
Ang Luni-Solar Date Line ay isang linya ng demarkasyon na itinatag sa lupa ng araw at buwan sa luni-solar na pang-ugnay.6 Ang pangyayaring ito ay nagaganap sa pagsisimula ng bawat lunar na pag-ikot at lubos na mahuhulaan. Hindi katulad sa gawa ng tao na date line, ang Luni-Solar Date Line ay hindi arbitraryo; sa halip, ito’y batay sa mga paggalaw ng mga makalangit na katawan, dahil nilayon ito ni Yahuwah.
At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon [panahon ng pagsamba]7, ng mga araw at ng mga taon. (Genesis 1:14)
Pansinin na hindi sinasabi ng Genesis… “At sinabi ng Elohim, Hayaan ang isang komite ng mga tao (mga 6,000 taon mula ngayon) na lumikha ng isang kathang-isip na linya sa kanilang pagpapasya upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.” |
Ano ang gumagawa sa Luni-Solar Date Line na kapansin-pansin ay pinahihintulatan nito sa atin na baguhin ang pagitan ng mga araw sa kalendaryo nang wala ang imbensyon ng tao (iyon ay ang International Date Line).8 Kapag kinakalkula ang Araw ng Bagong Buwan na nagsisimula sa bukang-liwayway matapos ang luni-solar na pang-ugnay, ang buong mundo ay magkakaisa sa pagsisiyasat ng hindi lamang ang mga kapistahan at mga Sabbath, kundi araw-araw. Iyon ay nagsasabi na ang lahat ng nasa lupa ay sinisimulan ang kanilang araw sa loob ng kaparehong panahon ng 24 oras.
Paano Gumagana Ang Luni-Solar Date Line
Ang unang bukang-liwayway matapos ang luni-solar na pang-ugnay ay nagtatakda ng pagsisimula ng linya ng petsa. Ang bukang-liwayway pagkatapos ay kumikilos nang pasulong mula sa punto ng pagdadala nito ng Araw ng Bagong Buwan sa mundo. Sa dakong huli, anim na araw ang sumusunod at pagkatapos ang ikapitong araw ng Sabbath (Lunar Sabbath). Bagama’t ang date line ni Yahuwah, na maaari ding tawagin na Kanyang “dawn line,” ay nagbabago sa heograpiya mula sa isang lunasyon patungo sa susunod, hudyat ng pagsisimula ng Araw ng Bagong Buwan sa bukang-liwayway matapos ang pang-ugnay na nagtitiyak sa lahat ng nasa lupa na sisimulan ang kanilang araw sa loob ng kaparehong panahon ng 24 oras. Dahil dito, wala nang kailangan pa ano pa man para sa huwad na date line ng tao.
Kung ang mga araw ng kapistahan ng Ama ay hindi nakalimutan at ang Kanyang kalendaryo ay hindi pinabayaan, walang dahilan para ipamanhikan ang IDL na gawa ng tao.
Paano ikumpara ang International Date Line sa Luni-Solar Date Line?
(1a) Ang International Date Line ba ay batay sa mapapansing palatandaan?
Hindi. Ang IDL ay 100% kathang-isip at arbitraryo.
(1b) Ang Luni-Solar Date Line ba ay batay sa mapapansing palatandaan?
Oo. Ito ay batay sa mga paggalaw ng mga makalangit na katawan (alinsunod sa Genesis 1:14).
(2a) Maaari bang baguhin ng tao ang International Date Line?
Oo. Ang mga tao ay binago ang IDL nang ilang beses para sa pulitikal o pangkabuhayang kaluwagan.
(2b) Maaari bang baguhin ng tao ang Luni-Solar Date Line?
Hindi. Dahil ang Luni-Solar Date Line ay tinukoy ng mga makalangit na katawan, ito’y wala sa abot ng tao. Ang Luni-Solar Date Line ay nasa ilalim ng direktang pamamahala ni Yahuwah Ama, na ang karunungan ay itinatag ang lupa at sa pamamagitan ng kaunawaan ay itinatag ang kalangitan. (Kawikaan 3:19)
(3a) Sino ang lumikha ng International Date Line?
Ang IDL ay nilikha ng isang komite ng mga tao sa Washington, D.C.
(3b) Sino ang lumikha ng Luni-Solar Date Line?
Ang Luni-Solar Date Line ay itinatag ni Yahuwah. Ito’y tinukoy sa pagsisimula ng bawat lunasyon sa pamamagitan ng mga paggalaw ng mga makalangit na katawan (alinsunod sa Genesis 1:14).
(4a) Kailan itinatag ang International Date Line?
Ang IDL ay itinatag noong 1884.
(4b) Kailan itinatag ang Luni-Solar Date Line?
Ang Luni-Solar Date Line ay itinatag sa Paglikha sa pamamagitan ng ordinasyon ng araw at buwan.
Aling date line ang inaakala mo na itinataguyod ng Langit?
International Date Line |
Luni-Solar Date Line |
Kathang-Isip at Arbitraryo |
Totoo; makatuwirang itinatag sa pamamagitan ng mapapansing palatandaan sa kalangitan. |
Maaaring baguhin ng mga tao (Ang IDL ay inilipat nang ilang beses para sa pulitikal o pangkabuhayang kaluwagan.) |
Hindi maaaring baguhin ng mga tao (Dahil ang Luni-Solar Date Line ay tinukoy ng mga makalangit na katawan, ito’y wala sa abot ng tao. Ang Luni-Solar Date Line ay nasa ilalim ng direktang pamamahala ni Yahuwah Ama.) |
Nilikha ng isang komite ng mga tao na nagtipun-tipon sa Washington D.C. |
Itinalaga ng Manlilikha (Ang Luni-Solar Date Line ay itinatag sa pagsisimula ng bawat lunasyon sa pamamagitan ng mga paggalaw ng mga makalangit na katawan, alinsunod sa Genesis 1:14.) |
Itinatag noong 1884. |
Itinatag sa Paglikha |
Gumising...
Marami, sa kasalukuyan, ang nagigising sa mga hating-patotoo at tahasang kasinungalingan na ipinahayag sa loob ng institusyonal na simbahan at bumabalik sa tipan na torah. Sila’y naliwanagan sa palagiang kalikasan ng mga araw ng kapistahan ni Yahuwah at masigasig na nagtataguyod ng isang pagbabalik sa bukod na pamumuhay at ang pagtalima ng lahat na inutos ni Yahuwah. Madalas makaligtaan, gayunman, ay ang kalendaryo na ginagamit upang kalkulahin ang mga araw ng kapistahan ay hindi mababawi na pagano. Hindi lamang iyon, kundi ito rin ay hindi maiiwasang nakabatay sa International Date Line. Ito ay isang napakalaking problema para sa mga nag-aangkin sa Kasulatan lamang. Upang masigasig na ipahayag na sola scriptura9 habang ginagawa ang mga araw ng kapistahan ni Yahuwah na sunud-sunuran sa International Date Line na gawa ng tao ay sukdulang pasalungat. Huminto mula sa isang minuto at pag-isipan ang tungkol rito. Paano ang mga Sabbath at mga taunang kapistahan ay maaaring nakabatay sa isang higit 130 taong gulang na imbensyon ng tao?
Upang masigasig na ipahayag na sola scriptura habang ginagawa ang mga araw ng kapistahan ni Yahuwah na sunud-sunuran sa International Date Line na gawa ng tao ay sukdulang pasalungat.
Ang SDAs at ang International Date Line: Nagbibigay-Malay na Disonansya sa Sukdulan Nito
Ang Simbahang Seventh-day Adventist ay pinagpala ng isang kayamanan ng patotoo ng Kasulatan. Isang lugar, sa partikular, ay ang kanilang pagkilala ng lubusang mahalaga na pagpapanatili ng araw ng Sabbath na banal. Nakalulungkot, gayunman, ang mga SDAs ay matatag na tinanggihan ang kabuuan ng mga mensahe ng tatlong anghel ay ang lumalagong liwanag ng Biblikal na kalendasyon. Dahil dito, sila’y nagpapatuloy sa bulag na pagkapit sa tagilid na teolohiya ng pagtataas ng Araw ng Sabado ng Kapapahang Gregorian (sapagkat tinukoy ng IDL na gawa ng tao) habang nag-aangkin na ang Kasulatan bilang nag-iisang tuntunin ng pananampalataya at tungkulin.
Isang Malapit na Pagtanaw sa Teolohiya ng SDA
Kung ikaw ay isang SDA, kami’y maninikluhod nang may kababaang-loob na tumigil at pag-isipan ang tungkol rito para sa isang sandali: Kung ang huling sagupaan ay kasing-simple lamang ng Araw ng Sabado laban sa Araw ng Linggo, paano ito maaari na ang tanging pagkakaiba sa pagitan ng mga araw na ito ay isang kathang-isip na linya na binuo ng isang komite ng mga tao sa Washington D.C.? |
Ang Seventh-day Adventists (mga Sabadista) ay masigasig na inaangkin na ang araw ng Sabado ay ang Biblikal na Sabbath (“ang selyo ni Yahuwah”) at ang araw ng Linggo ay ang paganong araw ng pagsamba (ang “tanda ng halimaw”), subalit ipinapagsawalang-bahala ang katunayan na ang IDL na gawa ng tao lamang ang naghihiwalay sa dalawang araw. Kinikilala nila ang kahalagahan ng pagpapanatili ng Sabbath at ang lubhang kamalian ng pagtataas ng paganong araw ng araw, ngunit wala silang problema sa pagpapahintulot sa mga tao na tukuyin kung kailan ang ikapitong araw ay nagtatapos at ang sumusunod na araw ay nagsisimula (gamit ang International Date Line). Ito’y walang saysay. Ang tanging pagkakaiba lamang sa pagitan ng “Selyo ni Yahuwah” at “Tanda ng Halimaw” sa teolohiya ng SDA ay ang date line na gawa ng tao. Kung ikaw ay isang SDA, kami’y maninikluhod nang may kababaang-loob na tumigil at pag-isipan ang tungkol rito para sa isang sandali: Kung ang huling sagupaan ay kasing-simple lamang ng Araw ng Sabado laban sa Araw ng Linggo, paano ito maaari na ang tanging pagkakaiba sa pagitan ng mga araw na ito ay isang kathang-isip na linya na binuo ng isang komite ng mga tao sa Washington D.C.? At kung ang araw ng Sabado ay ang sinaunang Sabbath ng Kasulatan, bakit ito eksklusibong pinamamahalaan ng isang imbensyon na ginawa noong 1884?
Nasa Paggalaw
Ang International Date Line ay inilipat para sa kaluwagan nang ilang beses buhat nang pagsisimula nito. Hindi lamang ito, kundi maging ang hindi opisyal10 na pansamantalang linya na nauna sa IDL ay binago sa hindi bababa sa dalawang pagkakataon:
Ang daan ng pansamantalang petsa matapos ang pagsasaayos ng Alaska noong 1867, ngunit pinababayaan ang pagsasaayos ng Pilipinas ng taong 1844/45, sapagkat nailathala sa ikaapat na edisyon (1885-90) ng Meyers Konversationslexikons (mga longhitud na kinalkula mula sa mga meridian ng Ferro at Paris) Pinagkunan: https://www.staff.science.uu.nl/~gent0113/idl/idl_philippines.htm |
Ang Pilipinas: Noong 1844, ang Pilipinas (kasama ang mga Isla ng Mariana, Guam, at ang mga isla ng Caroline) ay tinanggal ang araw ng Martes, Disyembre 31 mula sa kalendaryo nito, lumilipat sa pinaniwalaang date line sa silangan. Dahil dito, anong unang kinilala bilang araw ng Biyernes, ay naging araw ng Sabado, at anong unang kinilala bilang araw ng Sabado, ay naging araw ng Linggo. Ang mga SDAs sa Pilipinas ay binalewala ang palaisipang ito nang ganap, gayunman, sa pagsamba sa bagong araw ng Sabado at nagmamataas, “Ang aming Sabbath ay ang Sabbath ng Bagong Tipan.”11 Sa kawalan, ang teolohiya ng SDA ay hinihingi na iyong mga itataas ang anong unang kinilala bilang araw ng Sabado (ang bagong araw ng Linggo) ay nasa panganib ng pagtanggap ng “tanda ng halimaw.” Ito ay hindi makatuwiran at wala sa pagkakatugma. Paano ang isang matapat na naghahangad ng katotohanan ay nagpapatuloy sa maling doktrina ng isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot sa harap ng ganoong napakalinaw na ebidensya sa salungat?
Alaska: Noong binili ng Estados Unidos ang Alaska mula sa Rusya noong 1867, ang pinaniwalaang linya ay inilipat sa kanluran. Dahil dito, ang Alaska ay nagsiyasat ng dalawang magkasunod na araw ng Biyernes.
Sa pagdikta ng Secretary of State ng Estados Unidos na si William Seward, ang Senado ng Estados Unidos ay pinagtibay ang pagbili sa Alaska mula sa Rusya sa halagang $7,200,000 noong Abril 9, 1867, at ang watawat ng Amerika ay itinaas noong Oktubre 18 ng kaparehong taon (ngayo’y tinatawag na Araw ng Alaska). Kasabay sa pagbabago ng may-ari, ang talagang International Date Line ay inilipat pakanluran, at ang Alaska ay binago mula sa kalendaryong Julian tungo sa kalendaryong Gregorian. Dahil dito, para sa mga residente, ang araw ng Biyernes, Oktubre 6, 1867 ay sinundan ng araw muli ng Biyernes, Oktubre 18, 1867; dalawang magkasunod na araw ng Biyernes dahil sa paglilipat ng linya ng petsa.12
Ibig sabihin nito’y anong naunang kinilala bilang araw ng Sabado, ay naging araw ng Biyernes, at anong naunang kinilala bilang araw ng Linggo, ay naging araw ng Sabado. Pag-isipan ang tungkol rito; ang mga sumasamba sa araw ng Sabado sa Alaska ngayon ay sumasamba sa anong araw ng Linggo, 150 taon lamang ang nakalipas. Muli, ang mga epekto para sa simbahang SDA ay napakalaki dahil ang kanilang teolohiya ay iginigiit na iyong mga nananatili sa pagtalima sa araw ng Linggo ay matatanggap ang tanda ng halimaw sa huli. Paano ito, na 150 taon lamang ang lumipas, ang kanilang araw ng pagsamba (araw ng Sabado) ay araw ng Linggo? Ang katapatan ay humihingi na ang mga matatapat ni Yahuwah ay kinikilala ang kapansin-pansing kamalian ng paggawa sa mga banal na araw ng Langit na sunud-sunuran sa isang date line na gawa lamang ng tao.
Mga Islang Samoan at Tokelau: Noong 1892, ang IDL ay inilipat sa kanluran ng mga Islang Samoan. Ito’y nakamit sa pagsiyasat ng araw ng Lunes, Hulyo 4 para sa dalawang magkasunod na mga araw sa mga isla. 119 taon ang nakalipas, noong 2011, ang Samoa ay inilipat muli ang IDL sa silangan sa pagtanggal ng araw ng Biyernes, Disyembre 30 mula sa kalendaryo nito. Ang Tokelau, isang malapit na isla na nabibilang sa New Zealand, ay ginawa rin ang paglipat. Ngayon, ang IDL ay nasa pagitan ng mga isla ng Samoa at Amerikanong Samoa.
Ang karamihan sa mga SDAs sa Samoa ay kasalukuyang sumasamba sa bagong araw ng Linggo dahil, sinasabi nila, ang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay anong mahalaga. Ngunit, binabalewala nila ang katunayan na ang paglipat noong 2011 ay hindi lamang ibinabalik ang Samoa sa sanlinggo ng kalendaryo na siniyasat nito bago ang 1892, Ito ay sukdulang walang saysay at muli, ginagawang malinaw ang kamalian ng pag-aangkin na ang modernong sanlinggo ay umiikot nang tuluy-tuloy at walang pagkaantala buhat ng Paglikha.
Ayon sa teolohiya ng SDA, ang selyo ni Yahuwah (pagtalima sa ikapitong araw ng Sabbath) at ang tanda ng halimaw (pagtalima sa araw ng Linggo) ay marapat na isa at magkapareho sa Samoa. Ito, lamang, ay sapat na upang gumawa ng matapat na muling pagsusuri ng SDA sa kanilang paradaym. (Ipinahiwatig na Pagbabasa: Pagbabago ng Pandaigdigang Linya ng Petsa: Ang Shabbath Di Nagbago?) |
Kwajalein Atol: Noong 1993, ang Kwajalein (isa sa mga isla sa Marshall) ay tinanggal ang araw ng Sabado, Agosto 21 mula sa kalendaryo nito, nagdudulot sa IDL na ilipat sa silangan. Ito’y naghatid sa Kwajalein tungo sa pagkakatugma sa ibang isla na, hanggang sa puntong iyon, ay nasa isang naiibang araw.
Silangang Kiribati: Noong 1995, inilipat ng Kiribati ang IDL sa silangan para sa “administratibong kaluwagan.”13 (Bago nito, ang Republika ng Kiribati ay hinati ng date line.)
Ang Mga Modernong “Hudyo” Ay Inaamin Ang Isang Problema
Sa loob ng modernong Hudaismo, mayroong apat na pangunahing kuro-kuro14 tungkol sa kung saan dapat ang date line:
- 90° Silangan ng Jerusalem
- 180° Silangan ng Jerusalem
- Gitnang Pasipiko: Halos kahawig ng International Date Line
- Walang tiyakang Date Line (magsiyasat kapag ginagawa ng lokal)
Habang walang lehitimong naghahangad ng patotoo ang dapat na maghanap sa mga Ashkenazi “Hudyo” para sa anumang bagay, ang katunayan na mayroong anumang pagtatalo ano pa man sa mga mapagbansag na rabi ay nagpapahiwatig ng isang mas malaking problema.
Ang Mga Patnyarka At Mga Propeta
Kaya, paano ang mga Patnyarka at mga Propeta ay napamahalaan ang oras? Maniniwala ba tayo na ang mga tauhan ni Yahuwah at ang mga patnyarka o propeta matapos ang pagbaha ay gumamit ng isang pabagu-bagong kathang-isip na linya ng petsa sa kalagitnaan ng tinatawag ngayong Karagatang Pasipiko upang tukuyin kung kailan ang mga Sabbath at mga araw ng kapistahan ay darating? Ito’y tunay na baligho. Muli, ang modernong linya ng petsa ay nilikha noong 1884 ng mga tao para sa layunin ng pandaigdigang komersyo.
Mga Inapo ni Noe
Pag-isipan ang tungkol rito sa isang sandali: Noong nagsimula ang pamilya ni Noe na magpalago at lagyang muli ang lupa matapos ang pagbaha, ang ilan ay maglalakbay sa silangan at ang ilan pa ay maglalakbay sa kanluran. Sa huli, ang dalawang pangkat ay magtatagpo sa kabilang panig ng daigdig.15 Ngayon ay isaalang-alang ito: Kung mga inapo ni Noe ay nagsisiyasat ng isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot, sila’y isang araw sa kalendaryo na hiwalay kapag sila’y nagtagpo sa ibang dako (iyon ay isang pangkat ay nagsisiyasat ng ikaanim na araw, habang ang ibang pangkat ay nagsisiyasat ng ikapitong araw). Ang dahilan para rito ay iyong mga naglalakbay sa silangan ay naglalakbay tungo sa sumisikat na araw (sinisimulan ang kanilang mga araw nang maaga sa bawat pagkilos sa silangan), habang iyong mga naglalakbay sa kanluran ay naglalakbay tungo sa lumulubog na araw (sinisimulan ang kanilang mga araw nang huli sa bawat pagkilos sa kanluran). Dahil dito, kapag ang dalawang pangkat ay nagtagpo sa kabilang panig ng daigdig, iyong mga naglalakbay sa silangan ay isang araw ang lamang sa mga naglalakbay sa kanluran. Kaya, sino ang tama? Kaninong kalendaryo ang tama? Ang kasagutan: Kung sila’y nagsisiyasat ng isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot, sila’y parehong tama, na hindi posible. Ito muli ay ipinapakita ang kamalian ng isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot.
Tanong: Kung ang mga sinaunang kalalakihan at kababaihan ni Yahuwah ay hindi gumagamit ng huwad na date line upang sukatin ang oras, ano ang kanilang ginagamit?
At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon. (Genesis 1:14)
Sagot: Sila’y gumagamit ng Luni-Solar Date Line, na itinatag sa bawat lunasyon ng “mga tanglaw sa kalawakan ng langit.” Kung ang nagkakamaling tao ay hindi inabandona ang kalendaryo ng Langit at pinabayaan ang mga araw ng kapistahan ni Yahuwah, ang huwad na date line ay hindi na kailangan. Ang IDL na gawa ng tao ay ang resulta ng bukas na rebelyon laban sa Langit.
Hamon Para Sa Lahat Ng Mga Sumasamba Sa Araw Ng Sabado (kabilang ang mga guro at mga pastor):
Tanong: Paano mo maaaring tuluy-tuloy na masiyasat ang isang araw ng Sabado na Sabbath nang hindi gumagamit ng International Date Line na gawa ng tao?
Sagot: Hindi mo maaaring gawin. Hindi mapabubulaanang imposible na gamitin ang Romano Kapapahang Kalendaryong Gregorian nang hindi gumagamit ng date line na gawa ng tao – sapagkat ito mismong linya ng petsa ang nagsasabi sa iyo kung kailan lilipat mula sa isang araw patungo sa susunod; ito mismong linya ng petsa ang nagsasabi sa iyo kung anu-anong mga araw ang kikilalanin bilang banal, at anu-anong araw ang ipapalagay na karaniwan. Ito marahil ay hindi gumagawa ng pagkakaiba sa institusyonal na mga simbahang sumasamba sa araw ng Linggo na nagtuturo ng katampalasanan, ngunit ang mga masigasig sa mga bagay ni Yahuwah at sinumang kinikilala ang walang hanggang kahalagahan ng Kanyang mga Sabbath at mga araw ng kapistahan, itong lahat ay gumagawa ng pagkakaiba sa sanlibutan!
Kung tayo’y paglilingkuran ang Ama nang walang kompromiso, dapat nating pahintulutan ang Kanyang salita lamang upang ipakilala sa atin kung ano ang banal at ano ang karaniwan. Iyon ay sinasabi na dapat nating gamitin ang kalendaryo at linya ng petsa ng Langit upang tukuyin ang pagdating ng mga Sabbath at mga araw ng kapistahan, hindi ang huwad na linya ng petsa ng tao na pabagu-bago ang landas nito sa Karagatang Pasipiko sa loob ng mahigit 130 taon.
Magtanong ng Katanungan Kung ikaw ay sumasamba sa araw ng Sabado, tanungin ang iyong pastor, “Paano natin tuluy-tuloy na masisiyasat ang isang araw ng Sabado na Sabbath nang hindi gumagamit ng isang 130 taong gulang na International Date Line na gawa ng tao?” Kung siya’y matapat, dapat niyang tanggapin na ito’y imposible. Ang buong mundo ay hindi maaaring magkaisa sa pagsiyasat ng isang araw o petsang Gregorian nang hindi gumagamit ng International Date Line. Ang tanong na makatuwirang sumusunod ay, “Paano ang araw ng Sabado ay ang itinalaga ng Langit na ikapitong araw ng Sabbath?” Imposible lamang ito; kung ang araw ay mahalaga, pagkatapos ang pamamaraan na ginamit upang kalkulahin ang araw ay mahalaga rin, syempre. Hindi maaaring umiral ito nang sabay, iyon ay hindi mo maaaring sabihin na ang ikapitong araw ng Sabbath ay sukdulan ang kahalagahan sa ating Ama sa Langit, habang sinasabi na katanggap-tanggap na hayaan ang mga makamundong tao na tukuyin kung kailan nagsisimula at nagwawakas ang Sabbath (sa pamamagitan ng International Date Line). |
Yakapin Ang Katotohanan
Ngayon na ang iyong mga mata ay nabuksan sa panlilinlang ng modernong kalendaryo, ano ang gagawin mo? Susunod ka ba agad at sisimulang pag-aralan at siyasatin ang kalendaryo ng Langit? O ikaw ay sutil na tatakpan ang iyong mga tainga, babalutin ang iyong mga mata, at tatalikod sa liwanag? Dadalhin mo ba ang iyong krus at susundan ang Kordero saanman siya patungo? O ikaw ay uurong sa imbitasyon at babalik sa kaluguran at kadiliman kung saan ka unang tinawagan? Nasa aming panalangin na ikaw ay iiwas sa diwa ng Laodicea at lalabas ng Babilonya habang mayroon pang panahon.
Pakiusap na huwag gumawa ng pagkakamali ng paniniwala na mayroong kaligtasan sa maraming bilang. Ang iyong pastor ay maaaring piliing manatili sa kadiliman. Ang iyong kapamilya sa simbahan ay maaaring piliin ang kaginhawaan ng bangkuan sa simbahan sa halip na kahirapan ng pagdadala ng krus. Ang lahat na kilala mo ay maaaring tanggihan ang huling ulan at ang lumalagong liwanag ng kalendaryo ng Ama. Ito, gayunman, ay hindi nagpapalusot sa iyo mula sa tungkulin na yakapin ang katotohanan. Ginawang kilala ito sa iyo ni Yahuwah. Hindi madalumat na mga pagpapala ang naghihintay sa mga nanalig at tumalima.
Nguni’t ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. (Kawikaan 4:18)
Nauugnay na Nilalaman:
- Sabbath (Direktoryo ng Nilalaman)
- Mga Taunang Pista (Direktoryo ng Nilalaman)
- Ang Kalendaryo ng Manlilikha (Direktoryo ng Nilalaman)
- Pagbabago ng Pandaigdigang Linya ng Petsa: Ang Shabbath Di Nagbago?
1 “Ang International Date Line ay hindi itinatag nang opisyal hanggang 1880s, ngunit ang pangangailangan para sa ganoong linya sa daigdig upang ayusin ang araw ay hindi sinasadyang natuklasan ng mga tauhan ni Magellan na, mula 1519 hanggang 1521, ay ang kauna-unahang umikot sa mundo.” (Peterson, James F., Sack, Dorthy., Gabler, Robert E.. “Physical Geography.” 11th ed. Cengage Learning, Feb. 4, 2016. Education. 672 pp. p. 34. http://tinyurl.com/kps2efn, nakuha noong Mayo 11, 2017.)
2 National Oceanic and Atmospheric Administration, http://oceanservice.noaa.gov/facts/international-date-line.html, nakuha noong Abril 29, 2017.
3 Ang Greenwich meridian (Prime Meridian) ay itinatag noong 1851 ni Ginoong George Biddell Airy, isang Ingles na matematiko at astronomo. Ito ay ang Greenwich meridian na kasalukuyang nagtatatag ng Coordinated Universal Time (UTC). Ang pagpili sa Greenwich bilang punto ng angkla para sa pagsusukat ng oras “ay arbitraryo. Ito ay higit na batay sa pambansang kapurihan at kaluwagan.” (http://www.livescience.com/44292-international-date-line-explained.html, kinuha noong Abril 29, 2017.)
4 http://www.livescience.com/44292-international-date-line-explained.html, kinuha noong Abril 29, 2017.
5 Astronomical Applications Department of the U.S. Naval Observatory, http://aa.usno.navy.mil/faq/docs/international_date.php, kinuha noong Mayo 8, 2017.
6 Ang araw, sapagkat sa mas mabilis na paggalaw nito, ay lumalamang sa buwan ng mga 12.2° bawat araw. Dahil dito, ito’y lumalayo sa buwan kaya ito’y umiikot sa likod nito at lumalampas muli rito matapos ang mga 29.5 araw (12.2° x 29.5 = 360° = isang buong kabilugan). Ang luni-solar na pang-ugnay ay ang tumpakang sandali sa panahon kung kailan ang araw ay muling nasa pagkakahanay sa buwan (ang kaparehong makalangit na longhitud) bago pa uli ito mauna sa buwan sa pagsisimula ng susunod na lunar na pag-ikot. Ang oras ng pang-ugnay ay madalas tinukoy bilang astronomikong “bagong buwan.”
7 Ang salitang isinalin bilang “panahon” sa Genesis 1:14 ay mo’ed. “Ginamit ang Mo’ed sa isang malawak na kahulugan para sa lahat ng pagtitipong pangrelihiyon. Kasama ni [Yahuwah] ang Israel sa tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kaloob. Ito ay karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan ni Yahuwah.” (“Lexical Aids to the Old Testament,” Hebrew-Greek Key Word Study Bible, p. 1626.)
8 Habang magagamit namin ang mga modernong teknolohiya upang tukuyin nang tumpakan kung kailan ang pang-ugnay ay magaganap, hindi namin ginagamit ang date line na gawa ng tao; sa halip, gumagamit kami ng mga makalangit na katawan lamang upang kalkulahin ang oras, gaya ng itinuro sa amin sa Genesis 1:14. Ang mga sinauna ay mas matalino at nasa pagkakatugma sa kalangitan kaysa sa atin ngayon. Ito ay malinaw sa mga hindi mabilang na mga sinaunang istruktura sa iba’t ibang panig ng mundo na maaaring tumpak na mahulaan ang mga eklipse, equinox, solstice, atbp. Dahil dito, magagawa nilang mahulaan nang tumpak ang mga makalangit na kaganapan nang hindi gumagamit ng mga modernong tulong.
9 Sola Scriptura ay ang sigaw ng pagkakaisa ng Repormasyong Protestante. Ito ay isang pariralang Latin, nangangahulugang “Kasulatan lamang.”
10 “Ang pangangailangan ng isang linya ng petsa ng kalendaryo ay pinasikat ng mga heograpo ng ika-13 siglo na namangha kung paano ang isang sirkum na manlalakbay ay ‘makabalighuan’ na makuha o mawalan ng isang petsa batay sa kanyang direksyon ng paglalakbay. . . . Iba’t ibang mga papa at mga imperyo dahil dito’y nagpahayag ng mga linya ng petsa ng kalendaryo alinsunod sa kanilang mga pangangailangan.” (The Jerusalem Post [binigyang-diin], http://www.jpost.com/Jewish-World/Judaism/Ask-the-Rabbi-A-matter-of-time-167236, kinuha noong Mayo 18, 2017.)
11 http://adventist.ph/philippines-profile, kinuha noong Mayo 8, 2017.
12 https://en.wikipedia.org/wiki/Department_of_Alaska, kinuha noong Mayo 12, 2017.
13 Sinipi ng BBC News si Michael Walsh, ang Konsul ng Kiribati sa UK, http://www.bbc.com/news/world-13334229, kinuha noong Mayo 13, 2017.
14 http://www.chabad.org/library/article_cdo/aid/1736567/jewish/The-Sabbath-the-International-Date-Line-and-Jewish-Law.htm, kinuha noong Mayo 18, 2017.
15 Ang naitalang paglalarawan ay hindi tiyak sa isang globo. Kung ang parehong pangkat ay nagsisimula sa kaparehong punto at kumikilos sa magkasalungat na mga direksyon sa patag na daigdig, sila’y isang araw ang pagitan kapag sila’y nagtagpo sa ibang panig ng patag na daigdig. “Ang dahilan para rito ay iyong mga naglalakbay sa silangan ay naglalakbay tungo sa sumisikat na araw (sinisimulan ang kanilang mga araw nang maaga sa bawat pagkilos sa silangan), habang iyong mga naglalakbay sa kanluran ay naglalakbay tungo sa lumulubog na araw (sinisimulan ang kanilang mga araw nang huli sa bawat pagkilos sa kanluran).” Nauugnay na Nilalaman o Paglalarawan: https://www.worldslastchance.com/flat-earth/countless-explorers-have-circumnavigated-the-globe.html