Malinaw ang Kasulatan. Ang nalalabing “simbahan” ay hindi ang huling organisadong sekta. Sa halip, sila ang huling nalalabi ng Tinawagang Lumabas. Sila ang tinawagang lumayo mula sa lahat ng mga sekta. Ipinapakita ng Kasulatan ang huling henerasyon na sa huli'y humiwalay mula sa Babilonya, kanyang mga simbahan, at mula sa lahat ng mga maling doktrina at mga kasanayan.
Isang matapat na pagsusuri ng Bibliya at ang mga kahanga-hangang angkin nito. Isang mahusay na tagapagtanggol para sa mga nagnanais na ibahagi ang nakakamanghang liwanag ng Nabubuhay na Salita ni Yahuwah!
Karamihan sa mundo ay nahuli sa dalawang huwad na doktrina. Ang una ay tinatanggihan ang pagtalima ay mayroong papel na gagampanan sa ating kaligtasan. Ang pangalawa ay inaangkin na maaari tayong maligtas sa ating sariling pagsisikap nang mabuti. Ang kahalagahan ng pagtalima sa kaligtasan ay pinakamabuting inilarawan sa sulat ni Pablo sa mga taga-Roma, na sinasabi ang pagtalima sa limang sipi: pagtalima sa pananampalataya na panawagan ni Yahushua, ang pagtalima ni Yahushua na kinilala sa mga nananalig, ang pag-ibig ni Yahushua na nagbibigay sa nananalig ng kapangyarihang sumunod, ang diwa ng pagtalima na nagdadala ng pagkakaisa sa mga mananampalataya, at ang pagtalima sa pananampalataya sapagkat ang kapangyarihan ni Yahuwah ay magpapatibay sa mga mananampalataya sa ebanghelyo.
Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo'y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob. (Roma 6:14) Ang maling paggamit ng bersong ito ay nagdulot sa milyun-milyon na hindi nalalamang itinataguyod ang paghihimagsik ni Satanas! Isa ka ba sa kanila? Isang Biblikal na pagsisiyasat ng ano ang tunay na kahulugan kapag nasa “ilalim ng kagandahang-loob.”
Habang ang mga naniniwala sa katalagahan ay walang duda na matapat sa kanilang paniniwala, ang doktrinang ito ay mapanganib dahil ginagawa nitong mali at pinapasama ang mapagmahal na katangian ni Yahuwah. Ang artikulong ito ay tatalakayin ang iba’t-ibang bahagi ng doktrina ng katalagahan at ipapaliwanag kung paano ang mga paniniwalang ito ay sumasalungat sa Kasulatan.
Si Yahuwah ang pinakamapagbigay na Ama. Karamihan sa Kanyang mga kaloob na hindi nakikilala at hindi kinikilala ng Kanyang mga makalupang anak na binabalewala lamang. Ngunit ang lahat ay dapat tandaan na “Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Eloah, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi Siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.” (Santiago 1:17, MBB)
Pangkaraniwan na para sa kaisipan ng tao, nilikha mula sa larawan ng Manlilikha, na tangkilikin at hangarin ang kagandahan. Isa sa pinaka-karaniwan lugar kung saan ang tampulan ng mga tao sa kanilang hangarin sa kagandahan ay nasa personal na palamuti. Upang hangarin na makuha ang atensyon ng sinumang hitsura ay para mahulog sa patibong ng PAGMAMATAAS, ang pagkakasala kung saan bumagsak si Lucifer. Ang mga matapat, sa mga huling araw na ito, ay isasantabi ang lahat ng bagay na magiging sagabal o gagawing mali ang kadalisayan ng langit.
Ang Banal na Kasulatan ay ang tiyak na solidong bato ng pananampalatayang Kristyano. Ito ay ang buhay na landas ni Yah tungo sa walang hanggang buhay. Lahat ng may matapat na puso na matamo si Yahuwah at Kanyang kabanalan, ay gagawing ugali na pag-aralan ang Bibliya at ilagay ang nabubuhay na mga salita sa alaala. Para pabayaan ang pag-aaral ng salita ni Yahuwah ay pinipili ang kamatayan sa buhay. Ganito kaseryoso, sapagkat kung hindi tayo lalakad sa dumaraming liwanag ng Kanyang salita, maiiwan tayong nakaupo sa dumaraming kadiliman ng anino ng kamatayan.
Tanggalin ang nakamamatay na pampaalsa! Mayroong Pariseo sa ating LAHAT.
Isang kaloob-loobang pagsusuri ng isa sa pinakagusot na paksa sa lahat ng Kasulatan: Impyerno. Tunay bang pahihirapan nang walang hanggan ang mga masama at hindi nakapagsisi? Hindi. Sila ay mawawasak nang ganap!
Ang Order ng Heswita ay naging utak sa likod ng ilan sa mga pinakamalaking panlilinlang sa kasaysayan. Ang mga pagkakatulad ng mga petsa, mga layunin, at mga adyenda ay nagdugtong sa kanila sa pandaigdigan, modernong panlilinlang ng globong daigdig. Ang maingat na pagsasaliksik ng Kasulatan, arkeolohiya, at kasaysayan, ay nag-uugnay din sa kanila sa pinakabagong pagtakpan na bumalot sa halos 1,700 taon: ang malawakang paniniwala na ang araw ng Sabado ay ang ikapitong araw ng Sabbath ng Bibliya.
Ang tumataas sa tanyag at mapanlinlang na pagtuturo na ito ay hindi mataya na mapanganib, gayong naghahanda ito ng landas para sa hindi mabilang na milyun-milyon na tanggapin at yakapin ang mga paparating na panlilinlang ni Satanas.
Ang Araw ng Bagong Buwan ay isang kaloob ni Yahuwah. Ang mga matapat sa mga huling araw na ito ay itataas ang kabanalan ng espesyal na araw na ito. Ipinahayag ng Kasulatan na ang Araw ng Bagong Buwan ay mananatili sa pagtalima ng mga naligtas sa lahat ng walang hanggan sa Bagong Lupa. Hindi mailarawan na kasiyahan ang naghihintay sa lahat ng naghahanap ng pagsasama sa Kanya kung saan ang lahat ng kapunuan ng Buhay ay nananahan.
Ang Langit ay may nakagugulantang na mensahe para sa huling henerasyon: “Matakot kayo kay Yahuwah!” Narito, makikita mo ang isang Biblikal na pagsisiyasat ng ano ang tunay na kahulugan ng matakot kay Yahuwah.
Nakagugulantangna bagong ebidensya na sangkot ang order ng Heswita bilang utak sa likod ngpanlilinlang na dumangkal ng ilang siglo. Ang kasinungalingang ito aymaghahanda sa mundo na malinlang sa panahon ng unang lagim ng Pahayag 9 kung kailanang mga demonyo, lilitaw bilang mga banyaga sa kalawakan, ay “lulusob” sadaigdig.
Ang pambahay na ekklesia ay tanyag ngayon para sa maraming dahilan. Ngunit ang ito ba ay bahagi lamang ng pagkakalito ng Babilonya? Ang orihinal na anyo ng banal na pagsamba ay itinatag sa Eden bilang pantahanang ekklesia. Ang batayang anyo ng pagsamba, paglalakad kay Yahuwah, ay pinagtibay sa lahat ng itinatag na banal na grupo: ang mga hukom, mga hari, at ang ekklesia ng Magandang Balita, na pangunahing pantahanang sa apostolikong panahon. Ang Magandang Balita ay nagbigay ng labing-apat na alituntunin sa pagtatatag at pagpapanatili ng isang tunay na ekklesia. Ang mga sulat ay nagbigay ng walong tiyak na espiritwal na pagpapala na papakinabangan ng ekklesia. Tayo ay patuloy na hinaharap ngayon ang kaparehong mga pagsubok na nangangailangan ng mga opisina ng dyakono at nakakatanda sa apostolikong ekklesia. Ang simple, ngunit epektibong sistema ay itinatag ng mga Adventist na nagpanatili ng kautusan kasing aga ng taong 1844. (Gayunman, ang katawan iyon ay nasa ganoong lawak, inabandona na maagang kababaang-loob). Ang pambahay na ekklesia ay nananatiling tunay na ekklesia ni Yahuwah ngayon. Wala sa mga bagong organisasyon ang maaaring asahan.
Simula nang itatag, ang mga Heswita ay naging isang kilalang-kilalang palihis na grupo. Mula sa panlabas, tila sila’y hindi makakasamang mga makataong Kristyano subalit sa panloob at sa kanila mismong pag-amin, sila’y mga mapanagpang lobo. Ang artikulong ito ay isang koleksyon ng mga sipi mula sa mga kilalang makasaysayang tao ukol sa madalas na malihim na gawain at tusong reputasyon ng Kalipunan ni Hesus, tinatawag din na mga Heswita.
Ang labanan para sa kaluluwa ng tao ay nagsisimula bilang labanan para sa kaisipan. Ang isipan ng tao ay naiimpluwensyahan ang kanyang emosyon at ang kaisipan at damdamin na kapag pinagsama ay lilikha sa katangian. Isa sa pinakamabisang instrumento ni Satanas sa pagpapasama ng kaluluwa ay makikita sa mga pelikula at telebisyon.
Maraming tao ngayon ang nalilito sa Aklat ng Galacia. Ang mga sumasamba sa araw ng Linggo at mga sumasamba sa araw ng Sabado ay ginamit ang mga tekstong nakita sa Galacia na “patunayan” na ang ilan o lahat ng mga kapistahan ni Yahuwah ay napako na sa krus at hindi na umiiral. Isang pagsisiyasat ng mga sangkot na isyu ay, gayunman, nagpapakita ng isang bagay na ganap na kakaiba.
Ang pasya na baguhin ang landas, para talikuran ang Kapapahang Gregorian na araw ng Sabado at magsimulang ituro ang tunay na Sabbath ng Paglikha at kalendaryong luni-solar na hindi pa ginawang magaan. Isang espiritwal na paghihirap na matanto na mali ang naituro; isang espirtwal na kasiyahan na matanggap ang bagong liwanag na direktang nagmula sa Kasulatan. Ang reporma sa Sabbath na ito ay isang pagsubok na ang bayan ni Yahuwah ay mayroon nito sa panahon ng Paghuhukom bago magsara ang probasyon. Ang World’s Last Chance ay ganap na dedikado na tanggapin ang responsibilidad na ituro ang katotohanan at katotohanan lamang. Ano pa man ang kabayaran, pinili ng grupo ng WLC na sundin ang Kordero saan man Siya magtungo.