Ang Ebanghelyo | Mula Kasalanan hanggang Kaligtasan!
Ito ay upang iligtas ang sangkatauhan mula sa mga kahihinatnan ng kasalanan, kaya si Yahuwah at ang Kanyang Anak ay nagkaisa sa isang banal na tipan upang iligtas ang sangkatauhan ano pa man ang kabayaran sa kanila. Tuklasin ang hindi mailarawang kagandahan ng puso ng sakdal na pag-ibig ng Makalangit na Ama! Piliin ang araw na ito na ganap na ilaan ang sarili sa Kanyang pangangalaga. Tatanggapin ka Niya bilang Kanyang anak at muling lilikhain ka sa Kanyang sariling larawan.
Kakila-kilabot na mga Pahayag ng Kapapahan | Diretso mula sa Bibig ng Babaeng Patutot
Ang artikulong ito ay naglalaman ng maraming kagulat-gulat na mga deklarasyon ng papa at mga dokumento ng kapapahan na, bilang isang Kristyanong sumasampalataya sa Bibliya, maaari mong mahanap ang mga ito na lubhang nakakasakit at lubos na nakakabahala. Sinasalaysay namin ang patotoo tungkol sa huwad na Katolisismong relihiyon dahil nagmamalasakit kami; hindi na namin nais ang sinuman sa Kanyang bayan na patuloy na linlangin ng masamang sistemang ito.
Malayang Paglilingkod: Mag-Ingat sa Nakatagong Patibong!
Maraming malayang paglilingkod ang lumitaw upang ipalaganap ang patotoo kapag ang iba't ibang denominasyon ay bigong sumulong sa liwanag. Nakalulungkot, karamihan sa mga paglilingkod na ito kung hindi lahat ay gayundin bigo na sumunod sa dumaraming liwanag. Nananawagan ang langit sa lahat na manindigan nang malaya mula sa anumang paglilingkod na hahadlang sa pagsulong ng patotoo.
Impyerno: Mali Ang Inaakala Mo, Minamahal!
Ang doktrina ng walang hanggang naglalagablab na impyerno ay nagdulot ng mas maraming pighati, mas maraming pagkalito at humantong sa mas maraming tao na tanggihan si Yahuwah kaysa sa anumang ibang iisang paniniwala. Ang artikulong ito ay sinisiyasat ang patotoo ng Bibliya tungkol sa impyerno.
Ang Matematika ng Pag-aasawa
Ang layunin ni Yahuwah para sa pag-iisang-dibdib ay ang mag-asawa ay nagiging “isang laman.” Matutunan ang iba’t ibang pamamaraan na ginamit ng mag-asawa para maging “isa,” at kung bakit isang pamamaraan lamang ang maaaring makamit ang ninais na “pagiging isa.”
Ang Sabbath sa Bibliya
Ang Sabbath ay isang mahalaga, sumasangang paksa na humahati sa mga Kristyano ngayon. Naniniwala kami na ito'y magiging mas kontrobersyal sa hinaharap. Dahil dito, matalino na siyasatin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paksang ito. Ang artikulong ito ay tinatangka nang daglian na ipaliwanag ang lahat ng mga sanggunian sa Bibliya sa sanlingguhang Sabbath gamit ang salitang Sabbath. Ang pagsisiyasat ay kinukuha ang dalawang pananaw. Ang una ay para pagtugmain ang Bibliya tungkol sa Sabbath, at tanggalin ang anumang punto ng sagupaan sa pagitan ng mga teksto na maaaring lumitaw sa kaisipan ng mambabasa. Ang ikalawa ay para tumugon sa mga pinaka karaniwang argumento na ginamit laban sa pagtalima sa Sabbath ng Bibliya.
Kailan Ang Buwan Nilikha? Mahalaga Ba Ang Araw Na Ito?
Ang Kalendaryo ng Manlilikha ay batay sa Buwan at Araw, sapagkat tiniyak sa Kasulatan. Habang ang suporta para sa tunay na Kalendaryo ay dumarami, ganon din ang mga hangal na argumento laban rito. Kailan aktwal na nilikha ang Buwan at paano nakaaapekto ang kakayahan nito na maging isang tumpak na Makalangit na orasan? Maaari bang matapat na pagkatiwalaan ang karunungan at modelo na itinakda sa Genesis? Alamin natin.
Mga Bagong Buwan at Mana | Ang Padron sa Ilang
Ang liwanag ay nagpapatuloy sa pagsulong sa itinalagang paraan ng pagpapanatili ng panahon ng Manlilikha, ang kalendaryong luni-solar. Ngayon, ang ating mapagmahal na Ama ay muling ibinabalik at sinusubukan ang mga nag-aangkin na nabibilang sa Kanya upang makita kung sila ay naglalakad sa Kanyang Kautusan. Sa artikulong ito, matutuklasan mo ang mas malalim na kagandahan ng mga Bagong Buwan at Mana, may kaugnayan sa Kanyang mga tuntunin ng kalendaryo.
Ano Ang Ibig Sabihin Ng Nasa “Ilalim Ng Kautusan”
Ibig kong simulan sa isang babala na ang pag-aaral na ito ay medyo malalim. Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng isang tiyak na antas ng konsentrasyon. Pakiusap na manalangin bago basahin ito. Nawa si Yahuwah ay gabayan tayong lahat!
Ang Metonikong Pag-Ikot ay Ginawang Simple
Ang pagkakaunawa sa Metonikong Pag-Ikot: Tuklasin ang kagandahan at kabuuan ng Biblikal na Kalendaryong Luni-Solar sa pamamagitan ng mismong mahuhulaang 19 na taong pag-ikot na ito!
Juan 3:16: Mag-Ingat sa Malabong Hindi Pagkakaunawaan
Sa modernong panahon, ang Juan 3:16 ay marahil ang pinakamadalas sipiing berso (wala sa konteksto) mula sa buong Bibliya, sapagkat ito’y nagpapalamuti sa mga kaganapang pampalakasan (sa mga karatula) at paulit-ulit na ginamit bilang isang maikling buod ng mga magagandang loob, masigasig na mga ebanghelista. Habang isang napakagandang pahayag (sa sarili nito) tungkol sa napakalaking pag-ibig ni Yahuwah kaya ipinagkaloob ang Kanyang Anak, at ang sangkot na sukdulang layunin, ito’y maaaring gamitin sa isang mapanganib na nakaliligaw na paraan!
Araw ng Bagong Buwan: Ang Bukang-Liwayway Matapos ang Pang-Ugnay
Ang World’s Last Chance ay galak na galak na ibahagi ang anong tapat na pinaniniwalaan namin na sumusulong na liwanag sa ating Kalendaryo ng Manlilikha. Simula nang una naming tinanggap ang maluwalhating liwanag ng kalendaryong luni-solar ni Yahuwah at ang banal na papel nito sa pagtukoy ng lahat ng mga Araw ng Kapistahan, kabilang ang Ikapitong Araw ng Sabbath, kami sa aming kamangmangan ay ipinahayag ang Araw ng Bagong Buwan na tinukoy ng unang nakikitang gasuklay. Kami ngayon, matapos ang napakaraming panalangin at pag-aaral, nagsisi ng kamaliang ito at nais na ibahagi nang may pagpapakumbaba ang aming pananalig na ang Araw ng Bagong Buwan ay siniyasat, nagsisimula sa bukang-liwayway, sa araw kasunod ng pang-ugnay ng buwan sa araw.
At Ang Batong Iyon Ay Si Kristo
Ang mga naniniwala sa pag-iral bago isinilang ni Panginoong Yahushua ay madalas umaapela sa mga salita ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 10:4, kung saan sinasabi niya ang tungkol sa mga Israelita sa ilang na silang “lahat ay uminom ng parehong inuming espirituwal. Sapagkat sila’y uminom mula sa batong espirituwal na sumunod sa kanila, at ang Batong iyon ay si Kristo.” Pinagtalunan mula rito na si Yahushua mismo ay personal na sinamahan ang bayan ng Israel habang sila’y naglalakbay sa ilang patungo sa Lupang Ipinangako. Ngunit ito ba ang tunay na sinasabi ni Pablo?
Ang Sampung Utos
Ang kontrobersya tungkol sa pagpaskil ng Sampung Utos sa mga pampublikong gusali ay marahas na hinati ang pampublikong opinion sa Estados Unidos. Ang artikulong ito ay tumitingin sa kung paano ang Sampung Utos ay lumitaw sa kasaysayan at ano ang kanilang papel. Tumitingin rin ito sa kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Sampung Utos, ano sila, at ano ang ibig sabihin nila sa ating lahat. Ito’y tuluyang nagpapakita na sila'y hindi naglaho kasama ang Lumang Tipan, kundi ang mga ito ay mga mismong salita na isinusulat ni Yahuwah sa puso ng tao sa ilalim ng Bagong Tipan.
Ang Huling Hapunan: Paskua? o Hindi?
Ang pagpapalagay na ang Huling Hapunan ay ang hapag-kainan ng Paskua ay humantong sa pagkalito. Ipinapakita ng Kasulatan ang magandang pagkakatugma ng mga simbulo na ang Huling Hapunan ay hindi ang Paskua, kundi isang pangkaraniwang hapag-kainan na itinalaga sa mga bagong simbulo.