Si Yahuwah Ay Maaari Ba Ang Kataas-taasang Pari?
Ang Hebreo 6-9 ay hindi dapat ipilit sa huling hulma ng mga tradisyonal na paniniwala tungkol sa kabanalan ni Kristo. Walang indikasyon rito ng sinuman maliban sa tao na si Mesias Yahushua na tinutupad ang pinakamahalagang papel ng pari at tagapamagitan, ngunit sa isang ayos ng Bagong Tipan. Kapag pinahintulutan natin ang Kasulatan na umagos mula sa Hebreong pinagkukunan nito, maaari nating inumin ang sariwa at nabubuhay na katubigan.
Ikaw Ba'y Nahugasan Ng Dugo Ng Kordero?
Ang walang barnis na patotoo ay ang mga mananampalataya sa mga nakalipas na panahon ay taglay ang mas biblikal na pagkakaunawa ng kahalagahan at, nakikipaglaban ako, ang ganap na pangangailangan ng bautismo sa tubig kaysa gawin ang napakalaking mayorya ng mga gumaganap na mananampalataya ngayon!
Ang Patotoo na Magpapalaya sa Atin
Paano sa katunayan makakapagpabago ng mga buhay ang tunay na ebanghelyo ng paparating na Kaharian ni Yahuwah? Paano ang partikular na mensaheng ito ay isa sa pamamagitan nito darating ang kaligtasan?
Daniel ang Propeta
Nalalaman nating lahat ang nakakaakit na kwento ni Daniel sa yungib ng mga leon. Ngunit narinig mo ba ang tunay na pagwawakas nito?
Ang Katha na Pumipigil sa Isang Taong Mesias: Pagiging Tao Ay Hindi Sapat
Isang katunayan na kakaunti sa lupa ay tinanggap si Yahushua bilang isang lehitimong tao na may isang pangunahing sentro ng tao at personalidad. Ang simbahan ng Bagong Tipan ay kinilala ito, ngunit nalalaman natin, sa loob ng 100 taon ng Griyegong pilosopiya at ispekulasyon ng tao ay sinimulang iligaw at palitan ang biblikal na monoteismo at ilipat si Yahushua sa ikalawang “taong-Diyos.” Bakit ito nangyari?
Ang Mga Espiritung Nasa Bilangguan
Ang mitolohiya ay minsan isang binurdang talaan ng tunay na kasaysayan. Sa kasong ito, angkop nitong inilarawan ang isang dating paghihimagsik, at ang kalagayan sa Tartaros, naaayon sa mga masasamang anghel sa 2 Pedro 2:4 at Judas 6.
Ang Dakilang Kristyanong Pag-asa: Ang Muling Pagkabuhay
Sa kanyang patuloy na pagtuturo, sapagkat ipinakita sa 1 Corinto 15 at sinundan sa Tesalonica, malinaw na tinukoy ni Pablo ang muling pagkabuhay mula sa libingan bilang sukdulan at tanging pinagkukunan ng pag-asa at kaginhawaan para sa bawat hinirang sa lahat ng panahon.
Ang Mayamang Gantimpala ng Radikal na Pananalig!
Kapag napapagaan natin ang paghihirap ng iba sa anumang bagay na maaari nating gawin, tayo sa mismong tunay na paraan, napapagaan natin ang paghihirap ng Ama na nararamdaman ang lahat ng bagay na nararamdaman nila. Gayundin, kapag pagkaitan natin ng tulong ang mga nangangailangan, pagkakaitan natin ng tulong ang mismong Ama. Ang pagbibigay para sa iba ay nagiging isang pribilehiyo at isang gawa ng pagsamba.
Ang Bagong Tipan: Pangako ng Pagbabago
Kung pinanghihinaan ka pa rin ng loob dahil nahahanap mo ang iyong sarili na patuloy na bumabagsak sa kasalanan, magpakatapang ka. Ang mismong katunayan na nais mong tumigil sa pagkakasala ay patotoo ng gawa ng Espiritu sa iyong puso dahil ang likas na puso ay hindi iniibig ang mga bagay ni Yahuwah.
Pagbawi sa Tunay na Ebanghelyo ng Paparating na Kaharian ni Yahuwah
Bakit nilikha ni Yahuwah ang sangkatauhan? Para sa anong layunin Niya tayo nilikha? Inaasahan mo ang lahat ay nagninilay-nilay, tumatalakay at nagtatalo sa pinakabatayan sa lahat ng isyu na ito. Subalit hindi nila ginagawa! Ang publiko at maging ang kaisipan ng simbahan ay nasa ibang bagay. Ang ganito ay panlilinlang, na ginawa ni Satanas sa kalipunan ng tao.
Mga Dahilan Na Si Yahushua Ay Wala Sa Kawikaan 8
Paano natin mauunawaan ang sumusunod? Sinasabi ng “Karunungan”: “Noong una pa, nilikha na ako ni Yahuwah bago niya likhain ang lahat. Nilikha na niya ako noong una pa man. Naroon na ako nang wala pa ang mundo.”
Buhay Matapos ang Kamatayan — Ayon kay Marta at Yahushua
Ang ika-11 kabanata ng magandang balita ni Juan ay taimtim na nakatawag ng pansin sa akin sa ilang panahon dahil sa makapangyarihang patotoo nito tungkol sa kamatayan. Madalas kong naiisip na kung maraming tao ay tunay na sisiyasatin ang sinabi at ipinakita sa mga munting detalye ng kabanatang iyon, ang prominenteng paniniwala sa isang kalikasan, ang Platonikong imortal na kaluluwa ay mas kusang-loob na itatapon at papaboran ang aktwal na patotoo ng Kasulatan.
Edward Wightman: Isang Malungkot na Kamatayan
“Kung, sa panahong iyon, ang mga patay na aklat ay maaaring ituon sa apoy, gaano pa ang maraming buhay na aklat, na ibig sabihin, mga tao?” Ito ang kwento ni Edward Wightman, isang pangalan na hindi kilala ng mga modernong mag-aaral ng Bibliya, subalit nalalaman sa kasaysayan bilang panghuling tao sa Inglatera na sinunog nang buhay sa istaka para sa erehya.
Lampas sa Katuwiran
Upang sumuko sa lohikal na walang saysay ay palatandaan ng panlilinlang na naranasan ni Eba. Tinutukoy ko ang panukala na si Yahuwah ay isa at tatlo sa kaparehong panahon. Kung ang Ama ay si Yahuwah at si Yahushua ay si Yahuwah rin, iyon ay gumagawa ng dalawang Yahuwah. Ngunit ang Bibliya ay ipinahayag na mayroon lamang isang Yahuwah.