Ang Pagpako sa Krus: Pinabulaanan ang Patuloy na Sanlingguhang Pag-Ikot
Ang “70 Sanlinggo” na propesiya ng Daniel 9 ay isa sa pinaka kapansin-pansing propesiya sa lahat ng Kasulatan, sapagkat hindi magagaping tinukoy nito ang mga tumpak na taon ng bautismo at pagpako sa krus ng Tagapagligtas. Nakalulungkot, marami ang malamang lubos na hindi nauunawaan1 ang dakilang propesiyang ito o nakaliligtaan ang mga mas malalaking implikasyon nito. Isang malapit na pagsisiyasat ng “70 Sanlinggo” ni Daniel ay pinabubulaanan ang isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” at ang palagay na ang modernong pitong araw na sanlinggo ay patuloy na umiikot nang walang pagkaantala mula pa noong Paglikha! |
Ang Propesiya ng 70 Sanlinggo (Daniel 9:24-27)
Sa ika-siyam na kabanata ng Daniel, natagpuan natin ang propeta na gumagawa ng lubos na madamdaming apela kay Yahuwah sa ngalan ng Jerusalem at ang mga ipinatapong anak ni Israel, sapagkat siya ay kamakailan lang nakatanggap ng isang lubos na nakababahalang pangitain (Daniel 8), ang kahulugan ay hindi ganap na nauunawaan. Habang nananalangin si Daniel, ang anghel na si Gabriel ay nagpakita sa kanya at nagsimula sa pagpapaliwanag sa bawat detalye ng mga pagsasaoras ng mga pangyayari na mangunguna sa propetikong paglilinis ng santuwaryo.2 Ang pagpapaliwanag na walang alinlangan na malinaw na ito ay ang mga tumpak na taon ng bautismo at pagpako sa krus ni Yahushua. Nagsimula si Gabriel sa pagsabi kay Daniel:
Pitong pung sanlinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan. (Daniel 9:24) |
Narito, ginawang malinaw ng Langit na ang 70 propetikong sanlinggo ay tinukoy para sa bayan ni Daniel (ang mga Hudyo) at para sa banal na siyudad (ang Jerusalem) kung saan ang mga sumusunod ay dapat na matupad:
- tapusin ang pagsalangsang
- wakasan ang pagkakasala
- linisin sa kasamaan
- dalhan ng walang hanggang katuwiran
- tatakan ang pangitain at ang panghuhula
- pahiran ang kabanalbanalan
Bago sumulong, kinakailangan na maunawaan natin ang kahalagahan ng isang propetikong sanlinggo. Kapag nag-aaral ng propesiya, palagi nating dapat na pahintulutan ang Bibliya na magpaliwanag sa sarili nitong Kasulatan. Si Yahuwah ay nagbigay sa Kanyang salita ng pagpapaliwanag para sa bawat simbulong ginamit ng mga propeta. Sa Kasulatan, ang isang propetikong araw = isang literal na taon.
. . . Bawa't araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo. (Ezekiel 4:6)
Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong tataglayin ang inyong mga kasamaan . . . (Tingnan ang Mga Bilang 14:34.)
Mula rito, pagtitibayin natin ang sumusunod:
- Isang propetikong sanlinggo = 7 propetikong araw = 7 literal na taon
- 70 propetikong sanlinggo = 490 propetikong araw = 490 literal na taon
Ngayon, tayo’y magpatuloy sa susunod na berso ng propesiya. Sa berso 25, sinimulan ni Gabriel sa pagpapaliwanag ang dakilang detalye ng kalikasan at pagsasaoras ng mga pangyayari na nagaganap sa panahon ng 70 propetikong sanlinggo. Ang tagapagbalita ni Yahuwah, dito, ay nagsisimula sa pagbibigay ng punto ng pagsisimula at pagtatapos para sa unang 69 propetikong sanlinggo ng bilang.
Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa Mesias na Prinsipe, magiging pitong sanlinggo, at anim na pu't dalawang sanlinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag. (Daniel 9:25) |
Narito, natutunan natin na mula sa “utos na isauli at itayo ang Jerusalem” hanggang sa pagdating ng Mesias ay tumatagal ng 69 na propetikong sanlinggo (7 sanlinggo + 62 sanlinggo). Ito ay katumbas ng 483 literal na taon.
- 69 na propetikong sanlinggo = 483 propetikong araw (69 na sanlinggo x 7 araw) = 483 literal na taon
Mayroong apat na pangyayari na maaaring kunin bilang tugon sa “utos na isauli at itayo ang Jerusalem.” Ang mga ito ay:
- Ang utos ni Cyrus na muling itayo ang tahanan ni Yahuwah noong 536 BC. (Ezra 1:1-4)
- Ang utos ni Darius na ipagpatuloy ang gawa na pinigilan noong 519 BC. (Ezra 6:1-12)
- Ang utos na ibinigay ni Artaxerxes kay Ezra noong 457 BC. (Ezra 7)
- Ang komisyon ni Nehemias mula kay Artaxerxes noong 444 BC. (Nehemias 2)
Tatlo sa apat na kautusang ito ay maaari na nating iwaksi.
Ang utos ni Cyrus noong 536 BC at ang utos ni Darius noong 519 BC ay dapat na ipawalang-saysay mula sa umpisa dahil ang pagbibilang ng 483 taon mula sa alinman sa mga kautusang ito ay kukulangin sa pagdating ng Mesias na nagtiyak ng punto ng kawakasan ng unang 69 na propetikong sanlinggo. Ang pagbibilang ng 69 na propetikong sanlinggo mula sa kautusan ni Cyrus ay magdadala sa atin sa 53 BC. Ang pagbibilang ng 69 na propetikong sanlinggo mula naman sa kautusan ni Darius ay magdadala sa atin sa 36 BC. Muli, parehong kinapos at dapat na iwaksi.
Ang ikatlong komisyon na maaari nating iwaksi ay ang ibinigay kay Nehemias ni Artaxerxes noong 444 BC. Habang ang hari ay pinahintulutan si Nehemias na bumalik sa Jerusalem, lumilitaw na walang opisyal na kautusan. Nagbigay lamang ng pahintulot si Artaxerxes sa personal na hiling ni Nehemias na bumalik sa Jerusalem para sa isang tiyak na panahon. Noong dumating si Nehemias sa Jerusalem, nakita niya ang mga tao na nagtatrabaho na sa muling pagtatayo ng siyudad. Sila’y malinaw na gumagawa sa utos na ibinigay kay Ezra, labing tatlong taon ang nakalipas. Natapos ni Nehemias ang gawa na hiniling niyang matupad sa Jerusalem matapos lamang ang 52 araw (Nehemias 6:15).
Ginagawa nitong malinaw kung alin sa mga kautusan ang magiging punto ng pagsisimula para sa 70 propetikong sanlinggo, ang unang 69 na umaabot sa pagdating ng Mesias: Ang utos na ibinigay ni Artaxerxes kay Ezra noong 457 BC.3
Si Artaxerxes (Artajerjes), na hari ng mga hari, kay Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng [Eloah] ng langit, na sakdal at iba pa. Ako'y gumagawa ng pasiya, na silang lahat na sa bayan ng Israel, at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita, sa aking kaharian, na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem, ay magsisama sa iyo. (Tingnan ang Ezra 7:12-13.)
Ngayon, naitatag na natin nang may katiyakan kung kailan nagsimula ang 70 propetikong sanlinggo, pasulong nating bilangin ang 69 na sanlinggo (483 taon) upang makita kung dinadala tayo nito tungo sa panahon ng Mesias gaya ng nahulaan ng anghel.
Bilangin ang 483 taon mula sa 457 BC at ito ay magdadala sa atin sa 27 AD.
-457 + 483 = 26 AD
Gayunman, dapat tayong magdagdag ng isang taon dahil walang taon na 0.
26 AD + 1 Taon = 27 AD
Anong nangyari noong 27 AD? Si Yahushua, ang Mesias, ay binautismuhan! “Ang Kabanal-banalan” ay pinahiran (Daniel 9:24) sa eksaktong panahong tiniyak ni Gabriel.
Alam ninyo na ipinahayag ang salitang iyon sa buong Judea . . . pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan kung paanong si Yahushua na taga-Nazareth ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. . . (Tingnan ang Mga Gawa 10:37-38.)
Nalalaman ni Yahushua nang mabuti na ang unang 69 na sanlinggo ng propesiya ni Daniel ay natupad sa kanyang bautismo, sapagkat pagkatapos nito ay magsisimula siyang manawagan sa mga tao para sa pagsisisi, sinasabing “dumating na ang takdang panahon at malapit na ang paghahari ni Yahuwah.” (Marcos 1:15)
Nakatitiyak tayo na ang taong 27 AD ay ang taon ng bautismo ni Yahushua dahil sinabi sa atin ni Lucas na ito’y naganap sa ika-15 taon ng pamumuno ni Tiberio Caesar.
Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio Caesar . . . (Lucas 3:1)
Nang mabautismuhan na ang lahat ng tao, binautismuhan din si Yahushua. Habang siya ay nananalangin, nabuksan ang langit at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. Sinabi ng isang tinig mula sa langit, Ikaw ang pinakamamahal kong anak. Sa iyo ako lubos na nalulugod. (Tingnan ang Lucas 3:21-22.)
Nagsimula ang pamumuno ni Tiberio nang opisyal bilang bise-rehente noong 12 AD at bilang Emperador noong 14 AD.4 Magbilang ng labing-limang taon mula sa 12 AD, ang unang taon ng pamumuno ni Tiberio, ay magdadala sa atin sa taong 27 AD. Ito ay nasa ganap na pagkakatugma sa anong ipinakita ng anghel kay Daniel, 600 taon ang nakalipas!
Sariwain rin ang mga salita ng anghel tungkol sa siyudad ng Jerusalem mismo:
. . . ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag. (Daniel 9:25) |
Ang mga pader ng Jerusalem ay itinayo sa panahon ng unang pitong propetikong sanlinggo (49 na literal na taon) alinsunod sa utos ni Artaxerxes noong 457 BC. Tunay nga, ang mga ito ay “mga panahong mabagabag.” Sinabi ni Nehemias sa atin na, dahil sa walang tigil na banta ng pag-atake, ang mga manggagawa ay “nangagtayo ng kuta, at silang nangagpapasan ng mga pasan ay nagsipagsakbat, bawa't isa'y may isa ng kaniyang mga kamay na iginagawa sa gawain, at may isa na inihahawak ng kaniyang sakbat.” (Nehemias 4:17) Noong 408 BC, ang pagbabalik sa Jerusalem at pagtatayo ng templo ay natapos na.
-457 + 49 = -408 (408 BC)
Kahanga-hanga! Ang propesiya, gayunman, ay hindi pa natatapos dito. Magpatuloy na tayo ngayon sa susunod na berso.
At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanlinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na. (Daniel 9:26) |
Narito, sinabi na sa isang punto matapos matupad ang 69 na propetikong sanlinggo, ang Mesias ay “mahihiwalay” at ang siyudad ay magigiba. Nagpapatuloy sa huling berso ng propesiya, nagbuhos si Gabriel ng liwanag sa mga detalye ng ika-70 propetikong sanlinggo:
At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanlinggo: at sa kalahati ng sanlinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira. (Daniel 9:27) |
Narito, sinasabi ng anghel na sa loob ng ika-70 propetikong sanlinggo, siya (ang Mesias) ay pagtitibayin ang tipan sa marami. Pagkatapos, sinabi naman niya na ang Mesias ay magdudulot sa mga pag-aalay at hain na matigil sa kalagitnaan ng panghuling propetikong sanlinggo na ito.
Una nating siyasatin kung ano ang naganap sa kalagitnaan ng ika-70 sanlinggo. Pasulong na magbilang, pitong taon (isang propetikong sanlinggo) mula sa bautismo ni Yahushua sa taglagas ng 27 AD ay magdadala sa atin sa taglagas ng 34 AD. Ilalagay nito ang kalagitnaan ng ika-70 sanlinggo sa tagsibol ng 31 AD. Anong naganap sa tagsibol ng 31 AD na nagdulot sa mga pag-aalay at hain na matigil? Ang Mesias ay ipinako sa krus sa panahon ng Paskua, at ang tabing ng templo kung saan isinasagawa ang mga pag-aalay ay pinunit mismo ni Yahuwah mula itaas hanggang ibaba!
Muling sumigaw si Yahushua nang napakalakas at nalagot ang kanyang hininga. At biglang napunit sa dalawa ang tabing ng templo, mula itaas hanggang sa ibaba. Nayanig ang lupa, nabiyak ang mga bato. (Tingnan ang Mateo 27:50-51.)
Si Yahushua, ang ating Mesias, ay ang sukdulang alay ng kasalanan kung saan ang lahat ng mga pag-aalay ng hayop na inatasan sa ipinuntong kautusan. Siya ay “mahihiwalay, at mawawalaan ng anoman” (Daniel 9:26); siya ay ipinako sa krus, hindi sa anong nagawa niya, kundi sa anong nagawa mo at nagawa ko.
Itinuring niyang nagkasala siya na hindi nakaranas ng kasalanan, upang sa pamamagitan niya, tayo'y ituring na matuwid sa harapan ni Yahuwah. (Tingnan ang 2 Corinto 5:21.)
Kasunod ng kanyang pagpako sa krus, ang mga pag-aalay sa templo ay titigil na magpakailanman.
Sapagkat hindi kayang pawiin ng dugo ng mga toro at ng mga kambing ang mga kasalanan. Kaya't nang dumating si Kristo Yahushua sa sanlibutan, sinabi niya, ‘Alay at handog, hindi mo kinalugdan, ngunit ipinaghanda mo ako ng isang katawan; sa mga handog para sa kasalanan, sa mga handog na sinusunog, sa mga ito ay hindi ka nalugod.’ Kaya't sinabi ko, ‘Masdan mo, O Yahuwah, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban, gaya ng sinasaad tungkol sa akin, sa balumbon ng Kasulatan.’ Inalis ni Yahuwah ang unang pag-aalay upang bigyang-daan ang pangalawa, ang pag-aalay ni Kristo Yahushua. At dahil sa pagsunod ni Kristo Yahushua sa kalooban ni Yahuwah, tayo'y ginawang banal dahil sa pag-aalay ng katawan ni Kristo, pag-aalay na minsanan at ang bisa ay magpakailanman. (Tingnan ang Hebreo 10:4-10.)
Nalalaman na natin ngayon nang may katiyakan na si Yahushua ay ipinako sa krus noong 31 AD, ngunit sinabi ni Gabriel na ang Mesias ay “pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanlinggo” (ang tagal ng ika-70 sanlinggo ay matatapos sa taglagas ng 34 AD). Paano naging posible iyon? Ang Bagong Tipan na itinuro ni Yahushua sa loob ng tatlo’t kalahating taon ng kanyang paglilingkod ay dinala at isinulong ng mga apostol kasunod ng kanyang pagpako sa krus! Ang imbitasyon na tanggapin ang Bagong Tipan ay pinalawak sa bansang Hudyo hanggang sa taglagas ng 34 AD, habang nasa isang panghuling gawa ng rebelyon laban sa Langit, ang Sanhedrin ay pinatay si Esteban, ang unang Kristyanong martir (Mga Gawa 7). Matapos ihatid ang lubhang makapangyarihang talumpati sa Sanhedrin, ginagawang malinaw ang pagkakasala ng bansang Hudyo sa pagtanggi sa mga propeta ni Yahuwah at sa Mesias, dinakip ng konseho si Esteban at binato.
Ang banal na pagkapukaw ng huling panawagan ni Esteban ay pinagtibay ni Yahuwah noong ang kalangitan ay nabuksan sa kanya at nakita si Yahushua na nakatayo sa kanan ng Ama.
Subalit si Esteban, na puspos ng Banal na Espiritu, ay tumitig sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ni Yahuwah, at si Yahushua na nakatayo sa kanan ni Yahuwah. Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukás ang kalangitan at ang Anak ng Tao na nakatindig sa kanan ni Yahuwah.” (Tingnan ang Mga Gawa 7:55-56.)
Sa halip na magsisi, ang mga kasapi ng Sanhedrin ay naging lubha sa pagkagalit at tumangging makinig. Sila’y walang tigil sa pag-ayaw sa kanilang panghuling pagkakataon na tanggapin ang tipan ni Yahuwah.
Subalit nagtakip sila ng kanilang mga tainga at nagsigawan nang malakas at sama-samang sumugod sa kanya. Pagkatapos, siya'y kinaladkad nila palabas ng lungsod at doo'y pinagbabato. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa paanan ng isang kabataang lalaki na ang pangalan ay Saulo. (Mga Gawa 7:57-58)
(Tandaan: Ang mga kasapi ng konseho ay ibinaba ang kanilang mga damit sa harapan ni Saulo, ang mismong tao na sa sandali ay babaguhin ang pangalan sa Pablo at itatalaga ng Langit na magdadala ng mabuting balita sa mga Hentil.)
Habang ang huling pagpapatibay ng Langit na ang 70 propetikong sanlinggo na inilaan para sa bansang Hudyo at makalupang Jerusalem ay natupad na, ang siyudad at ang templo ay nawasak noong 70 AD gaya ng nahulaan ng anghel.
. . . at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na. (Daniel 9:26) |
Tandaan: “Ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating” ay nangahulugan na ang Roma ay isinagawa ang paghatol ng Langit sa pagkawasak ng makalupang siyudad at templo. “At ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha” ay nangahulugan ng kabilisan kung saan ang paghatol ay bumagsak. “At hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma”: (1) nahulaan ang mabilis na pagkawasak ng Jerusalem, na natupad noong 70 AD; (2) nahulaan ang katunayan na mula sa panahon ng pagkawasak ng templo hanggang sa Katapusan ng panahon [iyon ay ang Muling Pagdating ni Yahushua], ang lupaing sinakop ng sinaunang Israel ay hindi makikita ang kapayapaan at katatagan. Ito ay kinumpirma ngayon ng walang humpay na digmaan sa pagitan ng Israel at mga karatig-bansa nito. Ang pagkawasak na ito ay ipinahiwatig rin sa Daniel 9:27.
Kaya dahil dito, ang 70 propetikong sanlinggo ay natupad sa ganap na detalye at lahat ng ipinahayag ng Langit na magaganap ay matagumpay na nakamit:
- tapusin ang pagsalangsang: nagpahiwatig sa pagkakataon ng bansang Hudyo na wakasan ang kanilang pagsalangsang o rebelyon at tagumpay ni Yahushua laban sa pagsalangsang (kasalanan).
- wakasan ang pagkakasala: nagpahiwatig sa pagkakataon ng bansang Hudyo na magsisi sa kasalanan at tagumpay ni Yahushua laban sa kasalanan.
- linisin sa kasamaan: nagpahiwatig sa paglilinis ni Yahushua para sa kasalanan sa krus.
- dalhan ng walang hanggang katuwiran: nagpahiwatig sa walang hanggang pagkamatuwid na makukuha sa pamamagitan ng pananalig kay Yahushua at kanyang sakripisyo.
- tatakan ang pangitain at ang panghuhula: nagpahiwatig sa ganap na katuparan ng bawat propetikong detalye ng pangitain.
- pahiran ang kabanalbanalan: nagpahiwatig sa pagbuhos kay Yahushua ng Banal na Espiritu.
Ang panahong inilaan para sa bansang Hudyo ay natupad na, ang mabuting balita ay ihahatid na sa mga Hentil. (Tingnan ang Mateo 21:33-43 para sa isang kapansin-pansing talinghaga na nagbibigay ng punto sa panahon kung kailan “ang kaharian ni Yahuwah” ay kukunin mula sa bansang Hudyo at ibibigay sa iba.)
Pagsama-samahin ang lahat ng ito....
Ngayon na naitatag na natin nang may katiyakan na ang 31 AD ay ang taon ng pagpako sa krus ni Yahushua ayon sa Kasulatan, siyasatin naman natin ang mga mas malalaking pagpapahiwatig ng katunayang ito, lalo na ang sanlingguhang pag-ikot ng pitong araw na tinatalima natin ngayon ay hindi umiikot nang walang pagkaantala mula noong Paglikha! Ang modernong kalendaryong Gregorian ay isang huwad.
Ang Pagpako sa Krus
Ayon sa Kasulatan, si Yahushua ay ipinako sa krus sa araw ng Paskua, na palagi ang ika-14 na araw ng unang buwang lunar. Ang banal na pagsasaoras ng pagpako sa krus ay nagpatotoo na si Yahushua ng Nazareth sa katunayan ay ang Paskua na “kordero ni Yahuwah na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29)
Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay Paskua kay Yahuwah. (Tingnan ang Levitico 23:5.)
Sinasabi rin sa atin ng Kasulatan na ito ay “ang araw bago ang Sabbath” na ikaanim na araw ng sanlinggo.
Isang senturyon ang nakatayo malapit sa krus. Nang makita niya kung paano namatay si Yahushua, sinabi niya Tunay na ang taong ito ang Anak ng Elohim. . . Dumidilim na noon, araw noon ng Paghahanda, ang araw bago ang Sabbath, naglakas-loob si Jose na taga-Arimatea na pumunta kay Pilato upang hingin ang bangkay ni Yahushua. (Tingnan ang Marcos 15:39-43.)
Ang ilan ay ipinahiwatig na ang “Sabbath” na sanggunian sa sipi sa ibabaw ay tumutukoy sa unang araw ng Walang Lebadurang Tinapay, na sinasabi nilang maaaring tumapat sa anumang araw ng sanlinggo. Ang kamalian ng pahiwatig na ito ay maaaring maipakita nang madali sa araw na sumusunod sa “Sabbath” na ito ay “ang unang araw ng sanlinggo.” Pagkatapos ng Sabbath, sa pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumunta sa libingan upang ito'y tingnan. (Mateo 28:1) Ilan sa mga sumasamba sa araw ng Sabado ay inangkin na ang Tagapagligtas ay ipinako sa krus sa Gregorian na araw ng Miyerkules, kaya ang araw ng Huwebes ay ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura (isang kapistahan na “Sabbath”), at ang “Sabbath” na nabanggit sa sipi sa itaas ay araw ng Sabado. Ang kamalian ng paniniwalang ito, gayunman, ay maaaring makita sa katunayan na ang senaryong ito ay ilalagay ang Abib 10 sa Gregorian na araw ng Sabado, ang araw na pinaniwalaan ng mga sumasamba sa araw ng Sabado na Sabbath ng Bibliya. Ang senaryong ito ay hindi maaaring tama dahil ang mga Israelita ay inutusan na pumili ng kanilang kordero sa ika-10 araw ng buwan na ito (Exodo 12:3); kung hindi pa nila nakuha ang kinakailangang hayop, bibili sila ng isang kordero. Ang pagbili at pagbenta ay syempre, ipinagbabawal sa ikapitong araw ng Sabbath, kaya iyong mga kumakapit nang mali sa araw ng Sabado bilang Sabbath ay dapat aminin ang kamalian ng senaryong ito.5 |
Nalalaman na natin ngayon mula sa Kasulatan na si Yahushua ay ipinako sa krus:
- sa ikaanim na araw ng sanlinggo
- sa ika-14 na araw ng unang buwang lunar
- sa taong 31 AD
Ngayon, pagsama-samahin natin ang lahat ng mga detalyeng ito. Sa ibaba ay isang talangguhit ng mga anyo ng buwan noong 31 AD, ang taon ng pagpako sa krus. (Tandaan: Ang hanay ng Astronomikong “Bagong Buwan” ay nagpapakita ng lunar-solar na panahon ng pag-uugnay.)
Mayroong iba’t ibang paaralan ng kaisipan kung kailan magsisimula ang isang Biblikal na buwan at isang Biblikal na taon. Ang matibay na paniniwala ng WLC ay ang Araw ng Bagong Buwan ay nagsisimula sa bukang-liwayway kasunod ng lunar-solar na pag-uugnay at ang Bagong Taon ay nagsisimula sa Bagong Buwan na pinakamalapit sa equinox ng tagsibol.8 Sisiyasatin natin ang taon ng pagpako sa krus mula sa lahat ng anggulo at gamit ang lahat ng posibleng paraan ng pagtutuos, sapagkat, para makita kung posible ba na magkaroon ng isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus.”
Una, dapat nating tandaan ang oras ng pag-uugnay sa parehong buwan ng Marso at Abril noong 31 AD, sapagkat ang Bagong Taon ay maaaring magsimula sa alinman sa mga buwan na ito kapag ang lahat ng mga paraan ng pagtataya ay magkakatumbas na isinaalang-alang.
Pag-uugnay:
- Marso 11 @10:20 PM (UTC)
- Abril 10 @11:33 AM (UTC)
Kapag nagtutuos ng Araw ng Bagong Buwan (unang araw ng buwang lunar) bilang araw matapos ang pag-uugnay, nakita natin na ang Paskua (ang ika-14 na araw ng buwang lunar) ay tatapat sa Marso 25 (ang katumbas ng tinatawag ngayon sa kasalukuyang kalendaryong Gregorian na araw ng “Linggo”) o sa Abril 24 (ang katumbas ng tinatawag ngayon sa kasalukuyang kalendaryong Gregorian na araw ng “Martes”). Maaari mong makita ang kalendaryo6 ng planetaryong sanlinggo ng taong 31 AD dito: http://www.timeanddate.com/calendar/?year=31&country=34
Ito ay hindi pa dumarating nang malapit sa isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus.”
Ngayon, subukan naman natin ang unang nakikitang gasuklay para simulan ang buwan, gaya ng itinataguyod ng maraming tradisyonalista. Ayon sa mga iskolar at mga astronomo, ang pinakamaagang gasuklay ay karaniwang nakikita mga 17-23 oras matapos ang pag-uugnay, habang ang ilan ay naiulat na nakita ito “nang maaga ng 15.5 oras matapos ang Bagong Buwan [pag-uugnay]” (United States Naval Observatory).
“Mga nasa 17-23 oras matapos ang bagong buwan [pag-uugnay], isang manipis na gasuklay ang nakikita sa daigdig.” (http://www.moonsighting.com/faq_ms.html7)
“Noong 1855, naghanda si Sir G. B. Airy . . . ng mga astronomikong kalkulasyon . . . na may kinalaman sa AD 29 hanggang 34. . . . Itinuring niya na, lalo na sa Marso at Abril at sa klima sa Judea, 18 oras matapos ang pag-uugnay ay sapat na para makita. Ngunit, bilang isang pag-iingat na pagsukat, kinalkula niya rin sa loob ng 23 oras.” ("The Moon's visibility and the date of the Crucifixion," Courtenay R., The Observatory, Vol. 34, p. 228-232 (1911))
Ayon sa Historical Research Committee ng General Conference ng Seventh-Day Adventists, ang unang nakikitang gasuklay ay nakikita sa Malapit sa Silangan nang wala pang 42 oras matapos ang pag-uugnay:
“Sa Malapit sa Silangan, tumatagal ng 16.5 hanggang 42 oras matapos ang pag-uugnay, batay sa anumang paggalaw na may kinalaman sa distansya mula sa daigdig na mabilis o mabagal—bago ang buwan ay makitang muli sa anyo ng manipis na gasuklay, lumaki at lumaki hanggang sa panahon ng ganap na buwan.” (The Chronology Of Ezra 7, A Report of the Historical Research Committee Of the General Conference of Seventh-Day Adventists, p.11)
Para sa paglalagom, ang pinakamaagang gasuklay ay:
- maaaring makita mga 17-23 oras matapos ang pag-uugnay.
- maaaring magtagal paminsan-minsan hanggang 42 oras matapos ang pag-uugnay bago makita sa Malapit sa Silangan (iyon ay sa Jerusalem).
Ibig sabihin nito ay dapat nating asahan ang unang nakikitang gasuklay na tuluy-tuloy na magpapakita mga 17-42 oras matapos ang pag-uugnay sa Jerusalem.
Ngayon na may malinaw na tayong parametro para sa pagtukoy ng unang nakikitang gasuklay (iyon ang 17-42 oras matapos ang pag-uugnay), siyasatin naman natin ang buwan ng Marso noong 31 AD upang makita kung posible ba na dumating sa “Biyernes ng Pagpako sa Krus” gamit ang unang nakikitang gasuklay para simulan ang buwan.
Pag-uugnay = Marso 11 @10:20 PM (UTC) = Marso 12 @12:20 AM (oras sa Jerusalem, UTC+2). Nasa ibaba ang tinatayang oras sa pagitan ng pag-uugnay at paglubog ng araw ng ibinigay na petsa (Ang paglubog ng araw sa Jerusalem ay nagaganap mga 5:45 PM sa kalagitnaan ng Marso.)
- Marso 12 @5:45 PM = 17.5 oras (marahil na nakikita) = ay ilalagay ang Paskua sa Marso 26, ang katumbas ng modernong “Lunes.” (Tandaan: Ang buwan na may 1% liwanag ay itinakda mga 6:15 PM, mga .5 oras matapos ang araw.9)
- Marso 13 @5:45 PM = 41.5 oras (tiyak na nakikita) = ay ilalagay ang Paskua sa Marso 27, ang katumbas ng modernong “Martes.” (Tandaan: Ang buwan na may 3% liwanag ay itinakda mga 7:15 PM, mga 1.5 oras matapos ang araw.)
- Marso 14 @5:45 PM = 65.5 oras (tiyak na nakikita) = ay ilalagay ang Paskua sa Marso 28, ang katumbas ng modernong “Miyerkules.” (Tandaan: Ang buwan na may 8% liwanag ay itinakda mga 8:15 PM, mga 2.5 oras matapos ang araw.)
Malinaw, hindi posible na magkaroon ng isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” sa buwan ng Marso noong 31 AD. Ngayon, siyasatin naman natin ang buwan ng Abril upang makita kung posible ba na dumating sa isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” gamit ang unang nakikitang gasuklay para simulan ang buwan.
Pag-uugnay = Abril 10 @11:33 AM (UTC) = Abril 10 @2:33 PM (Jerusalem – Daylight Saving Time (DST), UTC+3). Nasa ibaba ang tinatayang oras sa pagitan ng pag-uugnay at paglubog ng araw ng ibinigay na petsa. (Ang paglubog ng araw sa Jerusalem ay nagaganap mga 7 PM sa kalagitnaan ng Abril.)
- Abril 10 @7 PM = 4.5 oras (imposible pa na makita)
- Abril 11 @7 PM = 28.5 oras (marahil na nakikita) = ay ilalagay ang Paskua sa Abril 25, ang katumbas ng modernong “Miyerkules.” (Tandaan: Ang buwan na may 1% liwanag ay itinakda mga 8 PM, mga isang oras matapos ang araw.)
- Abril 12 @7 PM = 52.5 oras (tiyak na nakikita) = ay ilalagay ang Paskua sa Abril 26, ang katumbas ng modernong “Huwebes.” (Tandaan: Ang buwan na may 5% liwanag ay itinakda mga 9 PM, mga dalawang oras matapos ang araw.)
- Abril 13 @7 PM = 76.5 oras (Ang 76.5 oras na gulang ng buwan ay lagpas na sa makatuwiran at katanggap-tanggap na mga parametro para sa pinakamaagang tanaw ng gasuklay na buwan, lalo na sa Jerusalem, subalit dapat pa rin itong panatilihin bilang pinakamaagang posibleng pagtanaw upang dumating sa isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” sa Abril 27.) Tandaan: Ang buwan na may 10% liwanag ay itinakda mga 10 PM, mga tatlong oras matapos ang araw.
Narito, muli, nakikita natin na hindi posible na dumating sa isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus.” Upang mapanatili na ang Pagpako sa Krus ay naganap sa Biyernes noong 31 AD, ang mga tradisyonalista ay dapat ipagpalagay na ang unang gasuklay ay hindi nakikita hanggang ang buwan ay tumagal na ng 76.5 oras na may 10% liwanag! Ito ay lagpas na sa tinanggap na mga parametro ng 17-42 oras.
Tandaan, muli, na ang pinakamaagang gasuklay ay:
- maaaring makita mga 17-23 oras matapos ang pag-uugnay.
- maaaring magtagal paminsan-minsan hanggang 42 oras matapos ang pag-uugnay bago makita sa Malapit sa Silangan (iyon ay sa Jerusalem).
Ang buwan pinakamarahil ay makikita sa Abril 11 kapag ito ay may gulang na ng 28.5 oras. Kung, gayunman, hindi pa, ito’y tiyak na makikita sa Abril 12 kapag ito’y itinakda ng mga dalawang oras matapos ang araw sa edad ng 52.5 oras na may 5% liwanag.
Upang ipahiwatig na ang buwan ay 76.5 oras bago pa makita ay hindi makatuwiran. Kahit na ang ganitong anomalya ay posible, ang pagpapalagay na ito ay nagdadala ng mga hindi mapagkasundong pagtalbog na hindi maitatangging magpapatunay sa kahangalan nito:
Kumakapit sa isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” sa Abril ng 31 AD ay nangangahulugan na sa loob ng limang makakasunod na buwan (Pebrero-Hunyo), ang buwan ay lumihis nang malayo mula sa mga kinilalang parametro para sa pagtatatag ng pagtanaw (mga 17-42 oras matapos ang pag-uugnay). Kapag ang sinuman ay pinanatili ang Pagpako sa Krus ay naganap sa araw ng Biyernes, Abril 27 sa 31 AD, dapat silang maniwala na ang pinakabatang buwan ay maaaring makita sa pagitan ng Pebrero at Hunyo ng taong iyon na may edad na 47.75 oras.
- Pag-uugnay = Pebrero 10 @12:15 PM (oras sa Jerusalem, UTC+2)
- Pebrero 10 @5:30 PM (Paglubog ng Araw) = 5.25 oras = imposible na makita
- Pebrero 11 @5:30 PM = 29.25 oras = marahil na nakikita
Liwanag = 2%, Takda ng Buwan: 6:24 PM (mga 1 oras matapos ang araw)
- Pebrero 12 @5:30 PM = 53.25 oras = tiyak na nakikita!
Liwanag = 6%, Takda ng Buwan: 7:29 PM (mga 2 oras matapos ang araw)
Ang mga tradisyonalista na kumapit sa isang Biyernes, Abril 27 ng Pagpako sa Krus sa 31 AD ay dapat tanggapin ang Pebrero 13 bilang Araw ng Bagong Buwan dahil ang buwang lunar ay hindi maaaring magkaroon ng higit sa 30 araw. Paatras na magbilang mula sa Araw ng Bagong Buwan sa Marso ay magdadala sa atin sa Pebrero 13. Ibig sabihin nito na iyong mga nanindigan sa paradaym na ito ay dapat na maniwala na ang buwan ay hindi maaaring makita hanggang Pebrero 12 kapag ito ay nagpalipas na ng 53.25 oras. (Tandaan: Ang takda ng buwan ay mga 2 oras matapos ang araw na may 6% liwanag.) Ang buwan ay pinakamarahil na makikita sa Pebrero 11 kapag ito ay itinakda ng mga 1 oras matapos ang araw sa edad na 29.25 oras na may 2% liwanag.
- Pag-uugnay = Marso 12 @12:20 AM (oras sa Jerusalem, UTC+2)
- Marso 12 @5:45 PM (Paglubog ng Araw) = 17.5 oras = posible na makikita
Liwanag = 1%, Takda ng Buwan: 6:14 PM (mga .5 oras matapos ang araw)
- Marso 13 @5:45 PM = 41.5 oras = tiyak na nakikita!
Liwanag = 3%, Takda ng Buwan: 7:14 PM (mga 1.5 oras matapos ang araw)
- Marso 14 @5:45 PM = 65.5 oras = tiyak na nakikita!
Liwanag = 8%, Takda ng Buwan: 8:12 PM (mga 2.5 oras matapos ang araw)
Ang mga tradisyonalista na kumapit sa isang Biyernes, Abril 27 ng Pagpako sa Krus sa 31 AD ay dapat tanggapin ang Marso 15 bilang Araw ng Bagong Buwan dahil ang buwang lunar ay hindi maaaring magkaroon ng higit sa 30 araw. Paatras na magbilang mula sa Araw ng Bagong Buwan sa Abril ay magdadala sa atin sa Marso 15. Ibig sabihin nito na iyong mga nanindigan sa paradaym na ito ay dapat na maniwala na ang buwan ay hindi maaaring makita hanggang Marso 14 kapag ito ay nagpalipas na ng 65.5 oras. (Tandaan: Ang takda ng buwan ay mga 2.5 oras matapos ang araw na may 8% liwanag.) Ang buwan ay pinakamarahil na makikita sa Marso 13 kapag ito ay itinakda ng mga 1.5 oras matapos ang araw sa edad na 41.5 oras na may 3% liwanag.
- Pag-uugnay = Abril 10 @2:33 PM (oras sa Jerusalem (DST), UTC+3)
- Abril 10 @7 PM (Paglubog ng Araw) = 4.5 oras = imposible na makita
- Abril 11 @7 PM = 28.5 oras = marahil na nakikita
Liwanag = 1%, Takda ng Buwan: 7:59 PM (mga 1 oras matapos ang araw)
- Abril 12 @7 PM = 52.5 oras = tiyak na nakikita!
Liwanag = 5%, Takda ng Buwan: 8:57 PM (mga 2 oras matapos ang araw)
- Abril 13 @7 PM = 76.5 oras = tiyak na nakikita!
Liwanag = 10%, Takda ng Buwan: 9:55 PM (mga 3 oras matapos ang araw)
Ang mga tradisyonalista na kumapit sa isang Biyernes, Abril 27 ng Pagpako sa Krus sa 31 AD ay dapat tanggapin ang Abril 14 bilang Araw ng Bagong Buwan. Ibig sabihin nito na iyong mga nanindigan sa paradaym na ito ay dapat na maniwala na ang buwan ay hindi maaaring makita hanggang Abril 13 kapag ito ay nagpalipas na ng 76.5 oras. (Tandaan: Ang takda ng buwan ay mga 3 oras matapos ang araw na may 10% liwanag.) Muli, ang buwan ay pinakamarahil na makikita sa Abril 11 kapag ito ay nasa edad na 28.5 oras. Kapag, gayunman, hindi, tiyak na makikita ito sa Abril 12 kapag ito ay itinakda mga 2 oras matapos ang araw sa edad na 52.5 oras na may 5% liwanag.
- Pag-uugnay = Mayo 10 @4:58 AM (oras sa Jerusalem (DST), UTC+3)
- Mayo 10 @7:30 PM (Paglubog ng Araw) = 14.5 oras = imposible na makita
- Mayo 11 @7:30 PM = 38.5 oras = marahil na nakikita
Liwanag = 2%, Takda ng Buwan: 8:44 PM (mga 1.25 oras matapos ang araw)
- Mayo 12 @7:30 PM = 62.5 oras = tiyak na nakikita!
Liwanag = 6%, Takda ng Buwan: 9:42 PM (mga 2.25 oras matapos ang araw)
Ang mga tradisyonalista na kumapit sa isang Biyernes, Abril 27 ng Pagpako sa Krus sa 31 AD ay dapat tanggapin ang Mayo 13 bilang Araw ng Bagong Buwan. Ito ang kasong may pinakamahusay na senaryo para sa paradaym na ito dahil ang pagbibilang ng karagdagang araw para gawin ang naunang lunasyon na isang 30 araw na buwan ay mangangailangan ng mas matandang buwan bilang ang unang nakikitang gasuklay. Ibig sabihin nito na iyong mga nanindigan sa paradaym na ito ay dapat na maniwala na ang buwan ay hindi maaaring makita hanggang Mayo 12 kapag ito ay nagpalipas na ng 62.5 oras. (Tandaan: Ang takda ng buwan ay mga 2.25 oras matapos ang araw na may 6% liwanag.) Ang buwan ay pinakatiyak na makikita sa Mayo 11 kapag ito ay itinakda ng mga 1.25 oras matapos ang araw sa edad na 38.5 oras na may 2% liwanag.
- Pag-uugnay = Hunyo 8 @8:06 PM (oras sa Jerusalem (DST), UTC+3)
- Hunyo 9 @7:45 PM (Paglubog ng Araw) = 23.75 oras = marahil na nakikita
Liwanag = 1%, Takda ng Buwan: 8:31 PM (mga .75 oras matapos ang araw)
- Hunyo 10 @7:45 PM = 47.75 oras = tiyak na nakikita!
Liwanag = 3%, Takda ng Buwan: 9:24 PM (mga 1.75 oras matapos ang araw)
Ang mga tradisyonalista na kumapit sa isang Biyernes, Abril 27 ng Pagpako sa Krus sa 31 AD ay dapat tanggapin ang Hunyo 11 bilang Araw ng Bagong Buwan. Ito ang kasong may pinakamahusay na senaryo para sa paradaym na ito dahil ang pagbibilang ng karagdagang araw para gawin ang naunang lunasyon na isang 30 araw na buwan ay mangangailangan ng mas matandang buwan bilang ang unang nakikitang gasuklay. Ibig sabihin nito na iyong mga nanindigan sa paradaym na ito ay dapat na maniwala na ang buwan ay hindi maaaring makita hanggang Hunyo 10 kapag ito ay nagpalipas na ng 47.75 oras. (Tandaan: Ang takda ng buwan ay mga 1.75 oras matapos ang araw na may 3% liwanag.) Ang buwan ay pinakatiyak na makikita sa Hunyo 9 kapag ito ay itinakda ng mga 45 minuto matapos ang araw sa edad na 23.75 oras na may 1% liwanag.
Ang mga tagasunod sa modelo sa ibabaw ay dapat na maniwala na ang pinakabatang nakikitang buwan sa pagitan ng Pebrero at Hunyo ng 31 AD ay 47.75 oras. Ang mga edad ng pinakamaagang nakikitang gasuklay na dapat tanggapin, ang mga sumusunod ay: 53.25 oras, 65.5 oras, 76.5 oras, 62.5 oras, at 47.75 oras. Bawat isa sa mga ito, nang walang pagbubukod, ay lumagpas sa itinatag na mga parametro para sa pagtukoy ng pagtanaw. Tandaan, muli, na ang pinakamaagang gasuklay ay:
Tandaan: Ang modelo sa ibabaw ay ang pinakamahusay na posibleng senaryo para sa mga kumakapit sa isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” sa 31 AD. Upang gumawa ng kahit isang pag-aayos sa mga bilang ng araw sa mga buwang lunar na ito ay nangangailangan ng pagtanggap ng mas matandang buwan bilang unang nakikitang gasuklay. Ang lahat ay dapat bilangin mula sa hindi magagalaw na punto ng angkla ng Araw ng Bagong Buwan ng Abril 14, sapagkat mula sa araw na ito ang ika-14 na araw ng buwang lunar (Paskua/Pagpako sa Krus) ay binilang. Para palitan ang araw na ito ay magreresulta sa ika-14 na araw ng buwang lunar na hindi babagsak sa araw ng “Biyernes.” Paatras na magbilang mula sa puntong ito (Abril 14), hindi ka maaaring magbilang nang higit sa 30 araw dahil ang mga buwang lunar ay hindi kailanman nagkaroon ng higit sa 30 araw. Pasulong na magbilang mula sa puntong ito (Abril 14), dapat kang magbilang ng hindi bababa sa 29 na araw dahil ang mga buwang lunar ay hindi kailanman nagkaroon ng hindi bababa sa 29 na araw. |
Ibig sabihin nito na upang magkaroon ng isang Biyernes, Abril 27 na pagpako sa krus sa 31 AD, ang sinuman ay dapat tanggapin na hindi lamang isang anomalya (hindi maipaliwanag na iregularidad), kundi limang sunud-sunod! Paano ang sinuman, sa mabuting budhi, niyayakap ang ganoong mapangahas na panukala? Ang katapatan ay nangangailangan na susundin natin ang ebidensya saanman ito maaaring manguna, kahit na hindi na ito sumang-ayon sa ating mga tradisyon at itinatanging pagpapalagay.
Ang katunayan na hindi maaaring magkaroon ng isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” sa 31 AD ay kinumpirma ng mga iskolar sa buong lupon, kabilang na ang yumaong Ginoong Isaac Newton (ang itinangi ng marami bilang “ama ng modernong pisika”).
“Siya [Newton] ay hindi isinama ang AD 31, 32 at 35 dahil ang 14 Nisan ay hindi maaaring isang Biyernes, na kinumpirma ng lahat ng modernong mananaliksik.” ("Newton's Date for the Crucifixion," Pratt, J. P., Quarterly Journal of the Royal Astronomical Society, Vol.32, NO. 3/SEP, P.301, 1991)
Pagwawakas:
Ginawang malinaw ng Kasulatan sa pamamagitan ng kahanga-hangang propesiya ng “70 Sanlinggo” ni Daniel na ang Tagapagligtas ay ipinako sa krus noong 31 AD. Ginawa ring malinaw ng Kasulatan na ang pagpako sa krus ay naganap sa ikaanim na araw ng sanlinggo, at sa ika-14 na araw ng unang buwang lunar. Kapag ang lahat ng kalendaryong detalye ay pinagsama-sama, hindi mapipigilan ang kaliwanagan na ang mga Israelita ay gumamit ng naiibang kalendaryo sa halip na tinatalima ng buong mundo ngayon. Sila’y hindi gumamit ng kalendaryong Julian, na tagapagpauna sa modernong kalendaryong Gregorian ng kapapahan kasama ang patuloy na sanlingguhang pag-ikot nito.
Ang pagkapit sa isang “Biyernes ng Pagpako sa Krus” sa 31 AD ay hindi ano pa man ang resulta ng katapatan kasunod ng ebidensya sa makatuwirang pagwawakas nito. Sa halip, ito ang kahihinatnan ng mga itinatanging tradisyon at walang tigil na pagtanggi sa bigat ng ebidensya.
Maraming matatapat na Kristyano ang naniniwala na ang araw ng Sabado ay ang Sabbath ng Bibliya sa walang ibang dahilan kundi ito ang araw na tinatalima ng modernong “Hudyo.” Habang totoo na ang mga Hudyo ngayon ay sumasamba sa araw ng Sabado, ito ay hindi palagi ang kaso. Ang mga iskolar na Hudyo ay lubos na malinaw na ang orihinal na pamamaraan ng kalendasyon ay naiiba mula sa modernong kalendaryo at sa ilalim ng matinding pag-uusig ng mga Romano noong ikaapat na siglo AD, ang mga Hudyo ay isinuko ang orihinal na kalendaryong lunar-solar.
“Sa ilalim ng pamumuno ni Constantius (337-362 CE), ang mga pag-uusig ng mga Hudyo ay umabot sa ganoong taas na . . . ang pagtutuos ng kalendaryo [ay] ipinagbawal sa ilalim ng sakit ng matinding kaparusahan.” (“Calendar,” The Jewish Encyclopedia)
“Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot.” (Universal Jewish Encyclopedia, p. 410)
Iyong mga itinuturo ang araw ng Sabado bilang Sabbath ay ibinatay ang paniniwalang ito nang eksklusibo sa pagpapalagay at tradisyon. Walang maaaring mapanindigan ang isang Romanong Gregorian na Sabadong Sabbath mula sa Kasulatan lamang. Lahat ng kumakapit sa araw ng Sabado ay ibinabatay ang kanilang kasanayan sa mga tradisyon ng mga tao na, bilang isang bansa, ay tinanggihan ang Mesias at ang modernong kalendaryo ay ipinalaganap ng mga nagpapako sa Mesias sa krus.
Kabaligtaran sa tanyag na pagpapalagay, wala sa Kasulatan ang nagsasabi na ang Sabbath ay sisiyasatin “bawat pitong araw.” Sa halip, sinasabi nito na ang ikapitong araw ng Sabbath ay susundan ang anim na araw ng paggawa.
Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay Sabbath kay Yahuwah mong Elohim. (Tingnan ang Exodo 20:8-10.)
Tingnan rin ang: Exodo 16:26, 23:12, 31:15, 34:21, 35:2; Levitico 23:3; Deuteronomio 5:13-14
Tangi lamang kapag ang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay ipinalagay na ang sinuman ay pinagtitibay na ang Sabbath ay dapat tumapat sa bawat ikapitong araw. Kapag ang Kasulatan ay tinanggap para sa tumpak na sinasabi nito at ang lahat ng mga teksto na nauukol sa kalendaryo at mga araw ng kapistahan (kabilang ang Sabbath) ay maingat na pinag-aralan, nagiging sagana sa kaliwanagan na ang kalendaryong Biblikal ay lunar-solar at hindi ano pa man kasingkahulugan sa modernong kalendaryong Gregorian ng kapapahan at ang tagapagpauna nito [ang kalendaryong Julian].
Sa Kasulatan, ang bawat lunasyon ay nagsisimula sa pagdiriwang ng isang espesyal na araw ng pagsamba: Araw ng Bagong Buwan.10 Anim na araw ng paggawa ang susunod at pagkatapos ay isang ikapitong araw ng Sabbath sa ika-8 ng buwan. Tatlo pang sanlinggo ang susunod, magtatapos sa ika-29. Ang sanlingguhang pag-ikot ay muling magsisimula kasunod ng susunod na Araw ng Bagong Buwan. (Walang buwan ang hihigit sa 30 araw.)
Sa bawat panahon ang ikapitong araw ng Sabbath sa Kasulatan ay binigyan ng petsa,
ito’y palaging tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 na araw ng buwan.
Sa simula, lahat ng sinaunang kalendaryo ay luni-solar na may sanlingguhang pag-ikot (ng iba’t ibang haba) na muling nagsisimula sa bawat bagong buwan. Ang mga kronologo ay binigyan ng petsa ang unang kalendaryo nang patuloy na sanlingguhang pag-ikot sa Babilonya mga 600 BC. Bago ang panahong iyon, walang kalendaryong ginamit na ang sanlingguhang pag-ikot ay walang pagkaantala. Ang sanlingguhang pag-ikot ay muling nagsisimula alinman sa pagsisimula ng buwan o lunasyon o sa pagsisimula ng taon kasunod ng limang araw na idinagdag na nagwawakas ng naunang taon ngunit hindi bahagi ng anumang sanlingguhang pag-ikot.11
“Kami’y nananalangin, minamahal ni Yahuwah, na huwag kunin ang aming salita para rito. Pakiusap na siyasatin ang mga bagay na ito para sa iyong sarili. Maraming pagtutol sa lunar Sabbath, na marahil ay tama sa kalatagan, abang-aba na bigo sa ilalim ng malapit na pagsusuri.” |
Ang katunayan ay ang modernong Gregorian na Sabado na Sabbath ng kapapahan ay hindi maaaring patunayan ng Kasulatan o kasaysayan ng kalendaryo.12 Ang maling doktrina ng isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay itinatag sa walang iba kundi pagpapalagay. Sukdulang panahon na para sa mga matatapat ni Yahuwah na maging malaya sa panlilinlang na ito at gawin ang Kasulatan na nag-iisang batayan ng pananalig at kasanayan.
Kami’y nananalangin sa iyo, minamahal ni Yahuwah, na huwag kunin ang aming salita para rito. Pakiusap na siyasatin ang mga bagay na ito para sa iyong sarili. Maraming pagtutol sa lunar Sabbath, na marahil ay tama sa kalatagan, abang-aba na bigo sa ilalim ng malapit na pagsusuri.
Kami’y nananalangin sa iyo na maghukay nang malalim tungo sa isyung ito nang may matapat na puso.
I-click rito para sa listahan ng mga artikulo at mga video sa Lunar Sabbath.
I-click rito para sa listahan ng mga artikulo at mga video sa Kalendaryong Biblikal.
Pagbabago ng Pandaigdigang Linya ng Petsa: Ang Shabbath Di Nagbago? |
Lahat ng siniping Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Dating Biblia maliban kung itinala.
1 Nakalulungkot, ito ay kapansin-pansing propesiya na lubos na hindi maunawaan ng marami upang dumating sa nagiging tanyag subalit hindi Biblikal na palagay na sa nalalapit na hinaharap, isang misteryosong “antikristo” ang lilitaw at maglalagda ng pitong taong kasunduan ng kapayapaan sa bansang Israel.
2 Daniel 8.
3 Ang taon ng pag-akyat ni Artaxerxes I ay 465-464 BC; ang kanyang unang taon ng pamumuno ay mula sa taglagas ng 464 BC hanggang sa taglagas ng 463 BC. Nalalaman natin na ang “paglabas” ng utos ni Artaxerxes ay noong 457 BC dahil sinabi sa atin ni Ezra na siya ay lilisan sa Babilonya sa tagsibol, sa unang [Biblikal na] buwan, at darating sa Jerusalem sa ikalimang [Biblikal na] buwan ng ikapitong taon ni Artaxerxes. “At siya'y [Ezra] naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan, na sa ikapitong taon ng hari. Sapagka't sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonya, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Elohim na sumasa kaniya.” (Ezra 7:8-9)
4 http://en.wikipedia.org/wiki/Tiberius
5 Gamit ang Biblikal na kalendaryong luni-solar na itinatag sa Paglikha, ito’y hindi kailanman naging isyu. Ang mga Pariseo na nagsulat ng Talmud ay lumikha ng mga espesyal na tuntunin para sa pakikitungo sa mga uri ng kalagayang ito, wala sa mga ito ay maaaring itaguyod ng Kasulatan. http://www.truthontheweb.org/postpone.htm (Tandaan: Ang WLC sa anumang paraan ay hindi itinataguyod ang mga pagtuturo na matatagpuan sa site na ito. Ang link na ibinigay, gayunman, ay mabuting inilarawan ang maramihang tuntunin ng pagpapaliban na nilikha ng tinanggihan ang Mesias at kalendaryo ng Langit.)
6 Ang Roma, sa panahon ni Kristo, ay hindi tumatalima sa pitong araw na planetaryong sanlinggo na tinatalima ng buong mundo ngayon. Sa halip, sila’y tumalima sa walong araw na pag-ikot ng maagang kalendaryong Julian:
- 8 Mga Araw Sa Isang Linggo? Ang Kasaysayan ng Kalendaryong Julian
- Patuloy na Pag-ikot ng Sanlinggo ay Napatunayang Mali
7 http://www.moonsighting.com/faq_ms.html – Ang WLC sa anumang paraan ay hindi itinataguyod ang mga doktrinang niyakap ng site na ito, sapagkat ito’y nauugnay sa mga pagtuturo ng Islam. Walang maaaring magtalo, gayunman, na iyong mga nagsasanay sa Islam, bagama’t nalinlang, ay lubos na taimtim at masigasig sa kanilang pag-aaral ng buwan at ang pinakamaagang pagtanaw nito kasunod ng pag-uugnay, sapagkat sa pagtalimang ito kaya nila sinisimulan ang kanilang mga buwan.
8 Sa paraan ng pagtataya ng WLC, ang Paskua ay tumatapat sa Marso 25 sa taong 31 AD.
9 Ang nakalistang paglitaw o paglubog ng buwan, gayon din ang bahagdan ng liwanag ay kinumpirma ng Starry Night Pro, Quick Phase Pro, at Stellarium software. Maaari mong ma-download ang Stellarium nang libre sa sumusunod na link: http://www.stellarium.org/
10 Ang kahalagahan ng Bagong Buwan ay maaaring makita sa katunayan na ang mga alay na inutos para sa mga Bagong Buwan ay itinuring na mas marami kaysa sa inutos para sa sanlingguhang ikapitong araw ng Sabbath. (Mga Bilang 28:11-15)
11 Eviatar Zerubavel, The Seven Day Circle, pp. 7-8.
12 • Patuloy na Pag-ikot ng Sanlinggo ay Napatunayang Mali
• 8 Mga Araw Sa Isang Linggo? Ang Kasaysayan ng Kalendaryong Julian (>>Video)
• Ang Modernong Pitong Araw na Sanlinggo: Lakbayin ang Kasaysayan ng Kasinungalingan
• Pagbabago ng Pandaigdigang Linya ng Petsa: Ang Shabbath Di Nagbago?